VII.

7 0 0
                                    


🌻✨🍂✨🌻✨🍂
Lia's POV
🌻✨🍂✨🌻✨🍂

Pagkarating namin sa room as usual, mga naka bilog na naman sila at kanya-kanyang mga usapan.

"Alam mo ba, dadating na raw yung transferee!" sabi ng kaklase ko.

Napahinto ako at napatingin sa kaklase ko na nagsabi nun.

"Talaga? Totoo ba 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Oo, kakausapin pa raw 'yun ng principal tsaka ihahatid sa magiging section niya. Sana nga dito siya eh!" sabi ng kaklase ko habang kinikilig.

Inihampas ko ang kamay ko sa arm chair.
"Sa tingin mo maganda yang idea mo ha!?" sigaw ko sa kanya.

"Lia, mahiya ka nga." bulong sa akin ni Crysten sabay turo sa mga kaklase namin na ngayon ay nakatingin sa akin.

"T-Teka Lia, bakit ganyan ka maka-react?" tanong ng kaklase ko.

"Ha? Ah, ano kasi. Wala, oo tama! Wala lang!" sabi ko at dumaretso sa upuan ko at umupo agad.

Pinalo ko yung ulo ko at ipinatong ang mga kamay ko sa mukha ko.

Anong eksena yun Lia? Nababaliw ka na ba? Haist! Kahihiyan Lia! K-a-h-i-h-i-y-a-n!

Nagsimula na ang klase at wala ako sa mood. Parang gusto ko lang humiga at mag-isip ng kung ano-ano.

"Miss Lia!"

Rex. Rex. Rex. Rex. Rex. Rex. Rex. Sinasakop mo yung utak ko!

"Hey Miss Lia!"

Andito na siya. Dadating na siya. Makikita ko na siya.

"Miss!"

'Di ka nya mahal. Hindi. Hindi na!

May biglang sumiko sa akin ng malakas kaya nagulat ako at napabalikwas.

"Uy kanina ka pa tinatawag ni ma'am!" sabi sa akin ni Crysten habang nilalakihan ako ng mata.

"Ha?" tanging nasabi ko at tumingin sa harapan at sa paligid. Nakatingin silang lahat sa akin.

Tumayo ako at yumuko.

"Kanina pa kita tinatawag, Miss Lia. Are you with us? Hmm?" sabi nito sa akin.

"Pasensya na po ma'am." sabi ko.

"Focus Lia, focus. Okay? You can take your sit. Okay let's go back to our lesson..."

Lutang ang isip ko ngayon. Hays!

"Ano ba nangyayari sayo ha?" tanong sa akin ni Crysten.

"Wala lang 'to." sabi ko.

Napatingin ako sa may labas. May lalaki na naka-jersey at may dalang bag at kumakaway ito—sa akin?

Tama Lia. Lutang ka nga! Kung ano-ano na naiimagine mo.

"Mukhang kinakawayan ka nung lalaki dun oh!" bulong ni Crysten.

Totoo nga! Teka, mukha siyang familiar, saan ko nga ba siya nakita?—Aha! Siya yung antipatikong hindi ko sinasadyang mabato.

Tumingin ulit ako sa labas at nandun pa rin siya. Nakasandal sa may grilles, mukhang may hinihintay. May mga dumating na lalaki at nag-apir sila.

"Bes may mga fafa!" bulong ni Crysten sa akin.

Tinignan ko ito at nakatingin rin pala ito sa labas. Binatukan ko siya para matigil sa kalandian niya.

Napatingin ulit ako sa labas at kumindat sa akin yung antipatikong lalaki at nag-goodbye wave.

"Ay Lia! Kinindatan ka! Crush ka yata nun!" sabi niya sa akin habang niyuyugyog ako.

"Ano ba!? Crush mo mukha mo!" sabi ko at umayos ng upo at nagkunwaring nakikinig sa lesson.

*

Finally! Break time na namin ngayon! Nagpasama ako kay Crysten para kunin yung mga gamit ko at yung ilang mga gamit na gagamitin namin sa pag-aayos ng play.

"Napakarami naman nito Lia! Ambigat-bigat pa!"

