Nung dumating siya sa lokal namin hindi kami masyadong nag ngingitian at nag~uusap kasi nga hindi pa kami masyadong close kasi kararating lang nila. Makalipas ang ilang linggo medyo nag~uusap na kami at nagngingitian na rin kami. Parang unti unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya at pakiramdam ko ganun din siya sa akin hanggang sa dumating yung pagkakataon na nalaman niya na may gusto na ako sa kanya, siya naman parang wala lang sa kanya. Pero nararamdaman ko na may gusto rin siya sa akin. Minsan nagkakatext kami tungkol sa mga aktibidad, syempre kahit ganun kinikilig ako at umaasang kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya ganun din siya ang nararamdaman niya sa akin. Hanggang dumating yung pagkakataon na magkatext kami at doon niya sinabi na gusto niya rin ako syempre ako tuwang tuwa na kilig na kilig because the feeling is mutual. Hindi pa niya akong pwedeng ligawan kasi nag~aaral pa kami at higit sa lahat binhi palang ako pero malapit na akong magkadiwa. Napapadalas na yung pagkukukwentuhan namin sa cellphone (Pero walang kami)sakit noh? ok lang naman kasi bata pa naman kami. Minsan naiinis ako sa mga babaeng lapit ng lapit sa kanya pero wala akong magawa kasi walang kami iniisip ko nalang na sa akin pa rin siya . Pero nung malaman ko na may nag~iintay pala sa kanya sobra akong nalungkot umiyak ako nang umiyak kasi akala ko ako lang akala ko wala nang iba pero nagkamali pala ako. Simula nun hindi ko na siya masyadong kinakausap kasi sobra akong nasaktan. Makalipas ang ilang araw ok na ulit hindi ko kasi siya matiis eh . Lumipas ang mga linggo at buwan na umaasa pa rin ako sa kanya tapos isang araw tinanong ko siya ako pa ba? ang sagot niya pagdikitin mo yung dalawang piso ibig sabihin oo pero may nag~aantay sa kanya aasa pa ba ako?
Gusto ko lang po na malaman ang inyong mga sagot
~JRDF
- Ka Franklin ❤