Chapter 10

3.2K 97 2
                                    

A/N: and the truth comes out :)
- - - - -
Thania's POV

Matapos ang usapan namin ni Paul ay umuwi ako sa bahay na nanlulumo

Kailangan ko malaman ang totoo . . .

"Anak . . Andyan ka na pala . ." Pagbati sakin ng Papa ko habang nakaupo sya sa sofa

Nakatingin lang ako sa kaniya at iniisip kung bakit nila nagawa yun sakin

• flashback •

"What are you talking about Paul?" Pagtatanong ko sa kaniya na may pagkagulat

"That's the truth Thania! Anak mo si Primo . . Akala ko sya lang ang anak natin . . Primo was not healthy that time . . May sakit sya sa puso dahil mahina sya ng ilabas sya sayo . . Kaya nagdecide ang Papa at Mama mo na ibigay sakin ang anak natin dahil masgagaling sya kapag nasakin sya"

Sa pagkakarinig ng katotohanan ay bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko

" . . So . . Anak . . Anak ko si Primo . ."

end of flashback •

"Anak okay ka lang ba?" Pangangamusta sakin ng Papa ko

Pero wala akong magawa at masabi sa kaniya dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanila ni Mama

Paano nila nagawa yun sakin? Paano nila nagawnag ibigay ang apo nila?!

"Anak . ." Akmang hahawakan sana ako ni Papa ng bigla ko syang ipagtabuyan

"Wag nyo kong hawakan!" Pagalit kong pagsasalita

Nakita ko na nanlaki ang mata ni Papa at halata sa kaniya ang gulat

"Anak . . Ano bang nangyayare sayo?" Pagtatanong ni Papa

Agad namang lumapit si Mama samin at pati sya ay nag-aalala na din

"Thania . . Anak . . Ayos ka lang ba?" Pagtatanong sakin ni Mama

Pero wala akong masabi sa kaniya, halos tumutulo na ang mga luha sa aking mga mata dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanila

"Anak ano bang nangyayari sayo?" Pag-aalala ni Mama sakin

"Anak please . . Magsalita ka . ." Pagsasabi din ni Papa

Kaya halos sumabog na ang galit na nararamdaman ko sa puso ko ng masigawan ko sila

"Tama na! Tama na ang kasinungalingan!" At ramdaman ko na pareho silang nagulat

"Anak . . ."

"Bakit Pa? . . . Bakit nyo pinamigay ang Apo nyo? . ." Pagtatanong ko sa kaniya habang umiiyak

Nakita ko na pareho silang nagtinginan ni Mama at halata lalo sa kanila ang pag-aalala

"Anak let me explain . . ."

But instead of letting him ay masnanaig nalang ang galit ko

"You both knew! All this time! . . . Pero wala kayong sinabi sakin! You both knew na kambal ang anak ko!"

"Anak ginawa lang namin ng Papa mo ang kung alam namin ay makakabuti . . ."

"Makakabuti?! Anong karapatan nyo na magdecide para sa Anak ko?! Anong karapatan nyo na ipamigay ang sarili nyong Apo?!"

"Anak wala kaming magawa ng Mama mo. Naipit kami sa sitwasyon"

"But you should have told me! 28 years Pa! 28 years na hindi ko alam na kambal pala ang anak ko! Na akala ko nag-asawa ulit si Paul at nagkaanak sya sa iba pero akin pala ang anak na yun!"

The Monte-mayor Brothers 3: Same BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon