Remkha's Point of View
Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang kabuuan ng palayan na nasa likod ng bahay namin. Kitang-kita ko din si Tatay na nakatayo sa kalagitnaan ng palayan habang sobrang init ng sikat ng araw.
Sinulyapan ko si Nanay na naka-ngiti habang naghu-hugas ng mga pinggan. 43 na si Nanay pero ang bata pa rin nyang tingnan. T'wing pumupunta kaming bayan ay napagkakamalang magkapatid lamang kami. Sobrang bait at sipag pa nya na halos hindi ka makakakita ng alikabok sa bahay namin. Napaka-swerte ni Tatay kay Nanay at gayon din si Nanay kay Tatay.
Napa-hinga ako ng malalim ng humangin ng medyo may kalakasan. Huling araw ko na dito sa bukid at sa bakasyon na lamang ulit ako makakabalik dito. Kailangan kong mag-aral sa Maynila dahil sa iskolar na nakuha ko. Kailangan kong makatulong sa mga magulang ko sa pagtra-trabaho.
Hindi kami mayaman. Wala kaming magarang sasakyan na pwede naming gamitin para makarating sa kung saan. Wala rin kaming malaking bahay na may ikalawang palapag. Ito'y tanging gawa lamang sa kawayan ang papag, kahoy ang haligi at pawid ang bubong.
Anim kaming magkakapatid. Ang dami diba? Pero kahit ganito, masaya kami. Nakakapag-aral kami ng ayos kaso ngayon ay maiiba ang pangyayari sa pang araw-araw na buhay namin. Gaya nga ng sabi ko, naging iskolar ako sa Maynila. Fourth year palang ang tutungtungan ko ngayong taon. Sobrang layo ng Maynila sa Mindoro kaya imposibleng makauwi ako ng madalas lalo na't wala akong pera.
Laking pasalamat ko sa Tita ko na doon nakatira ng sabihing nyang doon na muna ako manatili sa kanila. Malaking tulong iyon lalo na't hindi na ako mahihirapang humanap ng matitirahan doon.
"Ate! Parne na daw ikaw. Kakain na daw tayo at parating na daw si Tatay." sambit ni Marco. Bumalik ako sa wisyo ng mapakinggan ko iyon at ng makita syang kumakaway sa akin.
Grade 4 lang si Marco at sya ang patatlo sa aming magkakapatid. Sumunod sa kanya'y si Mariel na grade 3 tapos si Marione na grade 1 naman. Ang bunso ay limang taong gulang pa lamang at Mariah ang kanyang ngalan.
Natanaw ko si Tatay na pabalik kasama ang sunod sa akin sa aming magkakapatid, si Marvin.
"Mukhang malalim ang iniisip ng panganay ko ah?" naka-ngiting sambit ni Tatay.
"Iniisip ko lang 'tay lahat ng mga nakikita ko ngayon dito. Baka masyado kong ma-miss at mapabalik agad ako dito eh. Hahahaha." nakangiti ngunit malungkot na tono kong sambit.
"Hindi ka pa nga nakaka-alis, babalik agad?" pagbi-biro nya kaya medyo napa-ngiti naman ako. "H'wag kang mag-alala. Kahit malayo itong atin doon ay gagawa kami ni Nanay ng paraan para mabisita ka d'on." dugsong pa nya. Gumaan naman ang aking pakiramdam matapos nyang sabihin iyon.
Pagkapasok namin sa bahay ay nakahanda na ang mga plato at naka-upo na rin sila sa kanya kanya nilang pwesto.
"Ate! Ate! Kain na tayo!" sambit ni Mariel habang ipinagsasandok ako ng kanin mula sa kaldero.
Si Marco naman at Marione ay abala habang kumukuha ng ulam sa mga nakahain. Bislad na tuyo, paniguradong agawan na naman kami sa iyo.
Si Nanay naman ay abala sa pagpu-punas ng pawis ni Tatay. Mami-miss ko yung ganito. Masaya at palaging nakangiti ang bawat isa.
"Tao po? Ate Chalene?" sigaw ng isang tinig ng babae mula sa labas ng bahay.
"Nanay, si Tiya Tina po yata iyon?" biglang sambit ni Mariel.
