Prologue

7 2 0
                                        

Tulad ng araw na sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran, unti unting nilalamon ng dilim ang aking isipan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tulad ng araw na sumisikat sa silangan at lumulubog sa kanluran, unti unting nilalamon ng dilim ang aking isipan....


Nagising nalang ako sa isang kwarto na kulay puti..

Teka? Ospital ba ito?

Pilit kong binubuksan ang aking mga mata ngunit pilit pa din itong sumusuko na tila ba'y nagmamakaawa na matulog pa ako...


Ang sakit sakit ng katawan ko, ramdam ko pa din ang sakit ng aking likuran...


Sa wakas! bumukas na din ang mga mata ko, sumuko na ang antok na bumabalot sa aking buong katawan.


"Aray!!! tulonggg!!"

Isang sigaw ang aking pinakawalan, nakarinig ako ng bulungan. Tila yata na hindi lamang ako mag-isa, Dumadami ang bulungan na naririnig ko. Umiingay na, nasaan ba talaga ako?


"Tulongggg!! Parang awa niyo na, tulungan niyo ako"

Pilit kong sigaw hanggang sa narinig ko ang pamilyar na ngalan na binanggit ng isang babaeng nakaputi, papalapit na siya saakin.


"Nurse Jenny! Gising nanaman ang pasyente mo, baka magwala nanaman siya"

Rinig kong sambit ng babaeng nakaputi na papalit saakin, walang duda nurse nga siya.

Tinatawag niya ang isa pang nurse na halos habulin ng hininga makarating lamang saakin.


"Naku Salamat Nurse Desa, ako na ang bahala sa kanya"

At umalis na ang naunang nurse. Sa palagay ko'y ito ang tinatawag niyang nurse jenny kanina, parang narinig ko na ang ngalan na ito.


"Nurse Jenny? Ikaw si nurse jenny, tama ba?"

"Himala tinawag mo ako sa pangalan ko! Sa tatlong buwan mong inilagi sa hospital na ito, ngayon ka lang naging medyo matino kausap"

"Po? Hindi ko ho kayo maintindihan"

"Iha nasa mental ka."

"Ano?! Bakit ho ako nasa mental! Sino ho ba ako! bakit ho ako napunta dito!!" Pilit kong kumakawala sa nakagapos saaking tela. Kaya naman pala nananakit ang aking katawa dahil nakagapos ako.

"Iha huminahon ka, sa tagal mong inilagi dito ngayon ka lamang sumagot ng matino, palaging naghihisterikal kapag nagigising ka, umeepekto na ang gamot na binibigay sayo ni Doc"

Pilit kong inaalala ang nangyari saakin ngunit sumasakit lamang ang ulo ko at mas lalong nagsisidhing magwala ang pagkatao ko.

"Ano ho bang nangyari saakin doc?"

"Hindi din namin alam, pero ayon sa ID mo na nakasuot sayo noong natagpuan ka namin sa gate ng mental hospital na ito, ang iyong ngalan ay Eliza Analese V. Castellano"

"Hindi ko ho alam ang ngalan na iyan" sambit ko na parang ninanais ko ng maiyak sa mga naririnig ko.

"Noong natagpuan ka namin sa may gate, basang basa ka ng putik ngunit hindi naman maulan noon at mas lalong wala namang putik sa daanan patungo saaming gate. Nakakapagtaka pa ay wala kang kahit anong sugat o galos. Wala ka ding malay noon at dinala ka namin sa loob. Noong una akala namin wala ka ng buhay ngunit pinakiramdaman namin ang iyong pulso. Nilinis namin ang iyong katawan at binihisan ng damit. Kinaumagahan ikaw ay nagising at inatake mo ang nurse na nagbabantay sayo. Simula noon tinuturukan ka na ng pampakalma ng mga nurse at binibigyan ka ni Doc ng gamot na magpapabuti sa iyong pakiramdam at mawala ang agam agam sa iyong kaisipan na nagiging sanhi ng iyong pagkabaliw."

"Nurse. baliw na ho ako? Bakit ho nurse? wala ho akong maintindihan!!! Bakit ho ganitooo!!!"

"Pakiusap huminahon ka at makinig saakin. Ang mental hospital ay para sa mga taong katulad mo na nawalan ng ulirat. Ngayon napatunayan ko na may pag asa ka pa talaga. Madaming nagsabi saakin dati na tuluyan ng masisira ang utak mo, kaya naman pakiusap tulungan mo din ang sarili mo para pareho nating malaman ang naging sanhi ng pagkasira ng utak mo."


Ang sakit sakit malaman na naging ganito ang kinahinatnan ko. Bakit? Bakit ako pa? Sino ba talaga ako? Bakit nangyari saakin ito?


"Tahan na Eliza. Tutulungan kita na gumaling pero dapat tulungan mo din ang sarili mo para malaman natin ang naging sanhi ng iyong karadaman. Matagal ka ng sinukuan ng mga nurse dito ngunit sabi saakin ni Doc Galvez ay tutukan daw kita, nakita niya na may pag asa ka pa kaya naman huwag mong sayangin ang katinuang natitira jan sa utak mo. Simula ng magising ka ay wala kang ginawa kung hindi magwala at sumigaw ng "Takbo! takbo! papatayin niya ako! idadamay niya kayo! papatayin niya kayo!", madami ang natakot sa tinuran mo ngunit naniwala si doc Galvez sayo na sa oras na bumalik sayo ang ulirat mo, magbabayad ang taong gumawa sayo ng ganitong kasalanan".


Halos pumalahaw ako ng iyak sa mga narinig ko. Bakit papatayin ako? sino ang papatay saakin? Bakit niya ako papatayin?


"Sa ngayon, magpahinga ka muna ulit, matulog ka at sana pagkagising mo, nasa ulirat ka pa din. hindi kami kaaway Eliza. Tutulungan ka namin."


At unti unti nanamang nilamon ng dilim ang aking paningin. Sino nga ba ako? Sino nga ba si Eliza?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blk16 Lot21 Who Am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon