Chapter 8
Pagtapos naming kumain ay inihatid niya ako sa coffee shop ng Dad niya. Opo, sa Daddy niya yung coffee shop. Panigurado, nagtatakha kayo kasi sa edad na 14 ay nagtatrabaho na agad ako. Pinakiusapan ko kasi si Marga na ihanap ako ng trabaho. Suggestion niya yung shop ng Daddy kaya naman sinabi niya ito sa Dad niya at nagulat ako kasi pumayag siya. Buti na lang mabait ang tatay niya kundi wala sana akong trabaho ngayon.
Pagdating namin sa loob ay agad na siyang umalis. Nagpalit na ako ng uniform ko at nagsimula nang magtrabaho. Grabe, namiss ko to. Sana hindi na ulit magkaron ng problema ang shop.
Nag-aayos ako ng order ng may tumawag na waiter. Waitress lang naman po kasi ako, diba.
Nilapitan ko yung tumawag at nagulat kung sino yun, si Thaun kasama si Don pati si WHAT? Bakit nandito siya? Hindi ako makakapag concentrate sa ginagawa ko nito, uh oww! Kung si Kyle ang hula niyo, tama po kayooooo! Hindi ko siya matingnan kahit isang segundo lang. Aish, jinjja!
"Oh, hi Don! Hi din Thaun. Pati sayo Kyle. Hehe, welcome sa shop." Pagbati ko sa kanila pero kina Don lang ako nakatingin, nakakahiya parin talaga eh.
"Oh, Melanie! Ikaw pala, nagta-trabaho ka rito?" Sabi ni Thaun na nanlalaki ang mata.
"Don't state the obvious, pre!" Binatukan naman siya ng katabi niyang si Don. "Pero teka! Magkakilala kayo? Thaun? Wahaha." Tanong pa nito. Anong nakakatawa sa pangalan ni Thaun?
"Don't ettate the obviout pre! At anong nakakatawa? -_-" Sabi ulit ni Thaun, ginaya pa yung boses ni Don nung sinabi niya yun pero hindi nagawa ni Thaun kasi bulol siya sa 's'. Natawa naman ako diba. Ang kulet ng pagkakasabi niya sa letter na 's' haha.
"Bakit ka natatawa sa pangalan ni Thaun?" Tanong ko pa. Kasi ba naman tawa ng tawa parang baliw. Wahahaha, char...
"Oo Thaun. Hindi niya kati mabigkat ng ayot yung pangalan ko e." Pagkausap ni Thaun kay Don.
"Wahahaha. Thaun! Wahaha. Wait--- hahahaha. Inhale exhale... Ha! Ehem. Ganto kasi yan, hindi kasi Thaun ang pangalan niya kundi Shaun. Wahaha. Bulol kasi siya sa 's' kaya akala mo Thaun." Sabi ni Don na tumatawa tawa pa. Hahaha. Kaya pala in-ispell pa ni Shaun yung pangalan niya. Sorry naman, yun yong pagkakaintindi ko eh.
"Shaun ba? Sabi niya kasi Thaun e. Sorry..." Sabi ko ng tumawa ng mahina. Di mapigilan e.
Napatingin ako saglit kay Kyle at nakitang nakatingin siya sakin, waaaah! Nakakahiya, ngumiti ako ng malawak (pero hindi kita yung ngipin) na parang walang nangyari at nag-iwas ng tingin. Hehe...
Hindi ko na lang siya ulit titignan at dun na lang sa dalawang makulit na kasama niya. "Ah, anyway. Anong order niyo?" Sabi ko at sila namang tingin sa medium size na menu.
"Itang big tize ng Capputtino sakin." Sabi ni Thaun, I mean Shaun. Nasanay na is meh wahaha.
"Ha? Caputtino?" Pag-uulit ko, sorry na hindi ko maintindihan eh.
"Wahahaha, Cappuccino Miss Melanie." Paglilinaw naman ni Don. Hala! Miss Melanie kunno hihi. Lols...
"Ay hehe. Miss kunno! Wahaha, waitress lang ako dito, baliw." Sabi ko at nagkamot ng baba. Opo, baba talaga. Bakit? Gusto ko eh.... Ngumuti siya sakin...
"Sakin naman ay Black Coffee lang. Kyle, sayo?" Tanong ni Don kay Kyle. Naalala ko si Kai, hindi niya gustong umiinom ng kape.
"Diba hindi tiya nainom ng kape? Hindi niya yun gutto?" Tanong ni Thaun. Ay Shaun pala, nasanay na talaga ako sa Thaun eh. Mian.
YOU ARE READING
Fangirl Meets Her Bias Look Alike
FanfictionWhen a Fangirl meets her bias look alike. What will she do if that guy came into her life? Did she accept him or not? Why not? Her bias look alike is infront of her, now. We should say that her bias is infront of her. Their attitude, their hair, the...