Si Tiya Tina yung tiyahin na tinutukoy ko. Siya ang kukupkop muna sa akin doon sa Maynila. Siya at ang Tiyo Joe, ang asawa nya. Kapatid ni Tiya Tina si Nanay.
"Pasok po kayo." sambit ni Mariel.
Tinapos muna namin ang pagkain kasalo sila bago sila nag-kwentuhan. Pumasok muna ako sa kwarto namin para kunin ang mga gamit ko. Sumunod sa akin si Marvin at iniabot yung paborito kong unan.
"Mag-iingat ka doon, Ate. Ang sabi nila'y delikado doon sa Maynila. Ingatan mo ang sarili mo doon." sambit nya. "Ako muna ang bahala dito habang wala ka." dugsong pa nya. Napangiti ako sa mga sinabi nya.
"Maaasahan talaga kita. Mag-iingat din kayo dito ha?" nakangiti kong sambit at tumango naman sya.
Tinawag na ako ni Nanay kaya lumabas na kami. Napapangiti pa ako habang nakatingin kay Mariel na nagpi-pipigil ng luha at kay Marione na iyak ng iyak. Mami-miss nga nila ako.
Niyakap nila ako tsaka umiyak. Ano ba 'to? Mamamatay na ba ako? Hindi na ba ako babalik? Mag-aaral lang naman ako d'on sa Maynila eh.
Lumuhod ako sa harap nila saka ngumiti. "Magbabait kayo. Alagaan nyo si Nanay at Tatay ha? Tutulungan nyo sila dito sa gawaing bahay ha?" pigil-luha kong sambit.
"Opo, ate." sabay sabay nilang sambit.
Nagpaalam na din ako kay Tatay at Nanay. Medyo natawa pa ako sa paalala ni Tatay. Ipakilala ko daw sa kanya kapag may iniirog na daw ako doon. Hahaha.
Kainaman na si Tatay. Sinagot ko s'ya na mag-aaral lang naman ako doon at hindi iyon ang ipinunta ko sa Maynila pero sinagot lang nya ako ng, "Hindi ka din sigurado."
Kasalukuyan na kaming nasa byahe nina Tiya Tina.
"Ayos ka lang ba, Gab?" tanong ng Tiyo Joe.
"Opo. Ayos lang naman po ako." sagot ko naman.
"H'wag kang mahihiyang mag-sabi sa amin kapag may kailangan ka ha?" sambit naman ni Tiya Tina.
"Opo." naka-ngiti kong sagot.
Sabi nila, apat na oras daw bago kami makarating sa Maynila. Buong byahe papuntang pier ay tulog lamang ako at nang nasa barko na ay gising na gising naman ako. Tuwang-tuwa ako sa mga isla na nakikita ko at sa mga mangingisda na natatanaw ko doon.
Nang makarating kami ng Pier ng Batangas ay nakatulog na lamang muli ako sa buong byahe. Nagising lamang ako ng maramdaman kong ginigising ako ni Tiya Tina. Andito na pala kami.
Wow. Ang laki ng bahay nila kumoara sa bahay namin. May ikawalang palapag ito at napakalawak pa. Ang mga bintana nito'y babasagin maging ang mga lamesa sa silid-tanggapan at silid-kainan na animo'y isang bato lamang sa mga ito ay mababasag na. May mga katulong din sila at mga hardinero. Ang yaman nila.
Ang laking kaibahan ng lugar na ito sa bahay namin.
"Nagustuhan mo ba, Gab?" tanong sa akin ni Tiya Tina.
"Opo. Napaka-ganda po ng bahay ninyo." galak kong sagot. Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang ganito kagandang bahay?
"Sige na. Ipapahatid na kita kay Maya sa kwarto mo. Take a good rest, Gab. Tomorrow will be your first day at your school here." sambit pa ni Tiya.
"Maraming salamat po, Tiya." sagot ko naman.
"You're always welcome. Saka Mama at Papa nalang ang itawag mo sa amin." natatawa nyang banggit.
"Nakakahiya naman po."
"Nako, wag ka ng mahiya."
"Salamat po ulit." at nginitian na nya ako.
Bukas ang simula ng bagong araw.
Bukas magsisimula ang buhay ko dito sa Maynila.
Goodluck, Gab.