Kabanata 3:Sa Bahay Ng Mga Hernandez At Santos

14 1 0
                                    

Tinititigan lang noon ni Kean ang noo'y papalayong bus na sinakyan ni Hanna,habang nakangiti.

Nang hindi na matanaw ni Kean ang bus.Isa lang ang tanging hiling niya ng mga panahong iyon.Ang sana'y makasama at makapiling niya pang muli,ang tanging babaeng nakapagpasaya sa kaniya ng ganoon sa buong buhay niya.

Makalipas ang ilang minuto,humupa na rin ang ulan na noo'y naging dahilan upang si Kean ay mag-umpisa na rin sa paglalakad.Sapagkat alam niyang di na o wala na iyong susundo sa kaniya.

Nakarating na rin sa wakas noon sa bahay nila si Kean.At ang bumungad sa kaniya ay ang nag-aalala at galit na galit na kaniyang ama.

"Bakit ngayon ka lang Kean ha?Saan ka ba nagpupupunta?Anong oras na oh?" pagalit na sabi ng kaniyang ama sabay tingin sa relong nasa kamay niya.

"Sana bago mo ako pagalitan o sigawan man lang.Sana inisip mo muna kung may sumundo ba sa akin o ano.Eh!Alam mo na ngang day-off ni Manong at wala akong kotse,di pa ikaw ang sumundo sa akin.Akala ko ba ang magaling at tunay na businesman ay taglay ang salitang INITIATIVE ha?,pero mukhang sa pinapakita mong iyan nakapagtataka na naging CEO ka pa ng kompanya ng pabango."katuwiran ni Kean sa kaniyang ama,saka tumuloy na naglakad.

" Stop acting like that my son.Hindi ka na bata.At isa pa huwag mo ako tinatalikuran kapag kinakausap pa kita."sigaw noon ng kaniyang ama,na naging rason upang tumigil at humarap muli si Kean.

"Anak?So anak niyo pala ako.I'm so sorry pero simula kasi ng mambabae ka at pinalitan si Mama.Kinalimutan ko na rin na ama kita." madamdaming sagot niya sa kaniyang ama.

"You don't understand Kean!Lalake ako at siyempre hahanap at hahanap ako ng papalit sa naiwang pagmamahal at pag aaruga ng iyong Ina.Isa pa hindi kita kinalimutan kahit na may 2 na akong anak kay Veronica." paliwanag ni Mr.Hernandez.

"Dad!Pwede ba sa ibang araw na lang tayo mag-usap?Pagod na kasi ako.Pagod na pagod na at gusto ko ng matulog at magpahinga" aakyat na sana siya pero bigla siyang huminto.

"Hindi na ako kakain nawalan na ako ng gana.!"sabi noon ni Kean saka ipinagpatuloy ang pag-akyat.

" TANDAAN MO ITO KEAN.HINDI LANG ITO ANG ARAW NA MAG-UUSAP TAYO TANDAAN MO IYAN.

Ganyan kung mag-away o magsagutan noon si Kean at Si Mr.Hernandez.Simula kasi ng mamatay ang ina ni Kean at nag asawa muli si Mr.Hernandez iyon ay si Veronica  ay nagtanim na ng galit si Kean sa kaniyang puso.Di niya kasi matanggap na agad napalitan ng kaniyang ama ang kaniyang ina.

Nang noo'y makarating na si Kean sa kaniyang kwarto agad siyang nagtungo ng banyo saka naligo.

Matapos niya noong maligo ay nagsuot na siya ng pantulog.Ang pantulog niya ay isang boxer lang naman,na walang suot pang itaas.Mas komportable kasi siya pag ganoon ang suot niyang matutulog.

Matapos magpalit ay tuluyan ng humiga noon si Kean sa kaniyang kama at nagpahinga.

Habang nagpapahinga noon ang pagod na si Kean,bigla niyang naalala iyong mga pangyayari na nangyari kanina sa waiting shed kasama si Hanna.

Ngumingiti lang siya sa tuwing maaalala niya ang mga banat niya at banat ni Hanna sa kaniya.Noon lang kasi may bumanat sa kaniyang babae ng ganoon,kaya gulat na gulat siya ng sumabay ito sa kaniya.

Matapos balikan lahat ni Kean ang mga nangyari,bigla siya umupo at sinabing..

"Oo nga pala classmate ko pala siya.So may chance na magkita pa kaming muli" sabi ni Kean saka ngumiti na abot hanggang tenga.

"MA!PA!JUNIOR PAKI BUKAS ITONG GATE.MA!" sigaw noon ni Hanna habang nakatayo at nakahawak sa munting gate nila.

Gabi na kasi ng makauwi na noon si Hanna sa kanilang bahay at inabutan pa siya ng malakas na ulan.

Tumingin sa bintana si Aling Laida para tignan noon kung sino ang sumisigaw.Kaya laking gulat na lamang niya ng makita si Hanna na basang basa sa ulan.Agad naman siyang nagtungo ng kusina para kumuha ng payong at para maipasok na rin si Hanna sa loob ng kanilang bahay.

"OH!ANAK BAKIT NGAYON KA LANG?AT BAKIT DI KA KASI KUMUHA NG PAYONG MO"nag-aalala at sigaw ni Aling Laida kay Hanna ng mabuksan niya ang pinto.

Nilapitan naman kaagad ni Aling Laida si Hanna,saka binuksan ang gate sabay abot kay Hanna ng payong.

" Halika anak!Pasok na tayo sa loob at baka magkasakit ka pa."

Tinulungan naman ni Aling Laida sa paglalakad ang noo'y hinang-hina na si Hanna.

Nang makapasok sila ng bahay agad namang binigyan ni Manong June ng tuwalya si Hanna,saka pinunasan ang ulo't ibang katawan nito.

"Bakit kasi ngayon ka lang nak?Di naabutan ka tuloy ng malakas na ulan." nag-aalalang sabi ni Manong June.

"Ate palit ka muna basang-basa ka na oh"wika ni Junior sabay abot ng damit sa Ate niya.

" Ang babait at sobrang maaalahanin naman nitong pamilya ko*ubo**ubo*"sambit ni Hanna.

"Oh may ubo ka na ata.Eh sino ba namang ama at ina ang di mag-aalala sa kanilang anak." sabi ni Aling Laida.

"Oo nga naman anak!Oh siya magpalit ka na't kumain saka ka uminom ng gamot." Manong June.

Ngumiti naman si Hanna sabay sabi ng"Sige po Ma pa!Punta lang po ako ng kwarto."

"Sige anak!" Sambit ni Aling Laida.

Umakyat naman noon si Hanna sa kaniyang kwarto para magpalit ng damit at para na rin makakain at makainom ng gamot.

Matapos niyang uminom agad namang umakyat ng kwarto si Hanna upang magpahinga.

Gaya ng kay Kean,ngumingiti lang siya sa tuwing maaalala ang mga nangyari kanina.At dahil sa sobrang saya niya isinulat pa niya ito sa kaniyang Diary.

Matapos maisulat lahat ng nangyari biglang nagsalita si Hanna"Sana siya na ang the one ko!:)"

Bdbymarkgayagoy14319

I Think He's The One!!!(bdbymarkgayagoy14319)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon