Glasses: part one

3K 21 4
                                    

" Lilyyyy! Bilisan mo naman at malalate na tayo. " reklamo ni Kuya sa baba. Nagmamadali ako ngayon kasi nalate ako ng gising dala ng pagpupuyat ko kagabi.
" Oo na! Eto na, pababa na ako. " sigaw ko bago nagmamadaling bumaba habang sinusuot ang sapatos ko kaya naman nadapa ako sa last step tsaka ko natapaka glasses ko.
" Patay. " bulong ko bago dali dali itong pinulot dahil alam kong papagalitan ako ni Mama pag nakita niyang nasira ko yung glasses ko. Tumakbo ako palabas ng bahay at naabutan sina Mama at Kuya na kanina pa ako hinihintay.
" Oh? Saan salamin mo? " takang tanong sakin ni Kuya. Tumingin naman sakin si Mama na pareho ding nagtataka.
" A-ah ano. New style ko 'to. Para naman maiba diba? hehe. " kinakabahang sagot ko. Mukha naman napaniwala ko sila dahil nagkibit balikat lang sila tsaka sila pumara ng tricycle na masasakyan namin ni Kuya.

" Panget, eto baon mo bigay ni Mama. Tsaka nagpadala din pala si Ate kaya may dagdag baon ka. Allowance mo daw yan sakanya for 1 month. " sabi ni Kuya sabay abot sakin ng pera tsaka ito humabol sa barkada niya at nakipag apir. Napabuntong hininga naman ako. Paano na yung ipapambili ko ng concert tickets ko? mangiyak ngiyak kong isip. Aish , dibale na babawi ako sa next time. Kung may next time man. huhu.

" Lilyaaa! " tawag sakin ng bestfriend ko. Tumango lang ako rito tsaka umupo sa gilid niya.
" Oh? Ano meron sa'yo ngayon? " tanong nito.
" Teka, may bago sa'yo ngayon ah. 'Di ko lang mapoint out. " dagdag pa nito. Nilabas ko naman mula sa bulsa ko ang sira kong glasses bago ito pinakita sakanya.
" Ayun! Kaya pala medyo iba itsura mo ngayon eh. Anyare pala jan? " tanong nito.
" Natapakan ko kaninang umaga sa pagmamadali. Nadapa ako tas nahulog ko . " naiiyak kong sabi sakanya. Tumawa naman ito ng malakas.
" Tanga mo talaga bes! HAHAHAHA! " lalo naman akong naiyak sa reaction niya.
" Naman eh. Patay ako kay Mama nito. Ano na gagawin ko? " desperado kong tanong sakanya. Tumigil naman ito sa pagtawa tsaka tumingin sakin ng seryoso.
" Alam mo na sagot jan bakla. " sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako tsaka humarap sa harap dahil dumating na ang prof namin.

" Bakla, sorry ah? 'Di kita masasamahan sa Mall ngayon. Emergency eh. Sige na , ingat . mwuah! " nagmamadaling paalam sakin ni Shannon. Ngumiti nalang ako ng matamlay sakanya bago sumakay ng jeep papuntang Mall.

Naglalakad ako ngayon ng may biglang bumangga sakin kaya pareho kaming napaupo. Nakita ko namang nahuloh nito ang shades na gamit niya at dali dali niya itong pinulot. Pero bago pa man niya maisuot ang glasses niya ay nakita ko ang mukha niya.

" J-james? " hindi makapaniwalang bulong ko. Nabigla naman ito tsaka sumenyas sakin upang tumahimik. Tumango naman ako rito tsaka kunwaring sinara ang bibig ko na parang zipper lang. Natawa naman ito ng mahina bago ako inalalayang tumayo. Tinanggap ko naman ang kamay niya.

" Sorry sa nangyari. Nagmamadali kasi ako kanina eh. May nakakilala din kasi sakin kanina. " sabi nito saba'y kamot ng batok nito. Ngumiti naman ako sakanya at sinabing wala lang yun.

Ngayon lang daw kasi naging maluwag ang schedule nito kaya naisipan niyang magrelax muna at maglibot libot sa Mall. Sa kinamalas malasan nga lang daw may nakakita sakanya. Meron ding ibang napapatingin samin pero agad din silang tumitigil. Siguro dahil alam nilang imposible. Alam kasi ng lahat na si Katherine lang ang ka loveteam ni James.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano at since wala din daw magawa si James , sinamahan nalang niya akong bumili ng bagong glasses.

" Swerte ko ata ngayon eh. Dibale nang 'di makapunta ng concert mo next week kasi nakasama at nakausap naman kita ngayon. " biro ko sakanya habang pumipili ako ng magandang style ng glasses.
Kumunot naman ang noo nito.
" Ha? bakit? " tumingin naman ako sakanya dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ha o hindi.
" Ipapambili ko sana ng ticket mo yung ipon kong pera pero sa kasamaang palad nasira ko glasses ko kaya dito ko nalang ibibili. Ano naman use ng pagpunta ko dun kung 'di din naman kita makita ng maayos diba? Haha. " napangiti naman ito sakin.
" Dapat pumunta ka. Sabihin mo lang pangalan mo para papasukin ka nila. Hintayin kita dun. " sabi nito sakin. Namula naman ako sa hiya.
" H-ha? Wag na uy. " nahihiya kong sabi.
" No. I insist. Pambawi ko nalang din sa'yo yun. " sabi nito sakin. Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan niya. Tumingin ulit ako ng magandang style ng bigla itong magsalita.
" Mag contacts ka nalang kaya? Hindi ko sinasabing panget ka kung may glasses dahil maganda ka, pero try mo lang kaya? Para naman 'di mo maitago yang ganda mo. " casual na sabi nito sakin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. M-maganda daw ako? Waaaah! Tumingin naman ako sakanya na seryosong nakatingin sakin. Napaisip naman ako. Oo nga noh? Para maiba lang. isip ko.

Nagpagawa naman na ako ng contacts ko at sinabi nilang next week pwede ko na daw kunin. Nagpaalam narin ako kay James na mauuna na ako dahil kailangan ko pang gawin assignments ko. Nagpasalamat naman ako sakanya sa pagsama sakin tsaka ko siya nginitian. Lumabas ako ng Mall na nakangiti hanggang sa dumating ako sa bahay.

" Ano nanamang ngini ngiti mo jang panget ka? " pang aasar sakin ni Kuya pagdating ko. Kung dati may asar din ako sakanya , ngayon wala dahil 'di parin ako makagetove sa date namin ni James. Dali dali akong pumasok ng kwarto ko tsaka nagsisigaw.

" Kyaaaaah! " sigaw ko habang nakatakip ang mukha sa unan. Tumunog naman ang cellphone ko at napangiti sa nabasa.

Fr: James
JGH. Thank you ngayon. Nag-enjoy ako. :)

One Shot Stories | xoxoshrhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon