Oneshot.

1.4K 64 47
                                    

Ex.
Oneshot.

--

"Nakakainis ka na talaga, SeulBear! Ang landi landi mo! Bakit ha? Hindi pa ba ako sapat?! Maganda naman ako- Sexy pa! Kinulang lang ako sa height pero maganda pa din ako!"
Sigaw ni Irene sa kasintahan nya na si Seulgi.

Kumunot naman ang noo 'ni Seulgi, "Huh? Hindi naman ako lumalandi, ah." Sabi ni Seulgi.

Naiinis na kinurot naman sya ni Irene sa tagiliran kaya napangiwi sya.

"Ewan 'ko sa iyo! Anong hindi? Hindi mo lang napapansin pero tuwing nilalapitan ka ng mga babae na iyon, Nilalandi ka nila! Ikaw naman, Ineentertain mo pa!" Sabi ni Irene.

Napatawa naman si Seulgi na nawawala ang mga mata. "Kasalanan ko bang habulin ako?" Pagmamayabang ng Oso.

Sumingkit naman ang mata ni Irene at pinagpapalo si Seulgi. "Habulin ka talaga ng Palo! Sapakin kita dyan, eh!" Sabi ni Irene kaya napakamot nalang sa ulo si Seulgi.

--

"Seul, Samahan mo ako sa CR." Sabi ni Irene kay Seulgi na nagcecellphone.

Tumango naman si Seulgi at tumayo. Magkasabay silang pumunta ni Irene sa CR habang nakaakbay sya kay Irene.

"Hi, Seulgi." Kinikilig na sabi nung mga babaeng nadadaanan nila kaya naman nakakunot na naman ang noo ni Irene.

"Hello," Nakangiting ganti naman ni Seulgi kaya hinatak agad sya ni Irene papalayo.

"Hindi mo ba talaga sila pwedeng hindi pansinin?! Lahat nalang ng lumalandi sayo, Pinapansin mo. Kaya tuloy lapit sila ng lapit sa'yo?" Sabi ni Irene.

Napakamot naman sa ulo si Seulgi,
"Hindi pwede yun, Babe. Sabihin nila snobber ako." Sabi naman ng Oso.

"Nakakasawa na kasi, Seulgi!" Sabi ni Irene at tinignan sa mata si Seulgi."Mabuti pa, Magbreak nalang tayo." Sabi ni Irene.

Nagulat si Seulgi pero nagsalita din agad,
"Mabuti pa nga. Sige. Magbreak na tayo. Babalik nalang ako sa Ex ko." Sabi ni Seulgi.

Parang nabingi si Irene sa narinig. Iniisip nya na bawiin ang sinabi nya ngunit huli na ang lahat. Mukhang nagustuhan ni Seulgi ang sinabi nya.

Babalik nalang ako sa Ex 'ko.

Ex | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon