1- Old Building

40 0 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos kong gumawa ng activity namin ngayong subject na Math ay bigla na lang akong natulog.

Gawain ko na talaga yun.

Ako si Shaine De Guzman, 3rd year high school. Yun lang *bow*

*Dreaming*

"Tulungan mo ako! Sige na! Ayoko pang mamatay!"

"At bakit kita tutulungan? Pagkatapos mong gawin yun? Haha! Mamatay ka habang nahihirapan!"

"Dito ka lang, natatakot ako."

"At bakit? Natatakot ka sa sarili mong mukha? Mamatay ka!"

"Sino sa tingin mo ang pumatay sakanilang dalawa? Sa tingin mo......multo?"

"Ng dahil sa kasamaan niyo naghihiganti kami!"

"Bakit mo ginagawa to saamin?! KAYO!"

"Dahil kasalanan niyo rin naman!"

*end*

Elaijah: Huuuuuuuuuuy! ANO BA! Gising ka na nga!

Nagising naman ako sa lakas ng boses ni Elaijah.

Shaine: A-anong nangyari?

Elaijah: Wala naman, break time na at gutom na gutom na ako! Nandun na yung barkada sa table.

Tumango nalang ako at umorder na kami ng pagkain sa canteen.

Panaginip lang ba talaga yun? Eh bakit parang totoo? Naririnig ko yung mga boses nung mga kaibigan ko pero yung kausap nila ang hindi ko kilala. Iisang boses lang naman yung babaeng yun.

Elaijah: Teh, kailangan talaga nakatitig sa pagkain?

Yna: Psh, guys, sobrang boring talaga ngayon! Gusto niyo bang mangtrip?

Joline: Haha! Game ako dyan

Stefanie: Si Joy nalang kaya?

Shaine: Sinong Joy?

Elaijah: Ay oo nga pala absent ka last week. Si Joy yung babaeng pinagtripan namin noon. Hahahahaha! Kung kasama ka lang namin tiyak matutuwa ka din

Shaine: B-bakit?

Joline: Kasi ikaw, naiiba sakanya. Maganda ka pangit siya, maputi ka maitim siya, popular ka nerd lang siya, oh diba?

Stefanie: Uy puntahan natin siya!

Tumango nalang ako kahit ayoko. Ano ba yan! Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko?

Oo, aaminin ko nung una nakipagkaibigan ako sakanila kasi akala ko sila na eh.... yung tipong mabait na kaibigan, hindi mapang-lait. Hindi masama at hindi marunong mang-away ng kapwa. Pero nagkamali lang ako.

Habang naglalakad kami, napansin kong papasok na kami sa lumang building

Ayon sakanila dito sa lumang building merong 2 namatay na estudyante.

Una- May namatay na estudyante dahil sa suicide. Lagi kasi siyang nabubully ng mga kaklase niya ng dahil sa panglabas na anyo niya.

Pangalawa- May namatay na estudyante dahil rin sa suicide. Lagi siyang napapagtripan ng mga magkakaibigan na sikat at ng dahil sa pagiging mahina niya ay kinakawawa siya.

Yan ang alam ko kaya hindi na ginamit ang old building na yan dahil minumulto na daw yung mga pumupunta diyan at namamatay isa isa.

BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon