Chapter #3 ~Taking Her To The Prom~

339 14 4
                                    

6:30 AM

Napatingin si Bea sa salamin habang sinusuklayan siya ng kanyang ate na si Gabriella.

"Ate Ella, anong tingin mo sakin?" Bea.

"Anong ibig mong sabihin?" Gabriella.

"Anong tingin mo sakin? Maganda o hindi?"

"Maganda ka kasi kung sasabihin kong pangit ka magiging pangit din ako. Sabi kasi ni mama magkamukha daw tayo."

"Ate seryoso. Maganda ba talaga ako?"

"Oo na! Maganda ka! May mata ka naman siguro diba?"

"Kasi ate, May nagsabi kasi sakin na nagagandahan daw siya sakin nagtataka lang ako kung totoo ba yung sinasabi niya o sadyang nagbibiro lang talaga siya."

"Sino ba nagsabi sayo niyan? Si Andie yung pinsan natin?"

"Hindi! Si Joshua, Joshua Domingo"

"Oh My God!!" Napatayo naman si Gabriella sa gulat. " Seryoso? Joshua Domingo also known as the Campus Royalty in St. Agustine ang nagsabi sayo niyan?"

"Oo!"

"Haba ng hair mo girl! Tapos, tulaley ka na naman?"

"Sino ba naman ang hindi matutulala sa isang Joshua Domingo?"

"Hmp! Ikaw talaga! Alam mo, ang swerte mo kahit kailan!"

Napatigil naman si Bea nung narinig niya ang salitang 'swerte'. Swerte ba talaga siya? Swerte ba yung kahit wala kang ginagawa ayaw ka ng marami? Swerte ba yung swerte ka sa pamilya mo pero malas ka naman sa kaibigan? Swerte din ba yung kahit anong gawin mong mabuti binabaliwala nila? Pero sa kabila ng lahat ng iyon swerte pa din tayong lahat dahil kahit may kamalasang dumadating may swerte padin kasi nakakayanan natin ang mga pagsubok natin sa buhay.

Lunch Break (12:15PM)

Kumakain mag-isa si Bea sa canteen wala siyang katabi o kaharap kundi siya lang. Nagtataka din siya kung bakit kahit nagsiksikan na sa canteen ay wala paring tumatabi sa kanya.

Kumain lang ng kumain si Bea ng may nakita siyang lalake na palapit sa kanya na tumatakbo payuko at biglang kinuha ang bag sa tabi niya at tumakbo ulit.

"Uy! Magnanakaw! Magnanakaw!" Sumigaw si Bea ngunit walang pumapansin o tumulong sa kanya may iba na nakapansin pero tinawanan lang siya.

Walang magawa si Bea kaya siya nalang ang humabol sa magnanakaw alam naman niya na madali lang mahanap yun kasi estudyante din yun sa St. Agustine so isang sumbong lang niya sa principal solve na agad ang problema niya.

Hinabol ni Bea ang lalake, mabilis itong tumatakbo pumunta siya sa kanan kaya sinundan din ito ni Bea hanggang sa pumasok ito sa stock room. Sinundan lang ito ni Bea pero lumabas nalang ito sa stock room na walang dalang bag ni Bea, hindi nga niya naabutan yung lalakeng tumatakbo pero na-realize niya na walang dalang bag yung lalake nung tumakbo siya palabas ng stock room so may pag-asa na nandun lang sa stock room ang bag niya.

Pumasok sa stock room si Bea at nakita niya ang kanyang bag na nakalapag sa sahig. Pinulot niya ito at lalabas na sana siya pero may biglang sumirado sa pinto at ni-lock ito, walang ibang maisip si Bea sa may pakana ng lahat ng ito kundi yung lalakeng kumuha sa bag niya. Sumigaw si Bea ng tulong pero tila walang nakakarinig sa boses niya. Konti lang kasi ang dumadaan sa stock room kasi masikip ito. "Tulong! Tulungan niyo naman po ako dito. Hoy! Kung sino ka mang lalake ka ang nagkulong sakin dito, gusto ko lang malaman mo na hindi ako natatakot sayo! Kung papatayin mo naman ako ngayon din, humanda ka kasi ikaw ang una kong mumultuhin!" Sigaw ni Bea habang pinapalo yung pintuan.

"Psssssstttt!" May boses na narinig si Bea, nanginginig siya sa takot.

"S-sino yan?" Nanginginig na tanong ni Bea. "Hoy! Kung may problema kayo sakin, harapin niyo ako ngayon din! Wag niyo akong idaan sa takot!" Nangingilid na ang mga luha sa mata ni Bea."Kung sino man kayo, tigilan niyo na ako please! Hindi ko na kaya!!"

At bumuhos ang lahat ng mga luha ni Bea yumuko siya at dumapa sa sahig.

"Uy! Wag ka ng umiyak ako lang toh!" Tumingin si Bea sa lalakeng nagsasalita at nakita niya ang mukha ni Joshua.

"J-joshua? I-ikaw yun??" Nilapitan siya ni Joshua at tinulungan siya sa pagtayo.

"Oo ako lang ang nagplano nito all along. Pati yung lalakeng nagkukunwaring ninakaw ang bag mo, si Alex lang yun bestfriend ko! Kaya wag ka ng mag-alala, wala ka ng dapat ikatakot kasi ako lang talaga ang may pakana nito lahat. Sorry kung natakot kita."

"Pero bakit mo ginagawa lahat ng ito? Binubully mo ba ako?"

"Hindi! Hindi kita binubully!"

"Bakit mo nga ginagawa to lahat?"

"I just wanna ask you out..."

"Ask me out!!?? Anong kalokohan to Joshua?"

"Hindi kita niloloko at hindi din to joke. I'm serious okay? Totoo to lahat hindi to prank,joke, or kahit anong masasamang iniisip mo." Huminga muna ng malalim si Joshua at hinawakan ang dalawang kamay ni Bea. "Bea, I wanna ask you out on a date. Will you be my date for prom?"

"Date??" Ang hindi kapanipaniwalang tanong ni Bea.

"Again Bea, I'm serious. Ikaw ang gusto kong ka-date sa prom."

"Bakit ako? Hindi ka pa ba nakuntento sa sinasabi ng iba na pangit ako?"

"For how many times Bea, diba sinabi ko na sayo na maganda ka? Don't ever think na pangit ka Bea. And if your wondering kung bakit ikaw ang pinipili kong ka-date sa lahat ng mga babae dito, it's because your different! I see no one else but you, only you! Sa dinamidami ng babaeng nakilala ko, you stand out."

"Talaga?"

"Oo nga!"

"Okay!"

Lumaki ang mga mata ni Joshua sa mga narinig niyang sagot ni Bea. Tuwang-tuwa siya at ilang beses pa siyang nagpasalamat kay Bea sa pagpayag niya.

----

Habang naglalakad si Bea pauwi, sinalubong siya ng kanyang pinsan na si Andie.

"Couz! Mukhang ang saya mo nagyon ha?" Ika ni Andie.

"Wala!" Sagot ni Bea habang nakangiti.

"Denial effect ka pa! Sus! Kilalang-kilala na kita noh? Pero walang akong dapat ikabahala, alam ko naman kasing sasabihin mo din yan sooner or later!"

"Ewan ko sayo! Tabi nga nakahrang ka sa gate eh."

----

ABANGAN ANG NEW EXCITING CHAPTER TOMORROW! ANO KAYA ANG MANGYAYARI SA PROM NILA?

If you wanna see the picture of Bea & Joshua's stock room scene click external link---->

Upon A Time It's A Valentine [Valentines Day Special NLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon