Dear Bestfriend, I Love You

115 21 1
                                    

[Kyosang Author's Note:
Hi ulit! Bagong series naman 'to. Naisali ko siya sa contest at nanalong 1st Place sa facebook page ng "Wattpad Fallen 101" :) So ayon! Hope you enjoy reading this :">]

Marcus’ POV

“Kumain ka na ba? Pwede ka namang umuwi na eh. Maiintindihan niya naman kung hindi mo siya dadalawin.” Tumingin ako sa kaniya. Nakikita ko ang pag-aalala mula sa kaniyang mga mata.

“Ayos lang po ako, Tita.” Sambit ko. Ibinalik ko ang aking paningin sa kaniyang puntod  sabay ang paghimas dito. “Ang dami ko hong pagkukulang sa kaniya. Kaya dapat lang po sa akin ‘to.”

“Ikaw ang bahala, iho. Mauuna na ako sa‘yo.” May pag-aalalang sambit niya. Bago siya umalis ay hinimas na muna niya ang likod ko at saka tinapik ito. “Mag-iingat ka sa pag-uwi.”

Tango na lang ang naisagot ko kay Tita Sarah. Sa ngayon kasi, walang salita ang gustong kumawala sa bibig ko. Labis akong nahihirapan. Labis akong nasasaktan.

Tinitigan kong muli ang kaniyang puntod, “Sayang, Samantha. Ni hindi man lang natin nasulit ‘yong natitirang araw mo.”

Pinunasan ko agad ang nagbabadyang luha na malapit ng tumulo.

“Samantha, hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi sa lahat-lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa‘yo. Naturingan mo pa ‘kong bestfriend pero, wala ako sa tabi mo n‘ong nahihirapan ka sa sakit mo.” Maya-maya, ang pinipigilan kong luha, ay tuluyan nang bumagsak. “Pagkatapos, malalaman ko na lang na ako pala ang dahilan kung bakit nangyari sa‘yo ‘to.”

Masakit, masakit na malamang wala ka na. ‘Yong wala nang mang-aasar sa akin o di kaya, mangangaral kapag may nagagawa akong mali. Wala na ‘yong taong laging nakikinig sa akin kapag may problema ako. Wala na ‘yong taong dadamayan ako palaga sa kalokohan ko. Alam mo kung bakit? Kasi wala ka na.

Inilapag ko na ng tuluyan ang hawak kong bulaklak sa tabi ng puntod niya. Bago ako umalis, tumitig muna ako saglit.

R.I.P
Samantharine B. Perez
April 18, 1997 - February 14, 2017

Pinunasan ko na ang luha ko. Inihakbang ko na ang aking mga paa para makaalis na sa lugar na ‘yon. Pupunta pa ‘ko sa bahay nina Tita Sarah—ang nanay ni Samantha— para kunin ang dapat sana‘y ibibigay sa akin ni Sam bago ako umalis sa amin.

Mula pagkabata, matalik na kaibigan ko na siya. Paano? Paano nga ba? Hindi ko na mataandaan ‘yon. Siguro dahil na rin sa halu-halong emosyong nararamdaman ko kaya hindi ko na maisip kung paano ko nga ba siya nakilala.

Hindi sa akin sinabi ni Tita kung bakit at paanong nangyaring ako ang may kasalanan sa pagkamatay niya. Biglaan na lang kasing sumugod si Ate Sandy—ang ate ni Samantha— at saka ibinalitang nalagutan na siya ng hininga. Sinisisi sa akin ni Ate Sandy ang lahat. Nagbitiw rin siya ng masasakit na salita. Hindi ako makagalaw noon. Kahit na itanggi kong wala akong kinalaman kung bakit siya namatay, tinanggap ko pa rin ang bintang sa akin ng ate niya. Na ako ang dahilan kung bakit namatay si Samantha.

Nang narating ko na ang bahay nila, agad din naman akong pumasok. “Nandoon sa itaas ang mga gamit niya.”

Sinunod ko ang direksyong sinabi ni Tita Sarah. Umakyat ako at saka nakita ang dalawang pintuan. Pumasok ako sa kwarto ni Samantha. Nang mabuksan ko ito, tumambad sa akin ang tahimik at malinis na paligid sa loob ng kwarto niya. Kahit pala ngayong college students na kami, hindi pa rin siya pumapalya sa pagiging masinop sa kaniyang mga gamit.

The Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon