Chapter 3 : Attention and Change

61 2 0
  • Dedicated kay Mervin Chris Velasquez
                                    





CHAPTER 3

ATTENTION



*GENEVERE'S POV*



"Gev naayos ko na ang pagtransfer mo" biglang sabi ni kuya





" huh?" nagtatakang sagot ko, pero alam ko naman na kasing magtatransfer na ako, kung bakit hindi ko din maintindihan, ayos naman na ako sa school ko ah? Okay din naman ang standing ko, isa ako sa top students, madami na akong kaibigan, well alam ko naming ginagamit lang nila ako, but then I already made quite a name tapos all of a sudden biglang itatransfer ako for some reasons?



"nasabi ko na sayo to before Gev, are you not listening back then?" sabi ulit ni kuya



"I still don't get the logic kuya" pagmamaktol ko





" no buts Genevere, bukas na tayo pupunta dun" matigas na sabi ni kuya, hayyy di ko siya maintindihan eh, maluwag naman siya sakin, well wala naming pakialam si mama at papa, more like si kuya na ang nagsisilbing guardian ko, ang nakakapagtaka sa kanya e yung biglaang ginagawa niya ngayon, nakakapagtaka





"welcome to Siena Ms Lecris" bati sakin nung lalaking may edad na, maputi siya, at pinagsisigawan na ng buhok niya ang edad niya, katamtaman lang ang pangangatawan nito, at tama lang ang tangkad, maganda din ang taste nito sa pananamit





"Thank you, Principal Suschter" nahihiya ko pang bati



" nakaayos na ang lahat, ito yung schedule mo" sabay abot sa akin ng isang piraso ng papel "ito yung dorm pass mo and key" sya sabay abot ng parang credit card na card na may nakaukit na FEMALE PASS tapos isang parang maliit na USB siguro yun yung key, malalaman ko mamaya pano to gamitin "curfew is 11 pm, pwedeng lumabas ng school premises after school hours, bawal pumasok sa dorm ng mga lalaki, may parking space din for students, yung library pass kunin mo na lang sa library bukas, may tatlong cafeteria tayo, isang malapit sa main hall, isa sa dormitories, tapos yung main cafeteria makikita sa gitnang part ng school, feel free to ask kung sakaling may problems ka" mahabang paliwanag nito sa akin





" how about a tour Principal Suschter?" biglang tanong ko "and how will I use this key? What's the purpose of this pass?" pahabol na tanong ko





"well Gev, ako ang bahala sa tour mo" biglang sabat ni kuya





"Yung pass is to distinguish anong dorm ang sa iyo, may iba ibang dorms kase dito, of course magkakahiwalay ang babae sa lalaki ng building, yung key naman is itatapat mo sa sensor para mabukas yung room, well as you can see we have a state of the art facilities here, at kasama dun ang security system para maiwasan ang trespassers, in the case of system failures, open it at makikita mo ang isang typical key" mahabang paliwanag nito, napatitig naman ako dun sa key, it may look like a USB device, its pink at sa near end nito parang pabilog siya, nung binuksan ko naman, mula sa gitnang part it revealed the end part of a key





"cafeteria ba muna tayo?" biglang tanong ni kuya





"tour muna kuya, maligaw pa ko mahirap na, and why the hell do you know this school?" biglang tanong ko sa kanya





To Reach You (A Journey To A Whole New World)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon