[K/N]
Isinali ko naman ito sa isa sa activity ng WPU. 'Yong mga characters dito, mga kakilala at mga kaibigan ko sa facebook group na iyon.******
“S'ya na ba 'yan, Jona? Si Kira na ba 'yan?”
“Oo, Kim. Siya nga 'yan.”
“Hindi ko inaakalang may gana pa palang bumalik ang babaeng 'yan dito. Baka tayo na ang isunod niyan?”
Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang sila kung makapagsalita at tumingin sa'kin. Nakalipas na ang halos isang taon ay hindi pa rin ba nila nakakalimutan ang mga nangyari? Akala ba nila, naging madali ang lahat sa'kin?
“Hayaan mo na sila, Kira. Wala silang alam sa mga nangyari.”
Iyan parati ang sinasabi sa akin ng matalik kong kaibigan na si Henry. Siya na lang ang natitirang kaibigan ko, iilan na lang silang natitira. Ang halos lahat ay iniwanan ako't hinuhusgahan.
“Alam mo naman, 'di ba?” Naluluha kong tanong nang maupo kami sa isa sa mga benches dito sa Campus. “Alam mo naman na hindi ko ginusto ang maging ganito.”
Tumango siya't hinagod ang aking likod. Sumandal ako sa kaniyang dibdib at doon humagugol.
“Ang landi!”
Nand'yaan ang mga dati kong kaibigan, hindi ko maiwasang makarinig ng gano'n. Ano bang masama? Masama na bang humingi ng karamay gayong isa si Henry sa natitira kong kaibigan?
Halos mag-iisang taon na matapos nang nangyaring aksidente. Pilit akong inaakusahan ng mga schoolmates kong mamamatay tao. Hindi ako mamamatay tao! Alam ko sa sarili kong ginawa ko ang best ko para mailigtas sila! Ang akala ko, magagamit ko sa maayos ang kakayahan ko pero nagkamali yata ako.
Pilit ko noong itinataboy sa ospital si Henry dahil ayokong pati siya ay mawala't mamatay. Sa tuwing dumidikit ako sa mga mahal ko sa buhay, napapahamak sila't namamatay. Ayokong pati kay Henry ay mangyari 'yon.
Nang makuntento'y bumangon ako mula sa pagkakasandal sa kaniya't hindi sinasadyang mapatingin sa kaniyang mga mata.
Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang nakikita ang mga mata ng isang tao. Doon ko kasi nakikita kung paano sila mamamatay. Hindi ko sinasadyang tignan ang mga mata ni Henry. Hinigop ako ng hinaharap at ipinakita no'n sa akin kung paano mamamatay ang nag-iisa kong matalik na kaibigan. Ang kamatayan ni Henry.
Bigla kong naitulak si Henry. Mulat na mulat ang aking mga mata at ramdam ko ang pagdaloy ng aking luha sa pisngi ko.
“K-Kira, what's wrong?”
Hinihingal ako matapos kong makita lahat. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e!
“Henry.”
“Oh, Kenneth.”
“Hinahanap ka ni Trisha. Ang kulit ng girlfriend mo, P're! Sa'min ka hinahanap nang hinahanap.”
Napabuntong hininga si Henry. Napatingin ako sa kaniya at sa kadarating lang na mga ka-basketball team niya.
“Oh! Bakit ka umiiyak, Kira?”
Agad kong pinunasan ang luha ko't ngumiti lang sa nagtanong na si Jane.
“Tol, may practice tayo ngayong 4 pm,” anunsyo ni Angelo kaya gulat akong napatingin sa kaniya. No! Hindi siya pwedeng sumama.
“Ay, oo nga pala.” Bumaling ang nag-aalalang hitsura ni Henry sa'kin. “Kira, ayos ka lang ba? Aalis na kasi ako. Wala pa ba si Eya para samahan ka sa library?”
Paulit-ulit akong umiiling. Halata ko sa hitsura niya ang pagtataka. “Hindi. Hindi ka p'wedeng pumunta.”
“Ano banh pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan,” nakakunot ang noong aniya.