III

3 0 0
                                    

🌻✨🍂✨🌻✨🍂
LIANNA'S POV
🌻✨🍂✨🌻✨🍂

Until now I'm thinking about him..

Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya? Masaya kaya siya? Iniisip niya ba rin ako?

Ugh! Bakit ko nga ba siya iniisip?

Nakakatanga. Sobra! Ba't ba ako nagkakaganito ng dahil lang sa kanya? Bakit ko ba inaalala yung lalaking iniwan ako?  Sinaktan ako? Siguro ganito nga talaga kapag nagmahal.  Mahirap at matagal bago mawala yung pagmamahal na naging pundasyon niyong dalawa—ay mali! Okay, let me rephrase it. 'Mahirap at matagal bago mawala yung pagmamahal na GINAWA MONG PUNDASYON SA RELASYON NA TINAPOS NG WALANG KWENTANG TAO!'  ayan! mas okay na.

"Nakaka-inis ka sobra!" sabi ko sabay kuha ng bato at ibinato ito.

"Aray!"

Omg! Paktay na! May natamaan yata ako!

"Uy pre, ayos ka lang?"

Oh my! Lagot na talaga! Antanga-tanga lang Lia! Sobra!

Nilapitan ko yung lalaki na natamaan ko ng bato, hawak-hawak pa nito yung batok niya, yun yata yung natamaan ko. Nakatalikod ito kaya kinulbit ko.

"Ah kuya, sorry ha. Natamaan ka nung bato na binato ko kanina. Hindi ko sinasadya yun, promise! Sorry talaga!" sabi ko habang naka-peace sign.

Tumingin na ako sa mukha niya ng daretso at nakatitig ito sa akin. Anong problema nito? Galit kaya 'to sa akin? Huwag naman sana!

"Uy pre! Sorry raw!" sabi ng isa sa mga kasama niya.

"Okay ka lang ba talaga? Dadalhin ka na ba namin sa clinic?" sabi pa ng isa at tinabig niya ito.

"Tinamaan na nga yata ako." sabi nung lalaki na natamaan ako.

Sa wakas nagsalita na rin! Pero what? Anong ibig sabihin niya? Ang weird mo kuya ha!

"Oo pre, tinamaan ka na nga yata! HAHAHAHA" sabi ulit nung isa at nagtawanan na yung mga kasama niya.

"Pinagtri-tripan niyo ba ako ha?" sabi ko at tumingin ng masama sa mga ito lalong lalo na dun sa antipatikong lalaki na natamaan ko. "Hmp! Makaalis na nga! Basta nag-sorry na ako! Diyan na nga kayo!" paalis na ako ng biglang hinawakan nung lalaking natamaan ko yung kamay ko.

"Teka lang, may itata—"

"Lianna! Lia! Lia! Liaaaaa!" sigaw ng isang tao mula sa malayo.

Napatingin ako sa tumatawag sa akin at si Ciara lang pala iyon. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki na natamaan ko at tinanggal mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko.

"Ang weird mo, alam mo ba yun?" sabi ko sa kanya.

Imbis naman na magalit siya sa sinabi ko ay ngumiti pa siya. Ang weird nga talaga niya. Gosh!

Umalis na ako at naglakad papalayo..

Papalayo mula sa kanya at kay Ciara. Ayoko ng makipag-usap sa madaldal, wala ako sa mood.

"Lia! Kanina pa kita tinatawag eh! Tignan mo 'to! Tignan mo!" tuwang-tuwa at kilig na kilig na sabi niya.

Hays. Para namang may pag-asa pa na tumahimik ang mundo ko.
Tumigil ako mula sa paglalakad at hinarap siya. Inabot niya sa akin ang cellphone niya kaya kinuha ko 'to at tinignan. Ano ba problema nito at nagkakaganito na naman 'to? 

Binalik ko ang tingin ko sa phone niya at nasa facebook ito sa may news feed.O anong meron dito? Normal lang naman na may nagpo-post, nagsta-status at nag——

Oh fuck! Totoo ba 'to?  TOTOO BA 'TONG NABABASA KO?!

"Uy Liaaaaa! Look! Naka-tag ako sa status niya. Ako lang at wala ng iba! Kinikilig ako! Omg! Dito na yata mag-uumpisa ang forever."

"Paano mo siya nakilala? Bakit? A-Anong meron?" tanong ko.

O. M. G.! Totoo ba talaga 'to!?

"Ano ba Lia! Siya yung guy na pinakilala ni Hanne sa akin! Siya yung ka-chat ko!"

Wtf. Anong nangyayari sa mundong ito? Bakit ka ba ganito tadhana? Sinasadya mo bang paglapitin at paliitin ang buhay namin? Mababaliw na akooooooooooo

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon