Introduction

8 1 0
                                    


Have you ever ask yourself kung sino ba talaga kayo?

Yung may mangyayari nalang na Deja vu?

Hindi ka ba nagtataka kung totoo bang may reincarnation? Yung pakiramdam na parang magkakilala na kayo dati, naging magjowa, mag asawa, nagkaroon ng kambal na anak, tumandang magkasama at noong namatay kayo hiniling mo sa bathala na sana maulit ulit ang love story niyo?

Paano kung mapagbigyan ka ngang mabuhay muli sa ibang panahon, magkakakilala ulit kayo. Pero paano kung hindi na kayo ang para sa isa't isa? Handa ka bang kalabanin ang tadhana maulit lang ang love story niyo? Paano ku---- "PAKKKK!"

"Tang ina ang sakit! sino yun?!"

"Hoy Eliza! nagsasalita ka nanaman mag-isa jan! Hindi ka na talaga makakalabas dito sa mental"

"Nurse jenny naman, ramdam ko talaga writer ako bago ako napunta dito eh"

"Lahat naman ramdam mo! sabi mo last week chef ka tapos pinakuluan mo wiwi ni Aling Pukleng sa kusina ng canteen!"

"Sorry na nurse" -_-

"Matulog ka na nga pagkainom mo ng gamot, oh eto"

Haaay ang pait pait ng gamot na to, may tiwala naman akong gagaling ako eh, pero kailan? Sino ba kasi ako? Paano ako napunta dito, Sabi ni Nurse jenny nakita nalang nila ako sa gate ng mental na umiiyak at basang basa ng putik, wala naman daw akong galos sa kahit anong parte ng katawan ko, kahit sa kepyas ko wala din naman daw. Sino kaya ako? ayoko na dito. Matutulungan niyo ba ako?

Blk16 Lot21 Who Am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon