"Ano Borgs ready ka na ba? Baka may nakalimutan ka ah?" Kumpleto na ma.
"Ready na po. Ma, mauna na po kame sa may van?" tanong ko.
"Sige, pero hintayin mo tita mo."
"Ah kasama pala si tita?"
"Oo, masaya yun."
****
Pupunta kameng Tagaytay dun icecelebrate ang Christmas Party ng boss at staffs ng daddy ko. Sosyal noh? Well, hindi naman kase kame yung tipong sobrang yaman at sobrang hirap. Kami yung tipong SAKTO lang. Yung tipong nakakakain 3 beses sa isang araw. Pero minsan gipit pero dahil kay Lord na laging nandiyan syempre may blessings. Yung mama ko kararating lang niyan last week from Egypt, nurse siya dun sa isang international hospital. Daddy ko? Ayun, nagttrabaho siya sa Court Of Appeals, driver siya ng Justice. Akala niyo lawyer noh? Hindi, haha. Hindi kase nakapagtapos ng college daddy ko. Sa sobrang kalokohan edi sana engineer na siya ngayon. Well, past is past. Let's move on. So ayun pupunta kameng Court of Appeals ngayon. Dun kame sasakay ng Van ata? Di ko alam kung anong kotse e. Sana maganda, haha.
"Uy Borgs! Nakatulala ka diyan nandito na tayo sa Court of Appeals. Para kang nawala sa reality world ah? Baba ka na diyan." si Tita Connie. Siya ang kapatid ng mama ko na kasama ko.
"Eto na po Tita, hehe. May naisip lang"
"Picture lang kame dito, habang wala pa yung ibang sasakay sa van ah?" si Mama. Hinayaan ko lang sila magpicture. Ayun ba yung van na sasakyan namen ? Ang ganda at ang puti mukhang bago ah. Saka eto yung sasakyang lagi akong namamangha dahil ang laki tapos ngayon makakasakay na ako?!!! Yehey!!! Hahaha. Sa wakaass! Oa na. hahaha. Makapagselfie nga muna dito sa phone ko. Hahaha.
"NAKKK! COURTNEYY! Tama na ang picture dyan aalis na tayo." sigaw ni Mama.
"Okay po ma. Kunin ko lang po yung gamet." sagot ko. Medyo marameng gamet kase mamimigay din si mama ng ibang chocolates at gifts sa mga katrabaho ng daddy ko. Syempre Christmas kaya let's share diba? hahaha."
"Sige na Tart una na kayo sasabay kame sa ibang kotse sasama ko si Eldrin." sambit ni daddy kay Mama. Ayan ang tawagan nila sa isa't isa. So kame-kami lang ni Mama,Tita, Angelo at Ako ang sasakay sa van kasama yung ibang staffs at family nila. Pagkapasok ko nung van dun sa pinakalast part nakaupo yung 4. Familiar sila saken e. Parang nakita ko na sila, Oo last Christmas yun. Sila yung anak ni Tita Ellen. So ayun umupo na nga kame sa 2 to the last tapos may sasakay daw sa unahan namen, at dadaanan nalang daw namen sa Magallanes. Osige. Nasa may part ako kung saan yung binatana. Ang laki pala talaga ng van na ito. Nakakamangha. Hahaha grabe.
Kawawa naman si Eldrin mag-isa siya dun. Hahaha. Di siya makakapangulit andiyan si daddy sa tabe niya e. Hahaha. Nakalabas na kame sa may Court of Appeals. Napaisip ako kung saan sasakay sila Eldrin at nagpaiwan pa talaga sila?
**********
Nakarating na rin sa wakas ng Tagaytay! Ang layo ng byahe pero ang ganda talaga ng tanawin. Di na ako natulog habang nasa byahe e. Sila lang yung natulog. Haahahaha. Pagkapasok palang namen ng resthouse. May catering pa sila. Grabee, ang sosyal talaga. Tapos nakakahiya. Puro sosyal dito. Yaan ko nga nga lang. Hahaha. Ano naman diba?
"Ma saan tayo uupo?" tanong ko kay mama. Di kase namen alam kung saan dito kung sa may bahay ba with karaoke kame uupo? Eh may mga nakaupo na dun yung mga anak Tita Ellen. Tapos dun naman sa may bubong pang exclusive ata? Ewan. Di ko alam. Basta.
"Ah ma, dun nalang sa may tabe ng puno." sambit ni Tita Connie.
"Sige" Tapos ayun dun muna kame umupo. May nagbigay samen ng Lays. Alam kong Lays yun kase ganun ang itsura ng favorite kong chichirya na mahal. Hahaha. Kain lang kame ng kain nang ganun tapos..