Sa isang daang bilyon na tao na nakatira sa mundo. Isa doon ang ginawa ni God para atin, para sayo, para akin. Para sa ating lahat.
Sa isang daang bilyon na tao na yuon. May mga tao tayong makikilala na hindi natin alam na kukumpleto pala sa mga pagkatao natin.
Maaaring kaibigan, kaaway, taga-paya o kahit ano pa. Malala pa, baka sya pa yung taong kukumpleto sa puso natin. Yung sinasabi nilang kahati ng ating puso.
Pero paano nga ba?
Paano natin sila makikilala? Kung tama ba yung mga taong pinili natin para pumasok sa mga buhay natin.
Gaano nga ba tayo kasigurado? Na sila na, na sya na, na ikaw na, yung tamang tao para sa mga buhay natin.
Saan nga ba mangyayari ang bagay na ito? Sa parke? Sa paaralan? Sa trabaho? o sa bawat kasulok-sulukan ng mundo? Saan.
At mahigit pa sa lahat,
Kailan?
Kailan nga ba sya papasok dito, sa mga buhay natin. Hindi tayo handa kung ano man ang magiging resulta. Kailan ba natin makakasalubong yung taong yun?
Baka mamaya, and'yan lang pala sa may tricycle, napalingon pa tayo sa jeep.
Kumbaga, may pagkain na, na nakahain sa harap mo, hahanap ka pa ng iba. At kapag nakahanap ka na ng iba tapos di mo nagustuhan yung lasa, babalikan mo yung nakahain ngunit nakuha na ng iba.
Paano nga kung ganon?
Ang hirap 'no?
Ako si Remkha Gabriela Abueva.
Ito ang kwento ng buhay ko.