Chasing Cars

31 4 0
                                    


Stallion Circuit

"Glenn, paki check kong ok na yung engine aarangkada nako mamaya" sabi ni Marius.

"Ang swerte natin kumpleto ang Seven Silver, nandito pa si King Marius at ang kanyang right hand si Lord Glenn kyaaa kyaaa boys love boys love yaoi!" Sigaw ng mga fans nila.

Napupuno talaga ang arena kapag nandiyan ang leader nila na si Marius ang number 1 car racer ng bansa sa murang edad ay nakapag compete na ito sa international cup at world cup, anak din siya ng isang Mafia Boss kaya lahat takot sa Seven Silver. Kasama ang bestfriend niyang si Glenn isang sikat na modelo pero magaling na hacker at engine expert kung mgsama sila ay parang dream duo.

"Marius, halika nga punasan ko muna yang likod mo, baka magkasakit ka niyan."

"Kyaaa, ano raw? Bakit parang ang ganda nila tingnan. Super maalagin talaga si Glenn-sama, kaya nga love ko siya eh" daing ng isang fan niya.

"Glenn, ano ba, ako na" padabog na nagpunas nang mukha si Marius.

"Waaah team Marius pa rin ako L-O-V-E Marius gwapooo moo!!!" Sigaw nang isa pang babaeng fan.

Papasok si Venus sa arena at rinig na rinig niyang ang hiyawan ng kababaihan.

"Vee, nadala mu ba yung ear plugs mo? Parang nabibingi nako dito" maarteng tanong ni Ashley.

"Ash tara na, mgsisimula na ang race eh, doon tayo sa unahan"

"Ayy diosmio kung sumalpok at tumilapon ang sasakyan, tayo ang unang ma chuchugi diyan umatras tayo ng kunti Vee ayaw ko pang mamatay sayang ang magiging anak ko at apo ko no"

"Support ka naman besh ano ba"

"Oo na, oo na diyan na nga" sang-ayon ni Ashley.

Nagsimula na ang race, at lahat ng sumaling sasakyan ay parang speed of light ang biyahe lalo na kang Marius na para bang lumilipad ang bilis.

"Ohhh nooo Ash, ang galing niya bilib na talaga ako sa kanya!"

"Vee, ngayon mo pa lang pala siya nakita nag race no, gusto mung malapitan itulak kaya kita diyan"

"Hoyy, gaga huwag! Para tong sira oh, " HAHA tawang - tawa si Vee ng di niya namalayan ay nasa tapat ng railing na pala ang kamay niya at sa di inaasahang pangyayari ay nahulog nga siya sa barricade.

"OMmmmmmmggggg!!!
Tulong!!"

Napatigil ang race bigla dahil may babae nahulog sa barricade lahat ng camera , videos, cellphones at kung anu-ano pa ay napatutok sa insidente. Akma namang liliko na si Marius para sa kanyang last lap, at nadatnan niya may nakahandusay sa daanan, agad niyang tinapakan ang break sa buong
makakaya niya. Umuusok ang gulong at nagulantang ang buong audience akala nila patay na ang babae na tila ba nahimatay sa kahihiyan.

"Earth, open up & swallow me whole"

Bumaba si Marius sa sasakyan tinanggal ang helmet at galit napasigaw. "Nababaliw ka na ba?!! Kung gusto mu mamatay, wag dito wag kang mandamay!"

"Nababaliw nako dahil sayo" mahinang bigkas ni Venus.

"Anooo??!"

Napakapit si Venus, napatanto siya sa sarili "Buhay pa ba ko, kung nasa langit nako, pakisabi kang Marius, I like you". At daling nawalan ng ulirat ang babaeng nakahandusay sa daan.

Hindi aakalin ni Venus Valentine na sa kanyang 17 years of existence na manhater na katulad niya ay mag coconfess siya sa lalaking gusto niya via national tv. At yun ang mitsa ng lahat.

V for Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon