Chapter 5

2.1K 64 1
                                    

Chapter 5

Believing


The instructor told us to group ourselves into two for the museum hopping here in NY. Kaagad akong tumayo upang pumunta sa kinalalagyan ni Leigh upang siya ang aking makagrupo sa activity na ito. I smiled widely, hurting my cheeks, looking down at her. Tumaas ang isang kilay niya. She purse her lips, annoyed or maybe not annoyed. She always has this kind of look, I'll-murder-you-stay-away face.

Magsasalita na sana ako nang itaas ni Leigh ang kamay. Pinukaw niya ang atensyon ng instructor.

"Yes, Ms. Alegre?" the instructor mumbled.

"I am going to work individual. Is it not allowed?" she questioned.

I looked at the instructor and Leigh, tinatantya ang sagot niya kung papayag pa siya o hindi? Syempre, deep inside, I wanted the instructor to say na hindi pwede. Na kailangan dalawa kayo. Kasi nga you need analyze the arts as one. I am finger-crossing, seriously. I wanted to spend a day with Leigh Alegre. Even it is about glowering, raising her eyebrow, pursing her pair, and non-stopped resting-bitch look. I'd like that to happen though.

"I am sorry about your request, Ms. Alegre. You need to work as one in this activity," mahinahong ani ng instructor, sabay tingin sa buong klase. "Any question?" Natahimik ang buong klase. Nanatili ako sa aking pwesto. "I take silence as no." Inayos niya ang ilang sketchpad sa kanyang mesa. "The class is done for now."

The class mumbled something like thank you and goodbyes to the instructor. Tinignan ko ulit si Leigh nang makalabas ng kwarto ang instructor. "Tayo na lang magka-grupo, please, Leigh Scarlett? Please?" Pinagdaop ko ang aking palad. Ginandahan ang mata ko para lang mapapayag siya.

Ngunit hindi naman niya 'ko pinapansin at nililigpit lang ang sketchpad niya kasabay ng journal niya. Ni isang tingin din niya binayadan. Napanguso ako at nilagay ang kamay ko sa kanyang mesa upang pukawin ang atensyon niya. I almost jumped at my place when she scathed glare toward me. Muntik na 'ko mapatawa sa binigay niya sa akin.

"No. Ayoko. Find someone else," aniya.

"Bakit? Mabait naman ako, a," subok ko, mapapayag siya.

"Ayoko sa mabait," she uttered.

"Promise, hindi ako magkukulit!" Tinaas ko ang aking kanang kamay. "Promise, I'll be good. And I will try not to talk and ask you...Just be my partner. Puh-please?" May minata si Leigh sa aking likod ngunit hindi ko naman pinansin. "I will try to zip my mouth if it not needed. Magsasalita lang ako kapag gusto mo. Ayoko sa iba, e, gusto ko sa'yo. Parehas naman tayong may dugong Pilipino, e. Sino pa ba magtutulungan, tayo-tayo--"

Napatigil ako at napakagat ng labi nang itaas ni Leigh ang kamay. Tinapat niya ang palad sa aking mukha. I acted like I zipped my mouth in front of her. Siningkitan niya na lamang ako ng mata at tumayo na.

"Don't be late. Seven sharp. Meet me at the Fifth Avenue," were the only words she said. Napaawang ako ng bibig nang mapagtantong hindi ko alam kung saan exact place. Kasi Fifth Avenue lamang ang sinabi niya.

I chuckled, shaking my head.

You, little stubborn woman, Leigh Alegre!

Hindi ko na siya nahabol dahil natuwa na lamang ako sa nangyari. Inayos ko na lamang ng ngiting-ngiti ang gamit ko sa mesa. My table is a mess, but I don't really care, cleaning my waste. I am glad, knowing I could really spend a day with Leigh. I will try my best not to be stupid to her standard. I will try not to intervene her as much I want to. I will just stay with her, beside her.

Hooked (ML, #2.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon