Te Amo

36 0 6
                                        

Yung alam mo sa sarili mong mahal mo siya pero di mo masabi sa kanya. Tapos yung alam mo sa sarili mong di mo na kaya at gusto mo na siyang ichat para may balita ka kung kamusta na ba siya?, nagkakasakit ba siya ?, kung okay lang ba siya o may iba na siyang pinagkakaabalahan. Pero yung alam mo rin sa sarili mong di dapat siya ang mahalin mo kasi hanggang chat lang kayo at di mo pa naman napapatunayan nung umpisa kung seryoso ba siya sa'yo o hinde. Kasi naman bakit pa ako mahuhulog, dun pa sa taong walang ginawa kundi mambola. 

Hayyy nakooo. Mga lalaki talaga. They take advantages lalo na sa feelings na babae. No wonder, kaya dati layong-layo ako sa mga lalaki. Buti nalang hindi na ngayon. Okay na ako sa mga lalaki simula nung naging sophomore ako. Pero dahil sa nangyari nanaman, nag-uumpisa nanaman yung pagkahate ko sa mga lalaki. Bakit pa kasi PINAASA mo ako ? 

"SOLEEEEEE!!!!! Natutulala ka nanaman. Ayusin mo na yang pagtatrabaho mo, bago ka pa masisante ni boss. Lagot ka kapag nakita ka nanaman niyang tulala."  tulala nanaman pala ako -.- Kaasar! Bakit pa kasi di ka mawala sa isip at puso ko. Gusto ko na kasing makalimot. 

"Opoooooooooo! Masusunod po. Eto na nga PO eh. Gagawin ko na PO. Pasensya naman PO kase, di ko rin PO alam kung bakit PO ako nagkakaganito." sinadya ko talaga 'yun. Such a bad girl soleeeee. Stop it na nga. 

Sinamaan niya naman ako ng tingin. Tinapos ko na rin yung mga trabaho ko dito sa coffee shop. Kelangan ko kaseng magtrabaho para matustusan yung mga pangangailangan ko para maiahon yung sarili ko mag-isa. Although yung mga parents ko e, wala na. still, kelangan kong tumayo para sa sarili ko.

Wala na sila kase nag abroad sila sa Canada, tapos nalaman ko bigla na lang sila nawala ng tuluyan. Yung mga kapatid ko? Wala akong balita. Nawala nalang sila nang isang iglap.

Hayyynakooo. Sole Trinidad kelangan mo nang umuwi nang sa ganon makagising ka na nang maaga. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

"Sole sole! Gising naaaaa!" tunog na aking alarm clock. Boses ko mismo 'yun. Regalo sakin ng Auntie ko. Buti na lang nagising ako. Kasi di talaga ako nagigisng sa alarm clock. Perstaym ngayon ah :O Kasi kadalasan ang nanggigising sa aken ay ang auntie ko gamit ang kaldero. How nice? Para sure na gising ako. Hahahah. 

Nag-ayos na ako para sa school ko ngayon. Kelangan di ako malate para di ako pagalitan. Para manatili pa rin akong scholar students dito sa school na ito. Naligo na ako, kumain, nagsuklay, nagpulbo, at inayos ko na rin kagabi pa yung mga gagamitin ko para sa school. 

So ayun pagkapunta ko sa school, ang daming nakatingin sa aken. Ewan ko ba napaparanoid na ako. 

May lumapet sa aken na babae " Hi Miss Sole, Congrats. " Ehh? Baket? 

Nginitian ko na lang siya, kase nagmamadali na ako baka ma late pa ako. Terro teacher pa naman yung teacher namen ngayon. 

Ang daming nakangiti sa aken. Di ko alam kung baket. Ano bang meron ? Lels. 

"Hey kuya, ano po bang meron ngayon? At lahat nakangiti saken?" tanong ko dun sa janitor.

"Di mo ba alam ineng? Tignan mo na lang dun sa bulletin board. " 

"Osige po. Kuya, salamat." Nginitian ko siya bago ako nagdako papuntang bulletin board. Medyo may kalakihan rin kasi ito. Tapos mas mataas pa ito kesa saken. 

Nang makita ko isang sulat na malaki, ay ito ang nakita ko. Patay na'ko 

Mga Napili naming istudyante para makiisa sa isang CAMPING sa darating na lunes hanggang byernes: 

1. Tris Everdeen

2. Sole Trinidad 

3. Meinard Gutierrez 

ONE SHOT STORIES NI OTOR :DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon