Pag uwi ni Yoon-Hee sa bahay, nag hihintay sa sala ang kanyang tito.
"Oh Yoon-Hee nandito kana pala. Nag dinner kana ba?" Tanong ng kanyang tito.
"Nag meryenda lang Ako daddy with my friends." Sagot naman ni Yoon-Hee.
"Let's go eat. May importante akong sasabihin sayo." Sabi ng kanyang tito sa kanya.
Habang sila ay kumakain,
"Ano yung importanteng sasabihin mo dad?" Tanong ni Yoon-Hee sa kanya.
"Dad is really sorry kung bakit ngayon ko lang to sasabihin sayo. Mas mabuting ngayon ko na to sasabihin sayo. Alam mong Park Ji-Hoon at Kang Mi Young ang mga magulang mo. Kaya kita tinatago sa pangalang Chae Yoon-Hee dahil akala ng mga tao patay kana. Pagkaka guluhan ka ng mga tao dahil isa sa pinaka successful ang daddy at mommy mo. Ang school mo ngayon, si Dadd at mommy mo ang nag patayo non. Natatakot ako na baka dimo kayanin ang mangyayari kung malalaman ka ng publiko na buhay ka pa." Pag papaliwanag ng kanyang Tito.
"Appa, alam ko. Pero ang gusto kong malaman ay kung nasaan na ang kapatid ko. Naiintindihan ko naman na baka malaman ng tao na buhay pa ako pag nakipag kita ako sa kapatid ko. Pero appa gustong gusto ko na syang makita. Miss na miss ko na sya." Sagot naman ni Yoon-Hee.
"Alam ko. Bukas makikita mo na ang kapatid mo. Eto na ang tamang panahon. Magpaka tatag ka." Sabi ni Song Il Jung habang naiiyak.
"Appa, wag ka ng umiyak. Ikaw ang the best dad for me. Kamsahabnida appa. Saranghae appa." Sabi ni Yoon-Hee na puno ng pasasalamat dahil sa wakas makikita na nya ang kanyang kapatid na matagal na nyang hindi nakikita. Si Park Min Woo ang kanyang kapatid. Sya ngayon ang namama hala sa kanilang kumpanya. 29 years old ang kanyang kapatid pero malaki na ang kanyang responsibilidad. Si Park Min Woo ang C.E.O ng DAEJIN Group. Isa sa pinaka malaki at pinaka malakas na companya sa buong Korea.
Kaumagahan, excited si Yoon-Hee dahil ngayong gabi magkikita sila ng kanyang kuya.
Pagkatapos ng kanyang klase agad syang nagpaalam kay Jungkook at kina Namjoon, Jin, Suga, J-hope, Jimin at Taehyung.
Dali dali syang umuwi.
Ang hindi nya alam may binayarang tao si Shana upang bantayan ang mga kilos ni Yoon-Hee hanggang sa maka kalap sya ng impormasyon na magagamit nya upang masira ang relasyon nina Yoon-Hee at Jungkook.8:00 PM sa isang pinaka sikat na steak restaurant sila magkikita ng kanyang kuya. Pinag handaan nya talaga ang gabing ito. Naka pink dress sya at suot nya ang kanyang kwintas na ibinigay ng kanyang mga mugulang ng sila'y nabubuhay pa.
Sinalubong sya ng kanyang kuya at niyakap niya ito ng mahigpit.
"Min Woo Oppa. Sobra kitang namiss" ang sabi ni Yoon-Hee habang umiiyak.
Hindi nila mabitiwan ang yakap sa isa't isa."Min Jee, sorry ngayon lang ako nag pakita. Ayaw lang kitang masaktan." Sagot naman ni Min Woo sa kanyang naka babatang kapatid.
Park Min Jee pala ang tunay na pangalan ni Yoon-Hee. Sya pala ang first love ni Jungkook na akala nyang patay.
Matagal silang nag kwentuhan. Na i kwento ni Min Woo ang tungkol sa kaibigan ni Yoon-Hee. Sobrang na schock si Yoon-Hee ng malaman na si Jeon Jungkook pala ang kanyang kaibigan na matagal nang nawalay sa kanya. Kaya pala mabilis syang na fall kay Jungkook dahil mula bata pa lang sila , sila na talaga para sa isa't isa.
Sinabi ni Park Min Woo na kung maari wag na wag nyang sasabihin kahit kanino ang tungkol dito. Gusto nyang masigurado na ligtas sya hanggang sa araw na pwede na nilang I reveal abg tungkol sa nangyari.
Nakiusap si Yoon-Hee na gusto nyang sabihin kay Jungkook na sya pala ang kanyang long lost love. Masayang masaya si Yoon-Hee.
Masayang masaya si Yoon-Hee pero ang hindi nya alam makarating na pala kay Shana ang mga litrato nila ng kanyang kuya. Pero hindi alam ni Shana na si Yoon-Hee pala ay si Min Jee. Masayang masaya si Shana dahil alam nyang magagamit nya ang mga ito para masira sila at galit din sya kase akala nya isang manloloko si Yoon-Hee.
"Look at this pictures. She's a gold digger. Paano nya na seduce ang C.E.O ng DAEJIN GROUP. How dare her na lokohin si Jungkook. Sabi ko na nga ba manloloko at malandi itong babae na to. You worked hard Jennie. As a promise eto na ang bayad ko. 1,000,000 pesos yan gaya ng pinag usapan natin. Tama na siguro yan upang gumaling ang tatay mong nasa hospital. At kahit anong mangyari wag na wag kang mag sasalita kung hindi babawiin ko ang ibinayad ko sayo." Ang sabi ni Shana kay Jennie.
Magka sabwat pala si Shana at Jennie. Kaya pala biglang naki pag close si Jennie kay Yoon-Hee dahil may masama silang balak. Kaya pala alam nyang magka sintahan sina Yoon-Hee at Jungkook kase sya pala ang binayaran ni Shana upang manmanan si Yoon-Hee.
"Oo wag kang mag alala Shana. Pero ano na ang balak mo ngayon?" Tanong ni Jennie.
"Close naman kayo ni Yoon-Hee diba? Dalhin mo si Yoon-Hee sa rooftop ng school bukas ng gabi. At dadalhin ko rin si Jungkook doon. Pag hihiwalayin ko silang dalawa" sabi ni Shana na sobra ang saya.
Masaya ang araw na ito para kay Yoon-Hee pero ano kaya ang mangyayari sa kanila ni Jungkook dahil sa binabalak ni Shana at Jennie.
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
The Seven Bulletproof Boy Scouts
RomanceThis story is based on my imagination. It's not based on true life story. First time ko pong mag sulat ng story dito sa wattpad. Gumamit ako ng mga pangalan ng K-pop boy group na BTS. Sana po magustuhan nyo.