"Wag ka na mag-inarte dyan dahil parehas naman tayo ng pinagdadaanan" sabi ko.

Napatigil sa paglalakad si Crysten kaya napatigil rin ako.

"Hi!" sabi ni mr. Antipatiko na nakaharang sa dadaanan namin.

"Diba ikaw yung lalaki na nasa tapat ng room namin kanina? Kumaway at kinindatan mo nga si Lia eh, diba?" sabi ni Crysten.

Ayan na naman siya. Hays!

Humawak siya sa batok niya at ngumiti.
"Ah, Lia pala pangalan mo" sabi ni Mr. Antipatiko at ngumiti ulit.

Bakit ba siya nakangiti? Pinagtritripan na naman ba ako nito? Naparoll eyes nalang ako at hindi nalang pinansin ang sinabi niya.

"Excuse me, nagmamadali kasi kami. Ilang minutes lang break time namin at hanggang ngayon hindi pa kami nakain, kailangan pa namin ayusin 'to kaya kung maaari lang sana umalis ka dyan"

"Tulungan ko na kayo" sabi niya at akmang kukunin ang mga dala-dala ko pero inilayo ko ito.

"okay lang kami, tara na Crysten!" sabi ko at nauna na sa paglalakad.

"Pero mabigat Lia!" sabi nito kaya napatigil ako.

"Ako nalang magdadala niyan" sabi ni Mr. antipatiko.

"Talaga? Okay lang?" tanong ni Crysten at kinuha naman ni antipatiko ang mga gamit at ngumiti sa kanya. Nagblush naman ang loka-loka!

Hinayaan ko na sila at nauna na.
Mukhang tama nga si Crysten, mabigat nga! Pero hindi! Keri lang!

"Bigay mo na kasi 'yan." biglang sabi ni Crysten.

"Nagulat naman ako sayo! Hindi, okay lang ako." sabi ko.

Nagulat lalo ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko kaya't nahulog yung iba kong mga dala. Aba nananadya yata talaga 'tong antipatikong ito.

Tignan ko siya ng masama at pinulot na yung mga nahulog na gamit.

"Ayan, sabi sayo ibigay mo na sa akin 'yan eh!" sabi niya at tinulungan ako.

Pinulot niya ng mabilis ang mga gamit at isinama sa mga dala-dala niya.

"Uy akin na ya—" di ko na natapos ang sasabihin ko ng kunin pa nya ang mga bitbit ko at dumaretso papunta sa 3rd floor.

Hinabol ko siya pero sadyang mabilis siya kumilos–oh, baka sadyang mabagal lang talaga ako? Ay ewan!

Nasa 3rd floor na kami ng makita ko si Mr. Antipatiko na kakalabas lang sa room namin at wala ng bitbit. Ipinagpag niya ang dalawang kamay na para bang nag-ayos ng mga maalikabok na gamit at inilagay rin ang kanyang mga kamay sa bewang.

Lumapit ako sa kanya at tinignan ng masama.

"Asan na yung mga gamit ko?"

"Nilagay ko na sa may upuan mo. " sabi niya habang nakaturo sa classroom namin.
Kinuha niya ang bag niya at may hinalukay na kung ano.

"Ito oh." sabi niya at sabay abot ng sandwich.

"Bakit? Para saan?" pagtatakang tanong ko.

"Malamang kakainin!" pamimilosopo niya.

Naparoll eyes nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Sayo 'yan, kaya kainin mo nalang." sabi ko at akmang papasok na sa room ng bigla niyang higitin ang kamay ko at inilagay roon ang sandwich.

"Sabi mo kasi hindi ka pa nakakapagbreak. Kaya sayo na 'yan, kainin mo ha! 'Wag mong sasayangin maraming bata ang nagugutom, tandaan mo" sabi niya at umalis.

"Teka!" imbis na magsalita siya ay nag-goodbye wave nalang siya habang nakatalikod mula sa akin.

"Ayie! Made with love yata yan!" sabi ni Crysten at dinanggi ako.

"Psh! Oh, hati tayo" sabi ko at ibinigay sa kanya ang kalahati.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon