Make - Over.
Leyanna.
"Wib, may pupuntahan lang ako ". Sabi ko kay Wib na ginugupitan ng barbero.
Hays, Gwapo naman talaga tong si Wib e kailangan lang ng konting ayos... Kaya eto, babaguhin ko sya. Kasi naaawa ako dito e, Naalala ko non.... binubully sya
Papasok ako sa Gate ng School. Transferee ako dito e. Nag lalakad ako sa hall way ng biglang ...
"Hoy! Nerd." Rinig ko malapit sa may gilid.
Pumunta ako pero patago. Nakita ko dun isang lalaki na may Malaking Eyeglasses,at may Dalang malaking bag yung akala mo dito na sa school titira
Nakita ko nilaglag lahat ng gamit ni Nerd. Nakaka beastmode to ah? Gusto atang makatikim ng mga nambubully na to.Tsk. Ano bang ginagawa sa kanila ng Nerd?
Susuntukin na sana si Nerd ng biglang....
" Hoy! Wala talaga kayong magawa noh? Walang ginagawa sa inyo yung tao?". Singit ko di ko kayang masuntok yung nerd e.
" At anong pakielam mo? Bago ka lang ata dito e.". Saad sa akin ng isa sa mga nambubully
" Eh ano kung bago ako, Kapag di niyi pinakawalan si Nerd. Ipapaspell ko kayo. Pinsan ng Daddy ko ang Principal dito.
Kaya pwede kitang ipaspell kapag kinulit mo pa sya? So ano? ". Hamon ko sa kanya." tss. Oo na". At umalis na ying grupong nang away kay Nerd.
Tumingin ako kay Nerd. Nakatingin sya sa akin
"Okay ka lang?". Tanong ko sa kanya.
"Ah O -Oo, Sa-Salamat Ah". Sagot nya sa akin.
Ngumiti ako
"Wala yun". Balik ko sa kanya.
"Ako nga pala si Elron". Pakilala nya sa akin at naglahad ng kamay.
" Hi Elron, Im Leyanna. So Friends? ". Tanong ko sa kanya
Ngumiti sya sa akin ng pabalik
"Friends". Balik nya.
And Goes on...
(Present time)
Nandito ako ngayon sa Mall, bibili ako ng mga bagong damit ni Wib, Old Fashioned kasi yun. Bilang Bestfriend ay este "Girlfriend" ayoko ng ganon mga suot nya, Makiuso rin sya.
"Thank you Ma'am, Come Again!". Ani ng Cashier
Ngumiti lang ako. Excited ko ng makita si Wib, na ganito ang suot.
(Barber Shop)
" Kuya, musta si Wib?". Tanong ko dun sa may Barbero.
Ngumiti sya sa akin
At may nakita ako mula sa may pintuan sa gilid. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, mabagal ang mga nasa paligid ko... Siya lang ang nakikita ko. Ang lahat ay malabo sa kanya lang ako nakatuon.
At lumabas ang isang lalaking matangkad, maputi, at sobrang gwapo. Siguro, nung nag paulan ang langit ng Ka - Gwapuhan sinalo niya lahat. Mas Gwapo pa siya kay Daniel Padilla at Enrique Gil. Ang Gwapo nyang tingnan kahit may Eyeglasses pa rin sya na suot.
"Wib, okay ka lang? Hoy! Wib!!!". Niyuyugyog na pala ako ni Wib. At nagbalik na ako sa Katinuan ko.
"Ha? A -ano kasi mag palit ka ng damit". Iniba ko ang topic
"Sus, ang sabihin mo. Nagwapuhan ka lang sa akin! Aminin mo na Wib, uyyyy". Asar nya sa akin
"Hoy Wib! Pinagupitan lang kita, Gwapo ka na agad? Heh.Never kang magiging gwapo sa paningin ko".sagot ko sa kanya
"Never? E kung makatingin ka sa akin parang matutunaw na ako e, yung parang kulang na lang mag laway ka sa akin". Then he winked at me
Parang namula ang pisngi ko dun, gumuhit naman ng nakaka lokong smile sa labi ni Wib.
"A -Ayy i--iba rin pala ang lalakeng to, nung nang paulan ba ng langit ng pagiging feelingero, Kinuha mo lahat? Hangin mo bes!". Patutya ko sa kanya.
A/N: Yan lang muna!
-That_BishEla
YOU ARE READING
All I Ask [On - Going]
RomanceNaranasan mo na bang tumaya sa isang usapan na wala kang kasiguraduhan? Sa Kwentong ito, malalaman mo ang tunay na sukatan ng pagmamahal. May magbabago kaya sa Relasyon ng dahil lang Usapan na Bawal Mainlove sa mag BestFriend na si Elron at Leyanna...