Parang Tayo, Pero Hindi
Leyanna.
*Kringgggggg*
"Hmmmmm." (insert hikab)
Hays. 5 A.M., Buti na lang nadala ako sa Alarm. Hindi naman ako excited pero ayoko kasing malate hihi. Tsaka Susunduin daw ako ni Wib ee. :">
Pupunta na sana akonng bathroom ng biglang nagbukas ang pintuan.
"Goodmorning Ate! Buti naman nagising ka na". Bati sa akin ng Kapatid ko.
"Goodmorning Geyser! Oo, Para di malate, Ligo muna ako. Susunod na lang ako sa baba". sabi ko
"Sure ate". at bumababa na sya.
Pagkatpos kong maligo, Sinuot ko na yung uniform ko. Hays! Bagong Semester na naman!
Pagbaba ko, Kumakain na si Geyser.
"Ate, Kain na". aya sa akin ng kapatid ko.
Tumango naman ako at Kumain na.
Pagkaupo ko, Umupo na si Daddy.
"Goodmorning Daddy!". sabay naming sabi ng Kapatid ko
Ngumiti naman si Daddy at binati kami.
"Goodmorning, My Princess and Prince". Bati nya sa amin.
"Leyanna, Sinong maghahatid sayo sa school?". tanong sa akin ni Daddy.
"Ah Dad, si Wib po.". tumango naman si Daddy. Kilala nya naman si Wib at may Tiwala sya dito.
Habang kumakain kami. Bigla namang nagsalita si Mommy.
"Nak, Leyanna... Andyan na si Elron". sabi sa akin ni Mommy
Ngumiti naman ako at may excited na nararamdaman at halong kaba. Dahil to be honest, Hindi pa rin ako nakakamoveon sa kiss nya sa akin. Kahit sa noo lang yon! huhu
"Sige Mom, Papunta na". Kinuha ko na ang bag ko.
"Bye Dad, Geyser, Mom". paalam ko at nagbeso sa kanila
Pagkalabas ko palang,nakita ko na sya.
Shet! Naka sandal sya sa Kotse nya! Tapos yung Shades! Shems! Ang Hottttttt!!!
"Goodmorning Sweetie". panimula nyang bati sa akin na may halong ngiti.
Damn! Yung Killer Smile, Bes! Omo!
Hindi pa rin ako nsgsasalita.
"Sweetie! Huy! Okay ka lang?". tanong nya sa akin.
Hindi pa rin ako sumasagot
"Sweetie, Pag di ka pa rin tumigil sa kakatingin sa akin. Hahalikan Kita!". sabi nya with killer smile.
At dun nagising ang sistema ko
"Go- Goodmorning Wib". bati ko sa kanya.
"Tara na! Baka malate pa tayo!" Aya ko sa kanya.
Hinila ko na sya pero huminto sya. Kaya napahinto rin ako.
Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin palapit sa kanya at Hinawakan nya ang kamay ko!
"Much Better!". sabi nya sa akin ng nakangisi
Shocks, Yan na naman sa Holding Hands e. Jusq Palpitation!!!
Habang nsg dridrive sya. Magkahawak pa rin kami ng kamay.
Nakatingin lang ako sa gilid, At sya panay naman ang tingin sa akin
"Wib, Matutunaw na ako nyan!" I joke
Ngumiti sya sa akin.
"Ang Ganda mo kasi". Nagulat ako sa sinabi nya! Shocks. Elron naman e.
Namula siguro ako.
Tiningnan ako ni Wib, Tapos Tumawa sya ng Pabulong. Siguro nakita nyang namula ako. Nubayan ee
After few mins.
Nasa School na kami.
Pagkalabas na pagkalabas palang ni Wib, Nga nga na lahat ng girls ee
Pano ba naman kasi ang gwapo nya talaga! Kulang lang ng ayos. Ngayon na Make over ko sya. Lumabas ang Kagwapuhan nya! shetttt.
Ngumiti lang sya sa mga Girls at pinagbuksan na ako ni Wib.
Pagkalabas ko, Ang sama ng tingin sa akin.
Sorry Girls, Akin sya!
Wait what?! Did i say, Akin sya?! Shocks, Ano bang nangyayari sa akin. Hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya!
Erase! Erase!
Naglalakad na kami sa hallway ng magkahawak pa rin ng kamay.
Nakakahiya, Pinagtitinginan na kami dito!
"Sweetie, Hayaan mo na sila". sabi sa akin ni wib. Panong hahayaan, E grabe naman kasi tong Si Elron makahawak ng kamay kala mo mawawala ako e. Tapos Ang lapit lapit pa
Tiningnan ko lang sya.
Nung nakarating na kami sa classroom ko.
"Wib, dito na classroom ko". sabi ko kay Wib
"Sige Sweetie, Take care. Wag tatabi masyado sa mga lalaki ah. Susunduin kita, Mga anong oras tapos ng klase mo?". tanong nya sa akin
"3pm Wib". sagot ko
"Sige, Pupuntahan kita ng 3pm. 3pm rin tapos ng klase ko e. Bye Sweetie.". Sabi nya sa akin ng nakangiti.
"Bye Wib, See you later". Paalam ko rin sa kanya
Papasok na sana akonng bigla nya akong hinila.
"I love you Sweetie" then gave me a quick forehead kiss!
Nakatulala pa rin ako.
"I- I love you too Wib". Ngumiti naman sya. At nag babye na.
At ako naman ay pumasok na sa room na tulala pa rin.
VOTE. COMMENT AND FOLLOW.
READERS! :)-That_BishEla ^_^
YOU ARE READING
All I Ask [On - Going]
RomansaNaranasan mo na bang tumaya sa isang usapan na wala kang kasiguraduhan? Sa Kwentong ito, malalaman mo ang tunay na sukatan ng pagmamahal. May magbabago kaya sa Relasyon ng dahil lang Usapan na Bawal Mainlove sa mag BestFriend na si Elron at Leyanna...