Gabble, Gamble

23 3 0
                                    


St. Vianney Academy

Ilang araw na lumipas matapos ang nakakagigimbal na rebelasyon. Pebrero na at malapit na ang araw ng mga puso. Si Venus napatulala habang naka-upo sa silya.

"Mama, I'm in love with a ... ( hindi nga criminal, gay naman aiiish) " iritang kanta ni Venus.

"Vee, tayo na uwi na tayo, teka maiba nga ko kumusta na ang puso natin ha, si Marius malapit nang Valentines anong plano mo?"

Excited na halos mapatalon si Venus, sabay sabi "Ash, kami na ni Marius!!!" Tiling tili at kilig na kilig pa eto.

"Weh, di nga? Walang kupas ka talaga victory for Ms. Valentine" pagko-congrats ni Ashley.

At the back of Venus mind, nako ha heavy ng effort ko kang Marius kung hindi ko pa siya blinack mail na isisiwalat ko sa kanyang pamilya at sa paaralan ang serkerto ay hindi yun papayag sa dating trial period namin. Nagbabasakali lang naman ako na mapabago ang nararamdaman nang irog ko baka ito na ang susi para maging tunay siya na lalaki at mahalin niya ko ng tapat. Wala naman talaga akong balak na ishare yun no, pero my back up voice recording ako kung hindi tutupad si Marius may pa threat-threat pakong nalalaman.

"Hayyy, oh siya aalis nako ngmamadali ako Ash, pupunta pa kami ni Marius sa doctor".

" Wow Vee! Bilis niyo may nabuo na agad?!!"

"Loka! Hindi sasamahan ko lang siya baka may sakit siguro nag aalala nga ako eh."

===

Sinclair Medical Institute

"Marius, anong nangyari? kinabahan naman ako sa text mo sakin kanina"

"Vee, handa nako" nangangambang tugon nito.

"Handa, ano? Para saan? Nasaan bang mga doctor dito?!"

"Vee, listen hindi ko na talagang kayang pigilan.."

"Mag hunus dili ka Marius, eto ba talaga ang epekto ko sa mga kalalakihan, wag ka naman sanang magpakamatay Marius, mahal na mahal kita!"

"Ayy gaga, lokaret ka talaga Vee!" Humagikigik si Marius nang sobrang lakas.

"Walang epekto sakin ang kamandag mo Venus, nagpasama ako sayo dahil I trust you at ikaw ang kukunin kong modelo para sa magiging mukha ko."

"Anoooo?!! " di maintindihan ni Venus ang nangyayari.

"Kasi nga, mag papa sex change nako at magpapa retoke ako katulad nang mukha mo tingin ko yan kasi ang bentang benta na mukha para mahalina ang mga bibiboys at si Gorgeous Glenn ko"

"Gusto mo bang masapak, pano na yung deal natin?!"

"Vee, accept the truth hindi mo nako mababago, si Glenn talaga ang mahal ko buong puso't kaluluwa. Siya lang ang para sa'kin kaya nga ipu-push ko na ang plano ko bahala na kong itakwil ako nang sambayanan."

"Mariuuuussss ..."

"Vee, tama na tanggapin mo na "

"Huhuhu akala ko pa naman may kong anong sakit ka na, at may taning ng buhay mo kinakabahan pako ng sobra, pinapunta mo lang ako dito para maging modelo mo, ang sama mo Marius huhuhu"

"Gusto kita Vee bilang kaibigan ko at parang kakambal ko bongga kong magkamukha na tayo diba? Sisssteeers!"

"Samahan, mo kong maglasing ayoko na! I give up susuportahan na kita kay Glenn huhuhuhu"

"Yesssss, yessss! Salamat Vee, sabi ko na nga ba maiintindihan mo rin, you're a smart beautiful woman masasayang ka lang sakin. " biglang yakap ni Marius kay Venus sabay pitik ng ilong nito.

V for Miss ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon