Falling inlove is one of the best thing you'll ever experience while you're alive. It can reveal your different personalities. There's a lot of definition about love. It might be defined by a dictionary, an author, a person who was broken, a person who is inlove or maybe the definition of love is written in a book, in the bible, but the question is: How about you? What's your definition of LOVE?
That question started my own story...
Isang linggo na akong walang ganang kumain. Minsan naiiyak ako habang nakatitig sa computer. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari basta ang alam ko nasasaktan ako. Di ko matantya kung bakit ako nagkaganito. Naalala ko pa ang mga panahon kung saan nagtataka ako habang nag-uusap ang mga kaibigan ko.
"Di ko na talaga kaya, pero anong gagawin ko? tanong ni Grace.
"Wala ka namang magagawa, hayaan mo na mahal ka nun di ka nya matitiis" .Sagot ni Shen.
Napaisip ako bigla bakit nga ba sila nagkakaganyan? Lalaki lang naman yan. Hay naku. Pero ngayon ko lang nalaman na mahirap pala pag ikaw na ang nakaranas tulad ng nararanasan ko ngayon.
"Hoy! Tulala ka nanaman dyan Earl! Hayaan mo na. Iiyak mo lang yan. Nandito lang kami para sayo ". Sabi ni Aren.
"Oo nga. Naku ikain mo na lang yan sasaya ka rin. Sagot ni Prely.
"Salamat.
"Di mo kailangang magpasalamat kasi may bayad yung pag cheer up namin sayo. Tara libre mo kami ng mangga bilis! " Segunda ni Joyce.
Pagkatapos ko silang ilibre ay bumalik na kami sa kanya kanya naming upuan at mabilis na natapos ang mga gawain. Napagpasyahan ko nang umuwi ng bigla akong napadaan sa isang eskinita kung saan palagi syang nag aantay para ihatid ako sa bahay. Hindi ko namalayan na tumutulo na naman ang traidor na likido sa aking mga mata. Di ko namalayan na tumatakbo na ako papalayo sa eskinitang yun nang bigla akong mabangga ng isang lalaki na tila nagmamadali rin.
"Aray! " Sabay naming sabi.Napatingin ako sa kanya at natahimik ako hindi ko alam kung bakit parang natameme ako pero hindi na ako nakapagsalita nang bigla syang napasabi.
"Sorry miss, di ko sinasadya." Sabay takbo nung lalaki.
Naiwan akong tulala at para akong maiiyak kasi punyeta yung mga gamit ko nagkalat sa daan.
"Naku! Napakawalang galang ng lalaking yun. Pagnagkita kami ulit naku makikita nya."
Pinulot ko ang lahat ng gamit ko at nagmadaling umuwi sa bahay. Pagdating ko patay na ang ilaw kaya dumeretso na ako sa kwarto nagbihis at humiga sa kama. Mabilis na tumatakbo ang oras at umaga na kailangan ko ng bumangon at maghanda papuntang trabaho. Binilisan ko ang kilos ko at habang lumalabas ako ng gate may nakita akong sobrang pamilyar sa akin. Ang buhok nya, ang mga matang palaging nakatawa at ang boses na nakakahalina napadako ang mga mata ko sa kamay nyang may hawak na iba gusto kung tumakbo , sigawan sya at sabihin sa kanya ang lahat pero dumaan lamang sya na para bang wala syang nakita at bigla na naman akong naiyak.
"Anak??? Gising, bakit ka umiiyak? Anak." Sabi ni mama.
Nagising ako, akala ko totoo. Panaginip lang pala.