Information:
Won 4th place over 23 contestants on one of the One Shot Writing Contest, "BLUE'S ONE SHOT WRITING CONTEST" made by Ms. BlueRain_02 and her judges.Genre: Science Fiction / General Fiction
♦♦♦
Marvin's POV
November 11, 2016 9:37am
There's someone knocked on my door. Bumangon ako sa hinihigaan ko at hinanap ang mga sapin ko sa paa sa may ilalim ng kamang kasalukuyan kong hinihigaan. Mapapansin mo sa 'kin ang pagiging tamad ko sa pagtayo.
Lumabas ako ng kwarto kong ubod ng dumi, halos mamahayan na ng mga gagamba ang kisame ko. Hindi na 'ko nakakapaglinis. Dumiretso ako sa banyo para makapaghilamos. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at sinuri ang aking hitsura. Ilang buwan na ba akong hindi nag-aahit o nagpapagupit? Kumakapal na rin kasi ang bigote at balbas ko sa mukha.
Nang matapos ako sa banyo, tumungo naman ako sa front door ng aking bahay dahil kanina pa ako naririndi sa katok ng hampaslupang kung sinuman 'yon.
"U-Uhh... h-hello, Sir! Good Morning!" Bati sa 'kin ng binatang nasa harapan ko. Sa tingin ko, nasa edad na diesi-nwebe na siya.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa walang emosyong tono.
"Uhh... Ehh.. M-May ibibigay lang po sana ako sa inyo." May kinuha siya sa kaniyang shoulder bag saka may inilabas na papel.
"Ano 'yan?" Walang gana kong tanong.
"Authorization Slip po, S-Sir. Galing po iyan sa katapat ninyong bahay. S-Sinasabi po dyan na—"
"Alam ko, kaya makakaalis ka na." Pagsusungit ko saka pabagsak kong isinarado ang pintuan ko.
Nakasaad sa sulating iyon na pinapatanggal na sa akin ang bodega ko sa kadahilanang patatayuan ito ng bagong bahay.
Pinunit ko na lamang ang papel na iyon at saka itinapon sa trashbin. Dumaan ako sa back door ng bahay ko, doon na lamang ako lalabas. Bago ko pa man tuluyang maihakbang ang aking paa palabas, may napansin akong litrato sa sahig. Pinulot ko ito at saka tinitigan nang pagkatagal-tagal.
Namimiss ko na sila, namimiss ko na ang pamilya ko.
Buong buhay ko inilaan ko sa kanila, sila ang nagsisilbing mundo ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap, ang sakit-sakit. Naging miserable na ang buhay ko. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala nila. Naging patapon na 'ko..
Sina Papa, Mama, Si Sunny na aking asawa, at sina Joshua at Jaquiline na mga anak ko. Sila ang buhay ko....
Parang nu'ng isang araw lang, masaya kaming pamilya na nakasakay sa nirentahan naming van. Nagkakantahan pa nga kami ng pamilya ko. Hanggang sa... hangang sa...
Wala na...
Naramdaman ko ang nagbabadyang luha mula sa aking mga mata. Ipinatong ko sa cabinet ang litratong iyon saka tuluyang lumabas sa back door at nagtungo sa aking bodega.
Matagal na silang wala, at dapat matagal ko na rin 'yon tinanggap. Pero bakit ang hirap?
Iniligpit ko na ang mga gamit doon. Sino ba ako para hindi payagan ang hinihiling nilang pagpapagiba sa bodega ko? Ako lang naman ang may-ari sa lupang 'to. Ngunit dahil sa wala akong trabaho at naubos ko na halos lahat ng pera ko sa bangko, napagpasyahan ko na lamang na paupahan itong lupa ng bodega ko para at least, mayroon akong extra income. Sapat na iyon sa pang araw-araw kong pagkain.