Paano ba kasi nagkakilala sila Kean at Hanna?At bakit humantong sa hiwalayan?Iyan ang babalikan natin ngayon.Ang araw kung saan umuulan ng malakas,at nakasilong si Hanna sa isang waiting shed sa harap ng paaralang pinapasukan niya.Ang araw kung saan naging masaya si Hanna at ang araw na nahulog ang loob niya kay Kean.
Nakatayo noon si Hanna sa isang sulok ng waiting shed,nagpupunas at naglilinis ng kaniyang sarili,ng biglang matanaw niya si Kean sa di kalayuan at tumatakbo palapit ng waiting shed para rin sumilong.
Tatlong metro noon ang layo ni Kean kay Hanna at parehas silang nakatayo.
Sa panahon,ding iyong na love at first sight si Kean kay Hanna at ganoon din si Hanna kay Kean.Hindi man napapansin ni Kean si Hanna sa kanilang classroom kahit na magkaklase pa sila,ngayon napansin niya naman na ang kagandahan ng dalaga at ang pagtibok ng puso niya ng makita ito.Walang kamalay-malay ang dalaga kung paano niya noon napasaya ang binata
Walang umimik sa kanilang dalawa noong mga panahon na iyon.Ibig man ni Hanna na makipag-usap pero di maaari sapagkat babae siya at may hiyang namumuo sa puso niya.Buti na lang at nagkaroon ng lakas ng loob si Kean at siya na ang nagsalita para na rin mabasag ang katahimikan sa pagitan nila.
"Umm....Miss?" sabi nito habang nakatingin sa kaniyang mga paa.
Lumingon-lingon naman si Hanna sa paligid kung may iba pang babae na naroon sa waiting shed.Nang makumpirma niyang dadalawa lang sila,nagsalita na ito kaagad.
"Ako po ba ang tinutukoy niyo?" sabay turo ni Hanna sa kaniyang sarili noon.
Lumingon naman si Kean sa mata ni Hanna at sabay sabi ng mga katagang"Miss multo ka ba?"
"Ha?Ako multo?Mukha ba akong multo di naman ha?" takang-takang sabi ni Hanna.
"Hindi ka naman mukhang multo,pero ng makita kasi kita bumilis tibok ng puso ko" nakangiting sabi ni Kean.
Iniikot ni Hanna ang kaniyang mukha noon sa isang side kung saan wala doon si Kean saka ngumiti.Noon lang kasi siya kinilig ng ganoon.
"Miss!"
Lumingon naman bigla si Hanna sa mga mata ni Kean.
"Sana bobo na lang ako sa math!!" malungkot na sambit noon ni Kean.
"Ha?Bakit?"Hanna.
" Para pag di ko alam ang sagot tititigan na lang kita."hindi na napigil ni Hanna ang ngumiti sa sinabing iyon ni Kean.
"Camera ka ba?" tugon ni Hanna.
"Ha?Bakit?" napangiti naman si Kean sa tanong na iyon ni Hanna.
"Kasi napapangiti mo ako!" sabi ni Hanna.
"Sana bola ka na lang!" Kean habang unti-unting tumatabi noon kay Hanna.
"Para lagi mo akong ma-mimiss?" ani Hanna.
"Ay!Alam mo na pala iyon.Hahahaha!"-Kean.
Nag-isip ng ilang segundo noon si Hanna sabay tanong ng" Baka hindi ka na makauwi!"
"Bakit naman?Kasi malakas ang ulan?"
"Hindi!Kasi nasa isip na kita." Katwiran naman ni Hanna.
"Plema ka ba?"nagpipigil noon sa tawang sabi ni Kean.
Ang noo'y nakangiti na si Hanna ay biglang nalungkot.
" Kasi nakakadiri ako?"malungkot na sabi ni Hanna.
"Hindi ayaw ko kasing paglaruan ang damdamin ko para sayo."
"Hahahahaha!" sabay silang tumawa ng lakas at unang huminto si Kean.
"Kean nga pala,Kean Hernandez!"nakangiting sabi niya noon sabay alok ng kamay niya kay Hanna para makipagshake hands.
Agad namang kinuha ni Hanna ang kamay ni Kean,ngumiti noon sabay sabi ng" Hanna Santos!Iyan ang pangalan ko"
"Nice meeting you Hanna!You're so cute even if you are wet." nakangiting sabi noon nito at nakahawak pa rin sa kamay ni Hanna.
"Me too Mr.Hernandez nice and Im glad that I met you." pinipilit noong hilain ni Hanna iyong kamay niya sa pag kakahawak ni Kean,hindi pa rin kasi ito bumibitaw.
"Iyong kamay ko." Hanna sabay turo sa kamay na magkahawak nilang dalawa ni Kean noon.
Hinila naman noon ni Kean ang kamay niya kaagad at nagsalita para mawala ang nagawang kahihiyan.
"Ang lakas ng ulan no?sabi ni Kean sabay tingin sa labas.
" Oo nga e-(biglang kumulog)AAAHHHYYY!"
Hindi kayo maniniwala sa nangyaring iyon noon.Napayakap na lang kasi noon si Hanna kay Kean,dahil sa gulat.Siguro mga limang segundo silang nakaganoon saka narealize ni Hanna na nakayakap-yakap pala siya kay Kean.
"Sorry" Hanna habang kumakawala sa pagkakayakap niya.
"Ayos lang!Alam ko namang di mo sinasadya." nakangiti na ngayon silang dalawa.
"Saan pala bahay niyo?" tanong ni Kean.
"Ahy!Iyong bahay namin malayo siya dito sasakay ka pa ng bus tapos magjejeep saka magtratricycle." paliwanag ni Hanna.
"Ang layo naman gusto sana kitang ihatid" malungkot na sabi ni Kean.
"Bakit mo namang gusto akong ihatid?"
"Para magkausap pa tayo at makilala pa natin ang isa't isa ng husto" ani Kean.
"Andami mo sigurong babae no?Ang galing mong mambola eh!" Pabirong tugon ni Hanna.
"Grabe ka naman sa akin!" naiinis na sabi ni Kean.
"Joke lang!Eto naman di mabir......PARAAAAA!" sigaw ni Hanna sa bus na paparating noon.
"Aalis ka na?" Sabi ni Kean.
"Oo eh!Sige una na ako.Once again nice meeting you..PAALAM!!!" sigaw ni Hanna habang tumatakbo papalapit sa pintuan ng bus.
"Bye din!SANA MAGKI-----"
Hindi na noon narinig ni Hanna ang mga sinabing iyon ni Kean,pero isa lang ang nasa isip niya.Sana magkita pa silang muli.