Jealous Boyfriend
"Anong gusto mong movie na panuorin, Vieby?" Tanong sa'kin ni Jun habang nakatingin sa movie list.
"Space between us! Gusto ko talagang mapanuod 'yan." Agad namang syang ngumiti.
"Sige bibili na ako ng tickets. Dito ka lang." Ani nya kaya tumango ako.
Tinignan ko lang sya papunta sa pila ng bilihan ng tickets. Pansin ko naman na napatingin sa kanya ang tatlong babae na magkakaibigan nung pumila sa tabi nila si Jun.
Nakita ko pa kung paano sila ngumiti at kumaway sa kanya. At dahil may pagkamalandi I mean sobrang bait nitong boyfriend ko ngumiti ito pabalik sa tatlong babae.
Napairap naman ako.
First anniversary namin ngayon binabadtrip ako ng lalakeng 'to.
Pagbalik nya sa pwesto ko ay may bitbit na syang inumin at popcorn.
"Bumili na rin ako ng popcorn natin. Cheese flavored yan~"Sabay abot nya sakin ng isang malaking bucket ng popcorn. "At softdrinks~!"
Ngumiti lang ako pero di pa rin mawala ang pagkairita ko sa kanya.
"Alam mo bang may tatlong babaeng kumaway sakin kanina? Nagulat nga ako eh." Alam ko Junhui. Nakita ko nga eh. Kitang-kita ko kung gaano mo nagustuhan ang atensyon na nakuha mo sa tatlong higad na yun. "Haay, ang gwapo ko talaga."
Napairap na lang ako sa kahanginan nya at nauna nang pumasok sa loob ng movie theater.
"Galit ka ata eh. Nagseselos ka ba?" Muling tanong nya sakin.
"Hindi ako galit o nagseselos. Bakit naman ako magseselos?"
"Nagseselos ka eh."
"Pwede ba, Jun. Tumahimik ka na lang magsisimula na ang movie." I coldly said while directly looking in the big screen in front of us.
Psh. Manhid. Haliparot.
Hindi ko naman mapigilan na kiligin lalo na nung magkita ang dalawang bida. Kung pwede lang sanang tumili rito sa loob ginawa ko na.
Hindi ko pinagseselos si Jun at di naman ako ganun kaimmatured para pagselosin din sya pero sadyang ang gwapo lang talaga nung leading man na si Asa Butterfield. Crush ko talaga sya! Hihi.
"Ang gwapo talaga ni Asa Butterfield " bulong ko kay Jun sabay higikgik.
"Ano?" Kunot noong tanong nya.
"Sabi ko, ang gwapo talaga ni Asa Butterfield" sabay subo ko ng popcorn habang nakatingin sa screen. "Shems ang gwapo nya talaga kapag ngumingiti ang ganda pa ng blue eyes nya."
"Aso Butterfield ang pangalan? Pet pala yan?" Mahina ko namang hinampas ang braso nya.
"Asa! A-S-A." Medyo malakas kong bulong. "Ang gwapo nya talaga bagay sila —"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at dahil bigla syang tumayo.
"Alis na ako." Di nya nakatinging sabi sakin sabay alis.
Napaawang ang bibig ko pero agad ko rin syang sinundan.
"Hoy! San ka ba pupunta? Hindi pa tapos yung movie!" Inis kong sabi habang sinusundan sya.
Bitbit ko pa yung isang bucket ng popcorn. Bwiset kasi tong si Jun bigla-bigla na lang umaalis kung kelan nasa kalagitnaan na ng palabas.
"Ano bang problema mo?" Tanong ko nung mahawakan ko sya sa braso. "Tinotopak ka ba?"
He sighed and I know he's trying to avoid having an eye contact with me.
"Wala na kong ganang manuod. Uuwi na ako." Walang gana nyang sagot at di pa rin tumitingin sakin."Nagseselos ka no?" I'm sure na nagseselos sya. Gan'to ang Jun nakilala ko kapag nagseselo.
Seryoso syang tumingin sakin.
"Oo, nagseselos ako. Masaya ka na?" Diretsya nyang sagot. "Vienus, alam kong gwapo ako pero nagseselos rin ako."
Nagseselos nga. Gusto ko talaga 'tong makita na magselos.
"Ako ang boyfriend mo pero yung wallpaper mo sa phone si Aso Butterfield. Ano bang nakita mo sa aso na yun? Katulad lang ng pangalan nya mukha syang aso!"
Napairap ako.
"Sabing Asa ang name nya di aso eh." Sabay simangot ko. "Tsaka di rin sya mukhang a—"
Natigilan ako dahil sa ginawa nya.
Hinalikan ako ni JunHui!
"Bakit—!"
Muli nya akong hinalikan pero sa pisnge.
"Banggitin mo pa ang pangalan ng Asong yun hahalikan ulit kita." Ngayon ay nakangisi na sya.
Napangisi rin ako.
"Asa Butterfield." Pag-uulit ko at inintay ang pagkiss nya pero tinignan nya lang ako.
"Naniwala ka naman? Asa ka rin no?" Sabay tawa nya kaya napasimangot ako.
"Ang daya—!" My heart skips a beat when he cups his hand in my cheeks and everything went fast and blurry.
All I know is for the third time, his soft lips is pressing against mine.
And just like Tulsa feels, sometimes I feel like O'm from different planet too...and that happens every time Wen Junhui's lips met mine.
~End.
Z's note:Corny nito sobra. Pasensya na ho. :--(
BINABASA MO ANG
Slip into Diamond Life | One Shot Collection
Short StoryCollection of one shot stories dedicated for 13 members of Seventeen. Say the name! Seventeen! Slip into diamond life. The setting will be in Korea. TagLish. ~•~•~•~•~ DO YOU WANT ME TO WRITE YOU A STORY WITH YOUR BIAS AND PUT IT IN THIS COMPILATIO...