Chapter 2 [YEHET! xD]

981 29 1
                                    

This is dedicated to MirajoyRabe . Sya kasi una nag-comment. Kekeke. Thanks for reading guys! Vote && Comment also. Saranghaeyo~

-----------------------------------------

Niana’s POV

 

 

Isang taon na ang nakakalipas simula nung magkakilala kami ni Baek. At… bwiset. Isang taon na nga lumilipas, hindi pa rin umaandar ang kamandag ‘ko sa kanya. Kesyo magkasama kami palagi e wala pa rin! Fota.

Ayos lang! Close naman kasi kami ng bakla. Sa iisang dorm lang kasi kami ng kapatid nya. Dapat nga pati sya kasama namin dito e, kaso, kahit na bakla daw sya (sabi ng may-ari) e, lalaki pa rin ang katawang lupa nya. Mamaya kasi akitin ko raw. Alam kasi ni madam na may gusto ako sa bakla. Kaya, ayun! Palagi akong inaasar. Mga walangya.

Pero, kahit na malandi ang putspang baklitang ‘to, masaya naman ako kung sya kasama ‘ko. Sumasakit nga lagi tyan ko pag magkasama kami eh. Minsan kasi, nag-aagawan kami sa mga papa. HAHAHAH! Pero, sinasakyan ko lang naman sya kapag naglalandi sya! Wala na ‘kong pake sa ibang lalake, andyan na sya. Ahoho~ Luhndee! xD

Kahit nga bakla ang loka, dinudumog pa rin sya ng mga kapwa ko babae at feeling babae! Masyado kasi nga syang hot, anuba. Ang panget nga lang kasi, jusme!! Ke rami kong karibal sa kanya! Kadurdur!

Anyways, nasa dorm sya namin ni Bo Na ngayon—pero kaming dalawa lang andito. Si Bo Na kasi lumabas, bumili daw ng pizza. Ayaw magpadeliver e.

Si Baek naman, lagay nang lagay ng eyeliner sa harap ng salamin ko. Ang daming arte ng bakla!~ Sige! Sya na babae!

“Ano girl? Bongga na ba ang pagkakalagay ko? Am I pretty na?” Sabi nya sabay beautiful eyes epek.

 

 

“Mukha mo, Baek. Tigilan mo nga yan! Kakaimbyerna mukha mo e.”

 

 

“Ay! You’re so epal talaga kahit kelan. I hate you na. :3”

 

 

“I hate you more.”

“Weh? Hate mo ‘ko? Akala ko ba may gusto ka sa aketch? Anyare?”

>///<

Bwiiseet. Ang ganda mang-asar eh! Ang ganda!

 

 

“Lechekabyunbaekhyun! Tigiltigilanmokosapangaasarmongwalangkwentakunghindipupugutankita!” Di man lang ba sya na-aawkwardan tanungin ako nyan? Mighad!

Ang Crush Kong Bakla [EXO Baekhyun FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon