Chapter 10 - A Change in Attitude

130 6 2
                                    

DRAY

Hindi ko alam kung magagalit ba 'ko o maiinis o maaawa sa naging kalagayan ni Ally. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari sa kanya. Totoo ba 'yung mga sinabi niya o nagpapanggap lang siya? Her facial expression seems to be really serious para sabihin kong joke lang 'yun. Ewan ko ba sa kanya. Sino ba kasi ang hindi magugulat kapag sinabihan kang 'who are you' ng taong kakilala mo?

Hindi ko na lang pinansin 'yun ng pansamantala at lumabas na ng DHQ para umuwi na muna sa bahay. Tutal, mag-u-undergo pa naman ng examination si Ally kaya hindi pa rin niya kami makikita - ako makikita. Pero bago 'yun, pinili ko munang tumambay sa isang barbecue stand at umorder ng umorder hanggang sa mabusog na 'ko.

---

"Oh, nasaan na pala si Ally? Ba't hindi na siya umuuwi dito Dray?" Naitanong ni Nanang Sylvia nang makarating ako sa bahay pagkalipas ng ilang minuto na pagkain ko dun sa barbeque stand.

"Ah, kasi nasa ospital po siya." Napalaki naman ang mga mata ni Nanang dahil siguro sa pag-alala. "Okay na po siya. Huwag na po kayong mag-alala. Hindi lang siguro ako sure kung uuwi ba siya dito sa susunod na araw. Sige po." Walang kabuhay-buhay na sabi ko kay Nanang at dumiretso na sa kwarto para humiga at matulog.

Nagising ako ng 2:05pm at timing rin na nag-ring ang phone sa bulsa ng slocks ko kaya sinagot ko na ang tawag na wala sa mood. Alangan naman kasi bagong gising palang naman eh.

"Oh?"

[Hoy! Huwag kang pa-lazy ass diyan! Halika na dahil nandito na si Ally! You can't believe what's happening to her right no—]

Hindi na 'ko naghintay pa at lumabas na 'ko ng kwarto at pinaharurot ang kotse patungong Heathens.

Ilang minuto lang ay nakarating rin ako. Agad kong pinark ang kotse at tumakbo ng mabilis hanggang sa makarating na 'ko sa harap ng clubroom. Napahinto ako at huminga ng malalim.

"Tangina, para ako nitong bakla eh. Kailangan talaga nerbyosin? Ts." Umirap na lang ako at sabay ring kinagat ang labi bago ko binuksan ang napakalaking pintuan.

Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig nang ma-realize ko ang nagawa ko ngayon lang.

"Dray? Akala ko ba ayaw na ayaw mo sa hagdanan? Eh, ba't diyan ka dumaan?" Natatawang sambit ni Ken.

"Aba, amazing!" Ani Macy sabay palakpak pa. Si Jade naman, nakanganga lang pero maya-maya rin ay inirapan na lang ako at dinivert ang attention niya kay Ally na ngayon ay nakataas rin ang kaliwang kilay nito. The way she looks at me makes me anxious pero kailangan kong tanggalin 'to dahil ayaw kong mapansin niya na kinakabahan ako.

"Pakialam niyo ba. Eh sa kung inakala kong sira ang elevator. Ano pa ba ang other option ko? Diba ito lang hagdanan?" Sabi ko sa kanila sabay pamulsa habang naglalakad patungo sa sofa at umupo na katabi si Ken. Hindi ko na muna pinansin si Ally. I need her to feel na parang wala lang siya sa presensya ko at kahit pa nakalimutan niya ako ay wala rin akong pakialam kahit na deep inside ay opposite talaga ang nararamdaman ko. Ewan ko ba.

"Ts. Defensive naman masyado." Sabi ni Ken sabay suntok sa tagiliran ko. Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na lang ng marshmallow sa plate na nakalaan sa mesa.

"Oh, anong satin? Anong nangyari sa kanya?" I try to keep my ass cool down para hindi nila mahalata na nagpapanggap lang akong walang alam pero ang totoo alam ko na nakalimutan niya na ako.

Ang weird lang kasi ako lang ang hindi niya magawang maalala pero sila, tatak na tatak sa memorya niya. Dahil ba may galit siya sakin? O ayaw niya lang talaga akong maalala? Kainis naman oh. Ayoko pa naman ng ganito.

StudetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon