Nagpapasalamat ako at panaginip lang ang lahat. Dali dali akong bumangon at dumeritso sa banyo.
"Anak? Okay ka lang ba? " tanong ni mama.
"Opo. Okay lang po ako."
"Sigurado ka ba anak? Andito lang ako pwede mong sabihin ang problema mo."
"Wala ma nanaginip lang ako ng masama. Salamat po."
"O siya at ihahatid ko pa ang kapatid mo sa school. May pagkain na sa mesa kumain ka bago umalis. "
Hindi na ako nakapagsalita dahil alam ko na malalaman ni mama na umiiyak na naman ako. Nagpapasalamat ako kasi may nanay ako na handang umalalay at umintinfi sa akin pero sa ngayon hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat. Binilisan ko ang aking kilos para makapaghanda ako papuntang opisina.Nang biglang may nagtext.
"Hey earl! Bilisan mo dyan at may balita kami sayo. " sabi ni Aren.
"Okay. Palabas na ako ng bahay. Antayin nyo ako dyan."
Pagdating ko sa opisina napansin ko na nag-aantay sila ni Joyce sa akin sa lobby.
"Bilis manika! May chika kami sayo."
"Ano yun? " tanong ko sa kanila.
"May interview tayo bukas sa inaplayan natin kahapon. Bukas na raw yung interview." Sagot ni Gwen.
"Walang aayaw." Sabay na sabi nilang apat.
"Ano pa nga bang magagawa ko. "
"Oh diba? Bongga doon. Mas mataas ang sweldo kesa dito. " ani ni Joyce.
"And maybe it's the right time for you to start moving on." Sabi ni Aren.
Siniko sya ni Prely. "Naku para naman magbago ang ating mga nakikita. Diba Aren?"
Napaisip ako tama nga naman siguro na maghanap ako ng bagong trabaho. Para na rin siguro na unti-unti ko ng malimutan ang lahat. Kailangan ko ng magsimulang buuin ang aking sarili at para na rin sa kinabukasan ng aking mga kapatid. I guess God has another plan for me. I know he will never let me fall without a plan of catching me again. And this could be a start of a new beggining.
Kinabukasan naghanda ako para sa interview. Nakitulog sa amin si Aren kasi lasing na naman sya kagabi kaya hindi sya pwedeng umuwi sa kanila kasi mapapagalitan sya ng daddy nya.
"Aren! Gising na. Kailangan na nating maghanda."
"Hmmm..anong oras na ba?"
"Mga 5 am na." Sagot ko sa kanya.
"Ha??! Punyeta wala akong damit! Naku, kailangan ko munang umuwi. Pero teka, tumawag ba si daddy sayo?"
"Oo. Sinabi ko na dito ka matutulog kasi tinatapos natin yung pinapagawa ni boss."
"Wah! Naku salamat talaga Earl! Ge uwi muna ako. I'll fetch you okay?"
"Okay. Pero yung car mo nasa kabilang kanto pa kasi alam mo namang walang makakapark dito."
"Okay lang. Sige na bye!" Paalam nya saka lumabas na ng bahay.
Naghanda na ako ng almusal para sa mga kapatid ko kasi alam kong pagod si mama. Pagkatapos ay humayo na ako at naghanda. Mayamaya pa ay may bumubusina na sa labas.
"Hey! Earl let's go." Sigaw ni Aren.
Sumakay ako sa kotse nya. Habang nasa byahe kami ay naiisip ko naman sya. Di ko talaga maintindihan kung bakit. Biglang napadaan na kami sa lugar kung saan kami palaging nagkikita. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman ako.
"Hey! Wag kang umiyak Earl. Naku masyado bang mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan?" Tarantang sabi ni Aren.
Alam kasi ni Aren na may masama akong karanasan sa ganito.
"Naku hindi hindi. Masaya lang ako kasi nandyan kayo para sa akin."
"Hay naku. Para saan pa ba't naging shuper bff tayo? " baklang tugon ni Aren.
Maya maya pa ay nakarating na kami doon. Nakita kong pagbaba ko sa sasakyan sila ni Joyce na nagaantay sa amin. Lumapit kami sa kanila.
"Oh? Ba't parang umiyak ka yata Earl?" Tanong ni Gwenn.
"Naku, Anong ginawa mo sa kanya Aren? Mabilis na naman ba ang takbo nyo? " segunda ni Joyce.
"Ha?? Hindi ah. Tears of Joy yata yan kasi masaya sya na nandito tayo para sa kanya."
"Akala namin kong pinaiyak mo sya. Tragis. " ani ni Prely.
"Muntanga akyat na tayo magsisimula na yung interview!" Biglang sabi ni Aren.
Dali- dali kaming pumanhik sa elevator. Ssarado na sana ang elevator ng biglang may humarang na lalaki. At nang pumasok sya ay natabig nya ako at nahulog ang resume ko.
"Naku! Ang resume mo Earl! Hey mister hindi mo ba sya nakita? Oh my goodness. " sabi ni Joyce.
"Sorry miss. Hindi ko sinasadya." Sabi nung lalaki sabay lingon sa amin.
Natulala si Joyce.Nanlaki ang mata ko kasi sya rin yung lalaking nakabangga sa akin nung nakaraan. Sasabihan ko sana sya nung biglang bumukas ang elevator at lumabas bigla yung lalaki.
"Tragis hang anghang nya! Gulay sana ako nalang ang natabig nya." Sabi ni Prely.
"Hoy? Ito na yung resume mo. Wala ka bang planong lumabas? Tanong ni
Gwen.Hindi ako nakapagsalita. What did just happened?