OUTSIDER

11 0 0
                                    

----------

Nag-open ako ng facebook ko. Halos tatlong araw na nga ako hindi nakakapag facebook. Paano ba naman, masyado akong na adik sa pagbabasa. Yan pati facebook nawala. Pagkabukas ko ng facebook eto ang bumungad sa akin 

'Kateryn sasama ka ba bukas?' si Frances nagpost. Kaibigan ko siya, matagal na pala kaming hindi nagkikita. Ang huli naming pagkikita eh yung birthday niya sa bahay nila. Nakakamiss siya kaya nagcomment ako sa post niya. Si Kateryn naman yung bestfriend ko ano kaya lakad nila? 

'Frances!!!!! Nakakamiss ka!' 

Biglang may nagchat sa akin pagtingin ko si Frances. 

'Gian!' 

'Oh?' 

'Sama ka bukas, sprtfest.' 

'Eh? Anong oras ba?' 

'6:30 hanggang 12' 

'gabi ?' 

'Sa tingin mo, may sportfest ng gabi?' sarcastic na sabi niya. Hayst. Di pa ren nagbabago. Di ko alam kung paano kame naging magkaibigan ninto eh. 

'Sorry ha. Tanong ko si Kateryn kung sasama' 


Minessage ko naman si Irish. Ang sabi niya 

'Gian sasama ka?' 

'Kapag sasama ka.' 

'Ano ba susuotin ?' 

'Yellow daw eh. Pero ako kahit ano na lang.' 


**************

Ako si Gian Yna Linares. Isang panget na istudyante. Yeah, di ako maganda. Basta. Ang alam ko sakto lang pero isa talaga akong panget. 

Matutulog na nga ako pero bago ako matulog nagpray muna ako. Ano kayang mangyayari bukas. Pupunta na lang ako ng sportsfest kahit may lakad ako bukas. Gusto ko talaga makita si Frances eh. Miss ko na talaga siya. Saka gusto ko rin makita yung school nila, baka binubully siya doon. Nako. 

Nagising ako 6:35 e ang usapan 6:35 dapat nasa bahay na kami nila Kateryn dahil dun kami susunduin ni Frances at di namin alam yung school nila. Pero takte naman oh, late pa ako ng gising. Dali-dali akong pumunta sa banyo at naligo siguro wala pang 5 minutes tapos na ako. Tapos another 5 minutes para sa pagibbihis at pagtotoothbrush tapos nakita ko yung oras 6:50 na kaya palabas na sana ako kaso nakita ko sarili ko sa salamin di pa pala ako nagsusuklay kaya dali-dali akong nagsuklay pero tinawag ako ng tita ko at sinabi na nasa baba daw mga classmate ko sila pa tuloy yung naghintay kaya pinapasok ko na. 

Naglakad kami papuntang Ejilio Ariso Highschool(EAH) mga 5 kanto ata bago kami makapunta dun. Grabe mukhang amoy usok na kami dahil sa highway kami dumaan sa gilid dun. Kaya humingi ako ng pabango sa kanya. Niloko pa nga ako ni Kateryn dahil sabi niya sino naman daw aamoy samin dun. Sabi ko naman wala lang pag dumaan di ba. Baka amoy usok na kami. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT STORIES NI OTOR :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon