CHAPTER I
“D-Dad?! Hmm, good morning po. Diba nasa Korea kayo for the business proposal?” Wow. Surprising! Dad’s here and he’s grabbing breakfast with me? Ano kayang meron? Nadecline yung plan? Na-postpone? Nakakapanibago lang. Pero okay narin na nandito siya ‘cause I missed him to bits! I really do. Last last month ata yung huling pagsabay namin sa pagkain e sa sobrang hectic ng schedule niya. Ang lawak ng table, kasya ang 7 na tao pero kakami lang ni dad. Umupo ako sa harap niya.
Inabot sakin ni Daddy yung rice and bacon at linagyan narin ng juice yung glass ko and started talking...
“Good morning, my princess” he greeted and smiled. “Next week na yung flight ko to Korea. Hindi ka na kasi dumadalaw sa bahay e. Your mom misses you kaso busy rin siya” he sighed. “She unexpectedly went to Chicago for the business expansion, magtatayo na naman kami ng branch dun.” He added while enjoying the fumes of his brewed coffee.
Oo nga pala. Ang tagal na nung dumalaw ako sa bahay. That was 2 months ago simula nung lumipat nako dito sa isang bahay namin. Dito na kasi ako nags-stay simula nung umuwi ako from Korea. 2-floor at malawak nga ito. May anim na rooms. May garden, garage, at swimming pool din. Sayang naman kung walang titira kaya napag-isip isip namin ni Summer na dito nalang mamalagi pati narin si Ate Anna and Kuya Bart, yaya and driver namin.
“So, why are you here, Dad?” I asked while taking a bite of the bacon.
“Binibisita ka nga. Anyways, about yung pagtratransfer mo ng school...” he stop for a few moment “sigurado ka na ba?”
Napanganga ako dun sa tanong niya and I gave him a weak laugh “Opo, Dad. New school, new me.” Then there was a moment of silence after I talked.
He went towards me and tinap niya ang left shoulder ko. He pulled the chair next to me at umupo na siya dun.
“Okay then. Sa Damshi Prominēre University na kayo ni Summer. Summer knew this already, kinausap ko na siya kanina. Naienroll ko na kayo, yung uniforms niyo, nakaready na, bags, notebooks, laptops and everything you need.” He said. Shocking ha! Planado na pala? HAHAHA
“Ihahatid ko kayo dun, I have your scheds already...” he paused. I looked at him na parang naghihintay ng kasunod. “But promise me one thing, princess..”
“Ano po yun, Dad?” I asked. Hmmm
“This is your chance para magkaroon ng normal na buhay like the others so... I trust you in all your decisions. Don’t worry, ang school president lang ang nakakaalam ng identity mo. And I expect you to graduate, anak ha?” He smiled.
I hugged my Dad. Natouch ako sa ginagawa niya sa amin ni Summ. Kahit na napakapormal niyang tignan, may good side naman ito. Kaya siguro ang tatag ng samahan nila ni Mommy at ang pangalan niya sa mga employees niya. After a few minutes, tumayo na si Dad at pumunta sa living room para dun na kami hintayin ni Summ.
Pagkatapos kong kumain, nagshower na ako at nagbihis. Ngayon na pala yung first day of school namin ni Summer. Ngayong 2nd quarter nalang kami nakapagenroll. I wore my uniform and fixed myself in front of the mirror. Manghang mangha ako sa sa hitsura ko wearing our uniform. “New life, new me” I said to myself at napasmile. Royal blue ang skirt namin na 2 inches above the knee at long sleeves naman na pure white at tie na royal blue din. Yung lanyard namin, color blue na may touch of silver at may pin na hugis pyramid. Pagkatapos kong suotin yung shoes ko, Lumabas na ako with my backpack. Pababa palang ako sa stairs narinig ko na yung tawa ni Dad at ni Summer. Better half ko na nga talaga tong si Summer. Business partners ang parents namin. Kahit nung di pa kami buo, magkakakilala na sila. Same school kami ni Summer at pati section hindi nakakapaghiwalay. Close na close sila ng family ko and ako din sa family nila. Kung saan ako, naroon siya. Kung anong papasukin ko, andun din siya.