Kasalukuyan ngayong nakahiga si Hanna sa kaniyang kulay pink na kama,nagpapahinga dahil napagod siya sa paglalakad-lakad at pamamasyal kanina sa Central Park kasama ang kaniyang mga pamilya't kamag-anak.
Nasa New York ngayon si Hanna para sa isang Christmas Family Reunion na gaganapin sa bahay ng pinsan niyang si Mark,isang dentista,may sariling klinika doon at mas matanda kay Hanna ng limang taon.Ito rin ang tumawag sa kaniya at may sabing may gaganaping reunion sa pagitan ng pamilya nila at ng ibang mga kamag-anak nito.
Habang nasa pagkakahiga si Hanna,biglang tumunog ang cellphone niya.Umupo kaagad siya para malaman kung sino ang ngayo'y tumatawag sa kaniya.
Matapos makita at malaman ni Hanna kung sino ang tumawag ,bigla na lamang siyang napangiti.Si Kean kasi ang tumatawag ngayon sa kaniya,first boyfriend niya at mag-iisang taon na sila sa sasapit na desperas ng pasko.
"Hello Hanna?" sabi ni Kean sa kabilang linya.
Biglang lumungkot mukha ni Hanna ng marinig niya ang seryosong tinig ni Kean.Naninibago kasi siya,sapagkat dati-rati kapag tumatawag ito sa kaniya,maririnig at mabobosesan mong masaya siya sa kabilang linya at laging may bhebhe qoe sa huli ng bawat pangungusap na bibitawa't sasabihin niya.
Napailing na lang si Hanna at pinilit sumagot ng may sayang mararamdaman sa tinig niya.
"Oh!Ba't napatawag ang bhebhe qoe,madaling araw pa lang diyan sa Pinas ha?Na-miss mo na siguro ako no?Oh!Musta ka na diyan?Ayos ka lang ba?May sasabihin ka ba bhebhe qoe?Sabihin mo na para naman makapagpahinga ka na rin." sunod-sunod na sabi ni Hanna.
Hindi naman kaagad nakasagot si Kean,pero maririnig mo ang mga mabibigat na buntong hiningang binibitawan niya.
"Bhebhe qoe!Nandiyan ka pa ba?"
"Bhebhe qoe?"
"Hoy!Kean!Nandiyan ka pa ba?Ano na?"
Iyan ang tatlong pangungusap na binitawan ni Hanna bago sumagot si Kean makalipas ang limangput segundo.
"Hanna!Patawarin mo ko!*sob*Pero kailangan kong gawin ito.*sob*Hann--*sob*" umiiyak na ngayon si Kean sa kabilang linya.
Kinabahan si Hanna sa mga sinabing iyon ni Kean.Pero dahil sa gusto niyang malinawan,tinanong niya ito at sinubukang sumagot ng walang halong lungkot at kaba sa kaniyang tinig.
"Oh!Bhebhe qoe bakit ka umiiyak?Wala ka pa ngang sinasabi umiiya---"
"Hanna!Gusto ko ng makipagbreak sa'yo.*sob*Ayaw na kita!*sob*Ayaw na kita naiintindihan mo?*sob*" punong-puno ng galit at pasigaw na sabi ni Kean mula sa kabilang linya.
"Bhebhe qoe!Ano ka ba?May role-play ba kayo,akala ko ba tapos na ang pasukan natin noong pumunta ako dito?Ikaw pa nga ang may sabi na sana wala ng Christmas vacation eh.Kaya ikaw Bhebhe qoe tigil-tigilan mo ako ha!Kung para sa role-play iyang sinasabi mo,ang galing-galing mo Bhebhe qoe napaniwala mo ako eh."nagpapakatatag at nakangiting sabi ni Hanna.
"Hanna!Tama na!*sob*Tama na ang biruan*sob*Alam ko na alam mo rin kung ano ang gusto kung sabihin at iparating sa iyo.Kaya tama na!Gusto ko na talagang makipaghiwalay sa'yo Hanna.*sob*Ayoko ko na sa'yo!*sob*Kaya kung ako sa'yo,itigil mo na ang pagmamahal mo sa akin.*sob*Kasi mapapagod ka lang.*sob*"matapos bitawan lahat ng ito ni Kean,tuluyan ng nabunggo ng katotohanan si Hanna saka umiyak.
" Kean!Bakit?Sige sabihin mo nga ha!*sob*Sabihin mo!*sob*Ano ang dahilan mo ha?*sob*Ano?Sabihin mo*sob*.Para di ako nagmumukhang tanga dito at iniisip kung ano ang dahilan mo at bakit gusto mo ng makipaghiwalay sa akin?*sob*Bakit Kean?*sob*Bakit?Bakit?"tuluyan ng humagulgol sa iyak si Hanna.
"Hanna!*sob*Patawarin mo ako."
"Bakit mo nagawa sa'kin ito Kean?*sob*Bakit?"
"Sorry Hanna!*sob*"
"BAKIT????"
"Hindi ko alam HANNA!!!"
"Wag mong sabihing di mo alam.Alam mo Kean?Hindi ako napagod na mahalin ka,*sob*pero ngayon ko lang naramdaman ang pagod at pagod na pagod na ako.*sob*Damang-dama ko na ang pagod.*sob*Ito ang tatandaan mo Kean.*sob*Sayo lang ako nagpakatanga ng ganito.*sob*Sayo na di dapat mahalin.Huhuhuhuhu!"
"Hanna Im so sorry"
"Kainin mo iyan sorry Mr.Hernandez,di ko kailangan iyan.Huhuhuhu!"
"Makakahanap ka din ng taong para sa iyo Hanna.*sob*"
"Makakahanap?Akala mo ba ganoon kadali iyon ha?*sob*Ha?"
"Sorry tala--"
Pinatay na ni Hanna ang telepono,saka dumapa sa kama at tinakpan ang sarili niya ng kumot,at umiyak ng umiyak ng umiyak.
Buong buhay kasi ni Hanna,ngayon lang kasi siya nagmahal at ngayon lang din siya nasaktan ng ganito.Kaya hindi mo talaga maiiwasan at maalis ang maghinagpis siya ng ganito.
Bdbymarkgayagoy14319