Chapter #1 ~One Less Lonely Girl~

607 14 2
                                    

This one is dedicated to you...

"Oh My God!!! I am so excited for Valentines day. Isipin mo girl isang Peter Ruess lang naman ang ka-date ko!!!!" Sabi nung isang babae.

"I know right. but think of it this way Christine, Isang Chad Dela Victoria lang naman ang ka-date ko sa prom." Sabi pa nung isa.

"Wala kayo sakin. Hindi ko lang siya ka-date. Nililigawan niya na ako at sooner or later sasagutin ko na siya!" Pagmamayabang nung isa.

"At sino naman yun??!!" Sabay ng dalawang babae.

"Si Harry De Vera!" 

"Whaat?!!" Sabay sigaw ng dalawang babae.

Ito ang narinig ni Beatriz Gonzalez or Bea for short. Pasimple lang siyang naglalakad sa campus papunta sa kanyang locker ng napahinto siya sa mga nagsisigawang 4th Year highschool girls na pawang pinagmamayabang ang ka-date nila ngayong Valentines day.

Beatriz Gonzales or Bea:

  Isang simpleng 2nd year highschool student. Ang walang inaatupag sa buhay kundi ang mag-focus sa kanyang mga pinag-aralan. May brace. palaging naka-brade ang buhok. morena. mahiyain. Hindi mahilig sa sports kaya naman wala siyang extra corricular points, dun nalang siya bumabawi sa academics and deportments. Inaasar ng mga kaklase niya. Nauso na nga ang katagang "Hindi yan si Beatriz Gonzalez kung hindi siya nagdadala ng libro. Kahit sa pag-CR kasama niya ito."  Ito ang palaging inaasar ng kanyang mga kakalase kasi yun naman talaga ang totoo ayaw niyang bumitaw sa mga libro niya.

Pumunta siya sa kanyang locker para ilagay ang iba niyang mga kagamitan doon at pagkatapos nun ay dumeretso na siya sa classroom, pagpasok niya doon ay bigla siyang nadulas at tumingin siya sa likuran niya, ang dahilan pala ng pagkadulas niya ay ang balat ng saging. Hindi muna siya tumayo. Tinignan niya muna ang kanyang mga kaklase na tumatawa. Iiyak na sana siya pero pilit niya itong pinigilan kaya tumakbo siya palabas ng room.

Si Joshua Domingo, isa sa mga kinatagang "Campus Royalty" sa kanilang eskwelahan. Sa kabila ng pagka-cold niya ay may malambot din itong puso. Madali lang siyang maawa. Nakita niya yung incidente sa nangyari kay Bea. Na-guilty siya dahil siya ang Vice President sa classroom ngunit wala man lang siyang ginawa para pigilin ang kalokahan ng kanyang mga kaklase.

"Ang tanga kasi nadulas tuloy! hahahaha!!!!" Sabi ng isa niyang kaklase.

Hindi na napigilan ni Joshua ang kanyang sarili sumigaw nalang ito ng. "Tumahimik nga kayo! Kung kayo rin naman yung nasa posisyon niya masasaktan din naman kayo diba?" At tumahimik na nga ang buong klase. Umalis si Joshua, napagisipan niyang sundan si Bea para humingi ng tawad.

Pumunta si Bea sa banyo para ilabas lahat ng kanyang emosyon, aminin man niya o hindi, galit na galit siya sa kanyang mga kaklase kung pwede lang siyang lumipat ng ibang eskwelahan para makaiwas ng gulo ginawa na niya. Pero mahirap na kasi ayaw niyang biguin ang kanyang mga magulang na pinagkakatiwalaan siya sa isang mamahaling eskwelahan katulad ng Warren High.

Mga 7 minuto din nakapundo si Bea sa banyo patuloy ang kanyang pag-iyak hanggang sa tumingin siya sa kanyang relo at pagtingin niya dun ay 8:00 na kailangan niya ng pumasok para hindi siya mahuli sa english class niya. 

Paglabas niya ay pinunaspunasan niya ang mga luha niya nakabangga niya si Joshua.

"Bea, okay ka lang ba?" Joshua.

"Oo okay lang ako." Pinunasan niya ang kanyang natutulong luha at umalis. Pero, hinawakan ni Joshua ang kanyang kamay.

"Teka lang. Gusto ko lang sana humingi ng tawad para sa mga kaklase natin. Kasalanan ko nga to eh alam mo naman na absent yung class president natin pero hindi ko pinaninindigan yung pagka-vice president ko."

"Prank na naman ba to?"

"Hindi! Hindi to prank! Mas mabuti pa wag mo nalang silang pansinin okay?"

"Alam mo? Hindi naman ikaw yung dapat mag-sorry eh kasi wala ka namang kasalanan.*sob*  Pero okay na, pinapatawad ko na sila!" 

"Yes! Thank you Bea! Ang bait mo talaga!!" At  niyakap niya si Bea. Namula naman si Bea sa ginawa ni Joshua na pagyakap sa kanya. "Oh pano ba? Halika na! Baka mahuli pa tayo." Tumango naman si Bea at umalis na sila at bumalik sa klase.

Upon A Time It's A Valentine [Valentines Day Special NLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon