Chapter 6 - Duo's Collaboration

212 11 3
                                    

DRAY

"Ikaw ang naglason sa kanya, Chartreuse Foster." Madiin kong sabi sa kanilang lahat habang nakatitig lang sa ngayo'y nanlilisik na mga mata ni Chartreuse Foster. Maya-maya pa'y nawala naman ito at kumalma naman ang mukha niya. Sa palagay niya ba makakatakas pa siya sa paglantad ko na siya ang gumawa ng paglason kay Miss Gina Kalista? Kingina, hindi.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo Dray? At saka, ba't ang tanggal mo?" Naguguluhang tanong sakin ni Ken. Hm, alam ko naman na nainip na siya kaya binunyag niya na. Buti na lang talaga at nahabol ko pa kundi mali ang magiging suspek niya. 'Tong lalaking 'to talaga, tss.

Hindi ko na muna siya pinansin at agad na binaling ang atensyon ko sa kanila na talagang nakatutok sakin at hinihintay ang pahayag ko.

"Ano ba ang basehan ninyo Mr. Turner?" Tanong sakin ng Head Police Chief Officer na pinatawag namin.

"Ako?! Bakit naman ako?! Kaibigan ko nga si Gina! Bakit ko ba magagawa 'yun sa kanya eh kaibigan ko siya! Diba sinabi ko 'yun sayo!" Ngayon naman napunta ang mga titig ni Chartreuse kay Ken pero agad ko namang binawi 'yun. After all, kailangan kong makita ang magiging reaksyon niya sa paglantad ko sa krimeng nagawa niya.

"This..." Ipinakita ko sa kanya ang transparent na packet na may lamang bote ng Chief's Healthiest Foods Restaurant. "...and this." Sa kabila namang kamay ko ipinakita ang isa pang transparent na packet na may kaparehas ding itsura sa bote nung nauna kong naipakita kaso may kaibahan nga lang sa loob ng bote.

"P-Paano?" Nauutal na tanong niya. Napangiti naman ako sa isip ko. Nagsisimula na kasi siyang mamutla tapos may maliliit na butil ng pawis ang namumuo sa forehead niya which shows that he's embarrassed, afraid, angry or nervous dahil na rin sa muscles niya na nate-tense ngayon. I can see it by easily looking at his face. And also, ang posture din niya, he barely moves the parts of his body which made his muscles tense.

I partly smiled and started to speak up. "3:53pm lumabas ka ng Function Hall. On your way out, may hinablot ka sa bulsa mo which is your phone. Isa 'yung tawag and you answered it. It took 8 minutes to have a conversation with someone. Dala-dala mo 'yang bag mo..." Sabi ko sabay turo sa itim na hobo bag na nakasabit sa katawan niya. Napatingin naman sila doon. "...inuhaw ka sa kakausap kaya may kinuha kang bottled water which is akala ko bottled water sa malayuan pero hindi pala. Pero kahit medyo malayo ako, mahahalata ko pa rin na bagong bili ang bote na 'yun kung gumawa ito ng ingay pero hindi eh. Bakit ko nasabi 'yun? Kitang-kita ko na gumamit ka ng brute force dahil napansin ko na nag-show up ang malalaking ugat sa dorsal surface ng kanang kamay mo since ang kaliwang kamay mo ay nakahawak sa android phone mo. With that, posible na makagawa ng hiss sound ang bote na 'yun. Pero sayo hindi which made sense na hindi na bago ang boteng 'yun. In other words, binili mo ang bote na 'yun the other day."

"Tapos? Ano namang koneksyon niyan sa pagkamatay ni Gin—"

Pinutol ko na ang pagsasalita niya sabay sunggab ng mata kong walang ibang tinititigan kundi ang mga mata lang din niya.

"Pwede ba, patapusin mo muna ako. Asan na nga ako? Ah oo. Naubos mo ang laman ng bote nang hindi umabot sa isang minuto at siguro nakalimutan mo na isang napakalaking factor ito na magtuturo sayo sa paglason mo kay Miss Gina kaya naitapon mo 'to sa basurahan na katabi lang sayo. Kinuha ko naman 'yun at akalain mo naman, hindi pala tubig ang laman ng bote kundi isang green tea na tanging Chief's Healthiest Foods Restaurant lang ang nagbebenta." Binaba ko sa lamesa ang packet na may lamang ebidensya na galing kay Chartreuse at itinaas ko naman ang nasa kaliwang kamay ko na packet. "Ito? Ito naman ay nanggaling sa bag ni Miss Gina Kalista. Kaparehas sila ng bote ng green tea ni Chartreuse, hindi ba? Pero ang pinagkaiba nun sa bote na 'to ay may maiitim na dust particle ang kay Miss Gina in which I found suspicious. Sa ebidensya palang na 'to may theory na ako pero I kept it within myself temporarily so I can find more evidence that would satisfy you all."

StudetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon