Sa aking paglisan
Dala ko'y pusong sugatan
Kasama ang alaala ng ating kahapon
Na magsisilbing isang masakit na nakaraan
Salamat mahal at sa aking paglisa'y may baon na dala
Alaalang iniwa'y puno ng pag-asa
Na balang araw ay makikita ang lalaking tinadhana
Na sa aki'y magpapasaya
Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa
Ngunit salamat at iyong ipinadama,
Na ako'y isang kayamanan
Na dapat alagaan
Ngunit lahat ay may hangganan
Nakakalungkot at isa tayo dun
Pero sanay hindi kalimutan
Ang pagmamahal ko sayong pangmatagalan
Upang di mawalang saysay
Ang pagmamahal kong inalay
Sa taong minsa'y inakala kong akin
Na siyang nang-iwan sakin
At aking mahal sa huling pagkakataon
Aking sasabihin na mahal kita, iyo sanang tanggapin
At wag sanang kalilimutan, ang alaala natin
Sapagkat tayo'y hanggang dito na lang
At aking sasabihin ang mga katagang " Paalam Aking Mahal"
[A/N: Sana po nagustuhan niyo. Hindi ko po alam kung maganda ba o pangit ang gawa ko pero sana po naaappreciate niyo po siya]