143u2

3.8K 26 12
                                    

" Psst. Ally! " bulong ng katabi. Tumingin naman ng masama si Ally sakanya at binalik ang atensyon sa harap .
" Ally! Ally psst! " pangungulit pa nito .
" Ano!? " inis na bulong pabalik ni Ally .
" Wala. Hi . " pambbwisit ng katabi sabay kaway rito. Inirapan lamang ito ni Ally at tinuloy ang pagsusulat. Nagulat naman ito ng may pinasa ang katabi sakanya na papel.
" Ano nanaman to Raj!? " inis na tanong nito.
" Basahin mo nalang. " Raj mouthed to her . Inis na binuksan ni Ally ang papel at agad itong pinunit ng makita ang laman .

Drawing ng babae na nakakunot ang noo at may sungay .

Tumawa naman ang katabi kaya napatingin sakanila ang terror teacher nila sa Math.

" Mr. Padilla . Out of my class! NOW! " nanggagalaiti na sigaw ng prof . Napangiti naman si Ally rito. Buti nga sa'yo isip nito . Napansin naman ito ng prof at pinalabas din ito .

" And you too Ms. Manuel. " napanganga naman ang dalaga in disbelief . Sasagot na sana siya pero tinuro lamang ng prof ang pintuan . Labag sa loob na tumayo ito sa kinauupuan at kinuha ang mga gamit tsaka lumabas . Agad namang bumungad sakanya ang nakangiti na mukha ni Raj.

" Alam mo ikaw . Pahamak ka talaga kahit kelan. Lubayan mo nga kasi ako! " galit na sigaw ni Ally dito bago iniwan ang tulalang si Raj .

Sinundan lamang ito ng tingin ng binata tsaka naglakad sa kabilang direksyon.

Kinabukasan , napansin ni Ally na tahimik lang ang katabi. Hindi naman sa ayaw niya na tahimik ito pero naninibaguan lamang siya dito . Lumipas ang ilang linggo na ganun parin siya. Napagdesisyonan ni Ally na kausapin ito .

" Raj teka lang. " tawag nito. Tumigil naman sa paglalakad ang binata at hinarap ang dalaga.
" Oh? " walang gana na tanong nito. Lalo namang naguilty si Ally . Dahan dahang tumayo si Ally sa kinauupuan tsaka ito lumapit sa binata. Ngumiti ito rito tsaka nilabas ang papel na binigay sakanya ni Raj nuon.

Ang drawing nito na nakakunot ang noo .

" Last week ko lang napansin yung message nito. Ngayon naliwanagan na din ako . 143 you too Raj. " nakangiti na sabi ng dalaga. Kumunot naman ang noo ni Raj.

" Ha? Anong pinagsasabi mo? " takang tanong nito.
" A-akala ko ba gusto m-mo ako? " utal na tanong ng dalaga. Kinabahan naman ito.
" Luhh , ilusyunada ka talaga gurl. Pareho lang tayo na Fafa din ang hanap kalurkey. " sagot ni Raj tsaka tumawa .
" Alam mo girl , meaning ng 143 na yan is yung bagong bukas na salon malapit samin. Papaayos sana kita and don't worry libre ko . " excited na sabi ni Raj habang pumapalakpak.

---

Lesson Learned: Wag agad mag assume . HAHAHAHA! Malapit na Valentines madami nanaman kagaya ni Ally. mwuah!

One Shot Stories | xoxoshrhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon