Queen Vain

43 4 4
                                    


Alas singko pa lang ng umaga ay gising na si Venus, naka pag yoga exercise na siya, napakain na niya ang kanyang alagang pusa na si Luna pati ang dalawa niyang gold fish si Nemo at Nome. Nakapagluto na ng agahan, nakapaglinis na ng bahay at natapos narin siyang kumain. Ito ang routine  niya araw- araw. Sa salamin lang siya natatagalan parati dahil gusto niya lahat purrrfect. Kilay on point. Check. Hair nakalugay ang curls. Check. Pink or peach lipstick. Check. Make up no make up look kung baga para pang Korean drama ang beauty. Colored nails. Check. Fruity white teeth. Double check. Iba talaga pag gandang ganda sa sarili. Naku mahirap ng malait. Miss Campus Queen kaya to. Malapit ng mg alas sais at dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag ayaw niyang maipit sa traffic dahil polusyun at nakakawala ng poise kaya maaga talaga siyang pumapunta sa school. Isang ordinaryong araw na naman para kang Venus Valentine.

===

St. Vianney Academy

(DingDong, DingDong)

Hudyat na magsisimula na ang klase pero ang mga studyante ay wala pa sa silid aralan dahil lahat ng atensyon nila ay sa nagkakaguluhan sa rooftop.

"Tawagin niyo si Venus, kundi tatalon ako!!! Mgpapakamatay talaga ako!" sigaw sabay hiyaw ng isang estudyante.

"Ano ba naman niyan hindi na nadala, eh kelan ba mayroon sinagot si Venus ha?!" Apila ng mga kaklase nito.

"Hoyy, kahit tumalon ka man diyan hindi ka papansinin ni Venus hanggang tingin ka lang pre!" pasigaw nang isa pang lalaki.

"Venus ko, Oh Dyosa kong Venus kung mararapatin ay ako'y iyong mahalin".

Habang nglalakad si Venus patungo sa kanilang classroom ay dinumug siya ng kanyang mga kaklase.

" Venus, may magpapakamatay na naman, ano ba yan ika ilan na ba yan listahan sa mga lalaking nahihibang sa'yo" sabi ni Ashley kaibigan ni Venus.

"Oo nga eh, nakakapagod na kelan ba ko nila tatan-tanan lintik na mga lalaki to oh" sumimangot si Venus sabay palabas patungo sa rooftop.

"Venus, smile naman jan" at napalibutan na siya ng camera

Flash. Flash. Flash.

Sawang sawa na siya sa atensyon nila wala na siyang privacy, ultimo freedom sa pagbukas ng bibig niya kung kakain siya may kumukuha ng picture. Kulang nalang pati paghinga niya ay minu-monitor.

"Aiiiishhhh, kung alam ko lang nag artista nalang sana ako makakapera pako, hmm pero lalo namam gugulo buhay ko. Naku! Wag na nga."

Sa paglalakad niya ay may nahagip ang kanyang mata, first time to para sa kanya dahil ito ang kauna unahang lalaki na hindi man lang tumingin sa kanya o i-meet ang gaze niya. Nakayuko lang ito dala niyang ang libro nagbabasa na para bang walang nangyayaring kagaguhan sa rooftop.

Napaisip si Venus, "Hmm, sino siya at anong section to, hindi ko yata siya kilala pero infairness gwapo siya. Hindi ba kaya transferee student to. Ay malay tatanungin ko si Ashley mamaya."

Ilang oras ang ngdaan at napababa ng Principal nila ang estudyante at nagbantang isuspende ang sinomang sumunod sa yapak nito.

"Hayyy, Alls well that ends well" sambit ni Ashley.

"Naku magpasalamat ka Vee at umakyat ang Principal dahil dudumugin na naman tayo nang fans club mong ayy ang lupet! HAHA"

"Para kang ano, simula pa noong bata tayo diba ganito naman palagi nakakasawa na nga eh." sagot naman ni Venus.

"Ash, may tanong ako, kilala mo ba yung lalaki matangkad siya tapos naka glasses parang half blood ata, foreigner ang datingan eh, na nakasuot  pa ng black na bonnet?"

"Hhmm gwapo ba? Maangas ang effect? May piercing na silver snake? tanong ni Ashley.

" Oo, I think siya yun"

"Ano ka ba naman Vee, si Marius yun napaka cool niya at super gwapo masungit nga lang at halos di kumikibo HAHA siya ang leader ng Seven Silver at sikat siyang car racer."

"Wow, as in ganoon siya, na ku-curious ako sa kanya" napangiti sabi ni Venus.

"Aba-aba ano to ngayon ka lang yata nagtanong sa'kin tungkol sa lalaki ah, si Marius pa hoyyy wag pagpapaganda kasi ang atopagin mo, palagi kang na stuck sa bahay niyo gumagawa ng kung anong chu chu fitness mu jan, labas labas ka din pag may time".

" Oo na sige na nga Ash, may alam ka bang racing circuit diyan punta tayo minsan". Palambing na ani ni Venus.

"Pasaway to oh, ok fine punta tayo sa Stallion Circuit doon, tumatambay ang Seven Silver."

"Yes!!! Kaya nga kaibigan kita Ash mwaa mwaa" gigil na sagot ni Venus.


V for Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon