Chapter 28

16.4K 397 27
                                    


"DIYAN MO na lang ilagay," utos ko sa lalaking nagbubuhat ng crib na kulay pink. Humalukipkip ako at matamang tinitigan ang paligid ng kwarto.

I chuckled when I saw what my child's room look like. Pink ang kulay ng pader nito at may mga wallpaper na paru-paro at bulaklak. Nilingon ko ang lalaking may bitbit na stroller na pink kaya tinanguan ko siya at itinuro ang bandang gilid.

"Perfect," I whispered and took my phone out from my pocket.

I dialled my Father's number and with a few rings he picked it up.

"Where are you?"

"Kakatapos lang ng renovation ng room. Papunta na ako diyan," sagot ko at naglakad palabas. With one last glance, I left the room.

"Don't forget to bring flowers, Alec."

"Of course Pa. Nakabili na ako bago pumunta sa bahay."

Matapos sabihin iyon ay binaba ko ang tawag at sumakay ng kotse. Mabilis kong minaobra ang sasakyan hanggang marating ko ang hospital at agaran akong bumaba. Bitbit ang bulaklak ay naglakad ako sa hallway na may ngiti sa labi.

Few minutes later, I reached her room. Marahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga pinsan at kaibigan ko na may kaniya-kaniyang ginagawa. Keith, Drei and Nicolai was playing a Jenga. While Armione is standing in front of the window. Levi is missing in action. Nasa ibang bansa si Levi para magpagaling.

"Tangina!" Keith shouted as the blocks collapsed.

Hindi nila napansin ang pagdating ko kaya mabilis akong lumapit kay Keith at binatukan siya. He cursed and looked at me sharply.

"Ang ingay mo," saad ko at lumapit sa hospital bed.

I sighed as I saw how she lost her gain. Humpak na ang pisngi niya at mahahalata na rin ang paglalalim ng kaniyang mata. I caressed her cheek ang kissed her forehead.

"Happy birthday Sophia," I whispered and rested my lips against her forehead.

Anim na buwan na ang nakakalipas at sa anim na buwan na 'yon ay hindi man lang siya nagmulat ng mata. Sophia is in coma. Dumako ang mata ko sa kaniyang tiyan na ngayon ay walong buwan na. Her swelling tummy looks so big. Hinaplos ko iyon sa nanginginig na kamay.

I really missed her. Her voice, her eyes her everything. Ang pagtataray niya sa akin sa t'wing inaasar ko siya. When will she open her eyes? Sana malapit na, sana mamaya,bukas. O kahit kinabukasan. I can't take another month again to wait.

Napaigtad ako nang maramdaman ko ang bahagyang pag-galaw sa kaniyang tiyan. Napangiti ako nang malawak at nilingon sina Keith.

"She's moving!" I exclaimed. Nagsitayuan naman sila at lumapit sa akin. Keith is about to touch Sophia's tummy but I abruptly slap his hands.

"Aray! Pa-experience naman," pagmamaktol nito.

"No way! Walang hahawak kay Sophia kung hindi masasaktan kayong lahat sa'kin," pagbabanta ko at itinulak sila palayo.

Drei tried to sneak his hands but I pushed him away.

"Damot," komento nito at namulsa.

"Tama! Ang damot!" Dagdag ni Keith.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Buntisin mo ulit si Therese para maranasan mo. Makiki-hawak ka pa eh."

Napasimangot siya dahil sa sinabi ko. Muli kong nilingon si Sophia na mukhang natutulog lang. I smiled upon seeing how she fought for her life. Maka-ilang beses na ba na nag-flat line siya pero dahil gusto niyang mabuhay, Sophia survived.

Seductive Playmate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon