4- Yna's death

39 0 0
                                    

Shaine's POV

Nag-iiyakan kami ng mga kaibigan ko hanggang ngayon ng dahil sa pagkamatay ni Joline

Elaijah: Bakit ba kasi namatay si Joline?

Stefanie: Mahal na mahal ko yung babaeng yun kahit ganun pa siya!

Yna: Mamimiss ko yung si Joline

Ako hindi makapagsalita ng dahil sa pagkakaiyak ko. 

Kaninang umaga lang namin nalaman, nakita daw nung magulang ni Joline na nandun daw sa kwarto niya naka-nga nga at umiiyak ng dugo. Nako! Kawawa naman ang kaibigan namin

Shaine: Hindi kaya totoo ang sumpa?

Elaijah: Ano? Nagpapaniwala ka talaga dun Shaine? Sus, never mangyayari yun.

Stefanie: Hindi totoo yang mga sumpa sumpa na yan!

Yna: Hay nako! Kung ano ano pinagsasabi niyo. Sige magsi-cr lang ako.

**

Yna's POV

Actually natatakot na ako nung nagsimula na silang magkwentuhan about doon sa sumpa. 

Aaminin ko minsan baliw ako kase nga nambubully ako pero takot ako sa sumpa sumpa na yan.

Sumisipol sipol ako habang naghuhugas ng kamay. ewan, ganon talaga ako :3

"Pst." 

Napatingin naman ako sa likod ko, pero wala namang tao.

"Pst!" 

Tumingin na ako sa salamin pero wala talaga eh.

"Pst!" 

Naiinis na ako kaya bawat cubicle binuksan ko, wala namang tao.

"Sino ba yang nangtitrip saakin?!" Sigaw ko sabay babalik dapat para maghugas pero nadulas ako

ANO BA YAN! BAKIT ANG SHUNGA SHUNGA KO?! 

Nagulat nalang ako ng kinusot ko yung mata ko at naalala kong may sabon pa rin pala yung kamay ko. ANG SAKIT! GHASH!

Pumunta kaagad ako sa sink para tanggalin yung mga bula bula pero pagtingin ko sa kamay ko dugo na ang nakikita ko.

Teka?! Anong nangyayari saakin? B-bakit may dugo?

Napatingin ako ng dahan dahan sa salamin at nakita ko na puno ng dugo yung mukha ko.

Sisigaw sana ako pero wala akong maisigaw. 

Napatingin naman ako sa may pintuan papalabas ng cr at nagulat ako ng makita kong nakatayo siya...

"Dito ka lang, natatakot ako." Sabi ko sakanya at tumawa naman siya

"At bakit? Natatakot ka sa sarili mong mukha? Mamatay ka!" Sabi niya saakin at tawa pa rin siya ng tawa

Teka... akala ko ba------

Nagulat ako nung may katabi siya, isang babaeng naka puti, medyo mahaba ang kulot niyang buhok at bawat patak ng luha niya ay dugo.

S-sino siya?!

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka sa itsura ni Joy?" Sabi niya saakin

"Si....JOY?!" Sigaw ko sabay umatras ng umatras hanggang sa napunta ako sa may pader

"Oo, yung babaeng pinahirapan niyo ng sobra sobra. Oh ano?! Masaya ba? ha?!" Sigaw niya at ramdam na ramdam ang galit niya

Nagulat nalang ako nung tinulak ako ni Joy ng malakas at ngumiti siya. 

Tumingin siya saakin pero puting mata lang ang nakikita ko walang itim.

Joy: Sana maramdaman mo ang bawat sakit na nararamdaman ko nung pinapahirapan niyo ako.

Nagulat ako ng binalibag niya ako at nararamdaman kong nagdudugo na yung buong katawan ko. 

Nanghihina na ako at pakiramdam ko mawawalan na ako ng hininga.

Joy: Maging masaya ka sana!

Sigaw ni Joy saakin at parang may malakas na hangin ang humihila saakin.

KATAPUSAN KO NA

BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon