"Vice versa Couple"
"Saranghae, jagi. Saranghae~" sabay pacute ko sa harap nya pero hindi nya ako pinapansin. "Nagtatampo na talaga ako.. Buti pa yang librong binabasa mo binibigyan mo ng atensyon."
Then I pout habang nakatingin sa librong hawak nya.
Nakakainis! Kahit kelan hindi ko pinagselosan ang libro pero ngayon sana naging libro na lang ako para lagi nya akong tinititigan at binibigyan ng atensyon.
"Please notice me, oppa. Oppa~" pabulong kong sabi sabay hagikgik.
"Nasa library tayo, Mika." Yun lang sinabi nya kaya nahalumbaba ako.
Kanina pa kami nandito sa isang sulok at bilang lang ang mga tao dito. Vacant time na rin namin at ngayon lang kami nagkasama dahil magkaiba naman kami ng room pero hindi ako makapaniwala na wala kaming imikan.
Grabe ka talaga, Wonwoo. Alam mo bang gusto ko na lang umiyak? Lagi mo na lang akong ginaganito. Lagi na lang libro ang hawak mo kahit kasama mo ako. Minsan na nga lang tayo magkasama eh.
"Mahal mo pa ba ako?" Ewan ko ba bigla na lang lumabas yun sa bibig ko. Gusto ko man bawiin hindi ko na magawa.
"Anong problema mo, Mika?" Tinanggal nya ang reading glass nya. Tinignan ako using his cold eyes. The same Wonwoo.
"Dapat ikaw ang tinatanong ko nyan, Wonwoo." Walang gana kong sagot.
"Are you jealous?"
Hindi ako kumibo.
"Tumingin ka sakin, Mika." Seryoso nyang sabi pero hindi ko sya pinansin. "Mika..."
Bahala ka dyan hindi kita papansinin hanggang uwian. Bahala kang ugatin. Argh! Ang manhid mo talaga Wonwoo. Nakakainis ka.
Nagulat ako nung may kamay na humawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa.
Ilang segundo akong napatitig sa kamay nya nakapatong sa kamay ko. Tinignan ko sya pero
pagtingin ko hawak ng isang kamay nya ang libro na kanina nyang binabasa.Busy na busy na ulit sya sa pagbabasa pero nakahawak pa rin sya sa kamay ko.
"Akala ko ba ayaw mo ng PDA?"natatawa kong sambit.
Hinawakan nya ng mahigpit ng kamay ko at ipinatong nya ito sa binti nya. Nasa ilalim na ng lamesa ang mga kamay namin kaya hindi na kitang magkaholding hands kami. "Galawang Jeon Wonwoo."Hindi ko talaga maiwasang kiligin at mapangiti.
"Wag kang maingay. Nagbabasa ako." Nakatingin pa rin sya sa libro. "Alam mo bang naalala kita sa story 'to kaya gusto ko 'tong matapos."
"Huh? Bakit?"
"Kasi madaldal din yung babaeng protagonist." Hindi ko naman mapigilang matawa ng malakas kaya nasita ako nung ibang students na nandito.
"Seryos ka dyan Wonu?" Tumango sya.
"Kaya tumahimik ka na dyan para matapos ko na 'tong libro. Gusto kong malaman kung magkakatuluyan sila nung lalake."
Tumango naman ako. Napangiti ako nung bigla nyang paglaruan ang kamay ko pero seryoso pa ring nakatuon ang mata nya sa libro.
Tinititigan ko lang sya habang seryoso syang nagbabasa ng libro. Ang cute Talaga ng baby Wonu ko. Hindi na pala ako nagseselos kasi ngayon ko lang narealize na atleast hindi sa ibang babae natutuon ang paningin nya at ako pa rin ang naalala nya kapag nagbabasa. Hihi
~End.
BINABASA MO ANG
Slip into Diamond Life | One Shot Collection
Short StoryCollection of one shot stories dedicated for 13 members of Seventeen. Say the name! Seventeen! Slip into diamond life. The setting will be in Korea. TagLish. ~•~•~•~•~ DO YOU WANT ME TO WRITE YOU A STORY WITH YOUR BIAS AND PUT IT IN THIS COMPILATIO...