Sa bawat araw na ika'y nakikita
Puno ng galak ang nadarama
Bawat sandali ay hindi palalampasin
Pag-ibig kong wagas iyong damhin!
Ikaw ang pinakapaboritong kong tula
May dampi ng pagmamahal ang bawat salita.
May saysay ang bawat indayog ng letra
Ikaw ang bumihag sa puso kong makata.
Sayo nagkakulay ang mundo ko
Araw araw ikaw ang bumubuo
Nagbibigay lakas at inspirasyon sa puso
Kaya't ito tandaan mo pagmamahal ko sa'yo ay totoo
Ang pagmamahal ko sa'yo ay hindi nabibilang na parang patak ng ulan
Malakas na parang alon ng karagatan
Basta't ito lamang ang iyong tatandaan
Ikaw na sinta, hinding hindi kita iiwan.
-TwinAte<3
BINABASA MO ANG
Touch Of Love
PoetryMga tulang magpapahiwatig, magpapasabik, at magpapalungkot sa inyo sa larangan ng pag-ibig