Chapter 6

8 4 0
                                    

Chapter 6

*the next morning*

Pagdating ko dito sa school ay nakita ko na agad ang bestfriend ko. Wala ba siyang ibang pwede pagpwestuhan kundi diyan lagi sa pwestong yan. Kahapon nadiyan din yan eh.

Nakaharap lang siya sa may gate. Edi pagdating ko dapat makikita na niya ako. Ang kaso hindi eh, mukhang may iniintay ang bruha. At alam kong hindi ako yun. Psh! Alam ko naman na si Allen ang iniintay niya eh. Kaya lang walang dumating kaya nilapitan ko na siya.

"Sinong iniintay mo?" I asked grinning at her. Para makasigurado itanong na natin.

"Ikaw. Tara na nga." Aniya at nauna na naman. Ang aga aga badtrip ang lola niyo. Hindi niya kasi nakita eh.

"Inindian ka ba?" Sabi ko at tumawa ng malakas. Napatingin naman diba yung mga estudyante noh. Lels.

"Huh? Pinagsasabi mo?" Inosenteng tanong niya. Maangmaangan teh? Wag ako.

"Kilala kita pre, alam ko kung ako ba talaga ang hinihintay mo o may iba pa." Pagpapaliwanag ko. Don't forget the sarcasm here.

"Ikaw nga ang iniintay ko hindi si Al---" Napatakip siya ng bibig para hindi niya maituloy ang sasabihin niya. Sabi na eh! Si Allen nga ang may kagagawan ng lahat ng ito. Ano to teh? Yokai ang peg, palitan lang ng 'Yokai' yung 'Allen', Yokai na ang peg hahaha.

"Kitams!" Hiyaw ko at tinungo ang harapan niya at naglakad ng patalikod. Get that? "Love at first sight ba? Ano? Anong nararamdaman mo? Masaya ka ba kapag---- aaaargh!" Hinawi niya ako papunta sa gilid at iniwan na. Sanay naman na akong maiwan eh, char..

"Huy! Intayin mo ko!" Sigaw ko at tumakbo na.

Pagdating namin sa room ay umupo agad kami. Tatanungin ko pa sana siya about kay Allen kaya lang dumating na agad ang teacher. Ang aga ng teacher ah, o baka napatagal lang kami dun? Ewaaaan...

***

*kriiiiiiing*

Tumunog na ang bell, ibig sabihin uwian na!!!! Uuwi na agad ako dahil gusto ko na agad makita ang beloved husband ko.

Sumabay lang ako sa tahimik na kaibigan ko sa paglalakad. Wala akong energy magsalita ngayon. Kaya kailangan ko ng umuwi at makita ang nagbibigay buhay sakin, woaaaaah! Totoo? *-*

Dumating na ang service niya at turn ko naman para maglakad. Sa umaaga sumasakay ako sa jeep pero pag-uwian na, keri ko ng maglakad.

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at nahiga. Nakakatamad pang magbihis. Nakita ko na ang asawa koooo!

*beep*

My phone suddenly beep. So, I took it from my pocket then read the message.

From: +639*********

<Hi Melanie, it's me, Charles. I have something to tell you. Are you free today?>

Oh, si Charles pala. Sinave ko agad yung number niya. Nakilala ko siya one week ago. Parehas kasi kaming loner dun sa play ground at parehas rin kaming nasa swing. He talks to me, then boo! We're friends as simple as that. Tsaka nagpapicture siya kasama ako. Nagulat na nga lang ako ng umakbay siya sakin eh, no choice ako kaya ngumuti na lang ako sa camera.

Mas lalo akong nagulat, pagkauwi ko kasi nun ay nag-open ako ng facebook ko. At may friend request akong natanggap mula kay Charles edi inaccept ko naman. Mamaya maya lang, may notif. Tinag na pala ako ni Charles sa post niya, yung picture namin at yung caption is heart. Nakakagulat lang noh.

Fangirl Meets Her Bias Look AlikeWhere stories live. Discover now