Nandito na kami ngayon sa 4th floor, room 409
(Classmates, eto room natin oh! Haha <3 )
Napatingin naman ako sa babaeng nerd na mag-isang kumakain ng a..adobo?! :O
Yung mukha niya? Magulo eh. Yung mata niya mugto, may malaking salamin, naka braces, mahabang palda na suot at malaking blouse. Halatang nerd nga.
Elaijah: Hi Joy! Miss us?
Nagulat naman yung Joy at napatigil sa pag-nguya ng pagkain.
Joy: B-bakit nandito na naman k-kayo?
Elaijah: At bakit? Masama ba? Duh, this is a school. Any student can come.
Stefanie: Elaijah, tama ba grammar mo? Aish! Nga pala, Joy. Nandito kami para kawawain ka na naman ulit
Joy: A-ayoko na. T-tumigil na k-kayo.
Joline: In one condition
Joy: A-ano?
Nagtinginan silang apat at nagtawanan.
Ako, nakatunganga lang. Hindi ko kasi sila gets.
Anong nakakatuwa dito? Wala! NAKAKAINIS 'TO!
Yna: Lumuhod ka at halikan ang mga sapatos naming mamahalin
Nagulat yung Joy ulit at napasama ng tingin kay Yna.
Joline: Hoy! Bakit ang sama ng tingin mo sa kaibigan ko?
Joy: S-sorry.
Stefanie: Dalian mo na Joy at halikan mo na ang mga new imported shoes namin!
Elaijah: Ang bagal bagal mo talaga kahit kailan!
Yna: Walang kwenta!
Nagsi-apir naman yung mga kaibigan ko at napatitig sila saakin.
Stefanie: Oo nga pala, Joy. Meet Shaine, our best friend. Siya yung katapat mo... i mean kalaban mo pala. Ew ka kasi eh siya? Idol!
Medyo nailang ako sa sinabi ni Stefanie. Sumosobra na kasi silang apat.
Nagulat ako nung lumuhod nga yung Joy at akmang hahalikan yung sapatos ni Elaijah pero dinuraan niya.
Elaijah: Ugh, what the hell?! ANO BA! YUCK!
Diring-diri na sabi ni Elaijah sabay tinanggal yung sapatos niya.
Joline: At ng dahil sa ginawa mo paparusahan ka namin! Walang hiya kang babae ka!
Nagulat na naman yung Joy nung hinila ni Joline yung buhok niya at dumadaing na siya sa sakit.
Pumunta sila sa cr at sinundan ko rin sila at nagulat ako nung hinarap ni Joline si Joy sa salamin
Joline: Oh Yna, ikaw na bahala sa panget na 'to!
Hinila naman ni Yna yung buhok ni Joy
Yna: Tumingin ka sa salamin Joy, oh diba? Ang PANGIT PANGIT mo! Kaya ang dapat sayo nginungudngod ang mukha!
Naiiyak naman si Joy habang nginungudngod yung mukha niya.
Joy: Tama na! Maawa kayo saakin! Tumigil na kayo!
Stefanie: Maawa? Sigurado ka? Pagkatapos mong duraan yung sapatos ng kaibigan namin? Since dinuraan mo siya eto ang katapat mo!
Hinawak ni Stefanie yung blouse ni Joy at tinulak yung mukha ni Joy sa toilet bowl.
Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko, oo hindi ako tumatawa. Kasi binuBULLY nila yung tao.
Elaijah: Halika na Shaine! Labas ka na dali!
Lumabas naman ako kaagad at nagulat ako nung nilock nila yung pintuan ng cr
Joy: Palabasin niyo ako dito! Sige na, ayoko dito! Mabaho! Tulungan niyo ako! Sandali lang wag niyo akong iwanan! Nagmamakaawa ako!
Sigaw ng sigaw yung Joy pero sila Stefanie tawa lang ng tawa.
Elaijah: Dyan ka nararapat! MABAHO! HAHAHAHAHAHAHAHA!
Kasunod din nila ang pagtawa ni Elaijah.