1:30 na sa hapon at naghanda na lahat ng mga estudyante para sa science class lalong lalo na ay ngayon iaanounce kung sino ang nangunguna sa exam nila kahapon.
"Good Afternoon class!" Bati ni Ms. Camargo ang kanilang guro sa science.
"Good afternoon Miss!" Bati ng mga estudyante.
"Miss, sino po ba yung top sa exam kahapon?" Pangungulit na sabi ni Erine.
"Parang lahat kayo excited ha? Eh halos lahat nga kayo hindi pumasa maliban sa isa!"
"Huh??" Gulat na sabi ng mga estudyante.
"Gusto niyo ba malaman kung sino yung nakakuha ng 50/50 sa exam natinng kahapon?
Tumango lahat ng mga estudyante.
"Walang iba kundi si....... Beatriz Fernandez!!!"
Lumaki ang mata ni Bea sa kanyang narinig. Tumayo siya at kinuha ang kanyang test paper at totoo nga! Nakakuha siya ng 50/50 score at ang kasunod niya ay 39/50 lamang sobrang saya niya dahil sa pamamagitan nun ay makakabawi din siya.
Natapos na ang klase, huling lumabas si Bea at nakita niya ang kanyang mga kaklase na tumitingin sa kanya na parang gusto siyang patayin o siya mismo ang nakasala. "Anong ginawa ko sa mga toh?" ito ang ang mga salitang nasa isip niya sa panahong iyon.
Malapit na sana si Bea sa gate ng bigla niyang narinig ang boses ng kanilang principal sa speaker.
"Students of St. Agustine, please gather in the school grounds for some announcements!"
Napakamot ulo si Bea at agad ng pumunta sa school grounds, marami ng mga estudyante dun at medyo masikip kaya siniksik ni Bea ang kanyang sarili sa mga tao.
"Hi!" May narinig siyang pamilyar na boses ng lalake.
Tumingin muna si Bea sa lalakeng bumati sa kanya at nakita niya ang mala-anghel na mukha ni Joshua.
"Hello Joshua!"
May sasabihin na sana si Joshua ng biglang nagsalita ang kanilang principal sa gitna.
"Students, listen up please!" At tumahimik na lahat. "As we all know, malapit na ang valentines day. And I know all of you here are looking forward for prom right?"
"Yeeesssss!!!!!!" Sigaw ng mga estudyante.
"Students, quiet please! Okay so, this saturday na ang prom niyo so since today is monday kailangan niyo ng mag-handa para sa upcoming party niyo."
"Maam pwede po magdala ng date?" Tanong ng lalakeng hawak-hawak ang kamay ng girlfriend niya.
"Yes Of course! you can bring your dates but hindi namin kayo pinipilit. It's just optional okay? So see you at the prom and have a great day ahead students!"
Lahat ng mga estudyante nagbubulungan at may iba pang kinikilig.
"Hey Joshua, I just wanna let you know na kung nahihirapan ka pumili ng ka-date mo nandito naman ako!" Ika ng babaeng lumapit kay Joshua with a seductive voice.
"Umm... pag-iisipan ko muna!" Nauutal na sabi ni Joshua, pagkatapos nun ay ngumiti ang babae at umalis.
"So, you will ask her on a date?" Bea.
"Hindi noh! Ayoko yung mga higad na babaeng katulad niya! Bakit ikaw, may ka-date ka na ba?" Tanong ni Joshua.
"Wala akong ka-date dahil hindi din naman ako aatend sa prom."
"Ha? Hindi ka aatend sa prom!!?? Hindi naman ata pwede yun!"
"Ano namang gagawin ko dun? Alam mo, hindi bagay sakin yang mga prom, ball o kahit ano pa diyan kasi ako, simple lang ayoko yung mga bongga- bonggahang mga party! At kung pupunta naman ako dun, pagtatawanan lang nila ako kasi nga pangit ako tingn-" Biglang naputol ang pagsasalita ni Bea nung inilagay ni Joshua ang kanyang kamay sa bibig ni Bea.
Lumapit ang mukha ni Joshua kay Bea "Wag mong sabihing pangit ka kasi hindi ganun ang paningin ko sayo. Para sakin maganda ka magandang-maganda ka." Mahinahon niyang sabi.
Tinanggal ni Bea ang kamay ni Joshua mula sa bibig niya. "Ma-maganda a-ako?"
"Oo naman! Maganda ka naman talaga eh! Maganda pa yung panlabas mo, maganda pa yung panloob mong anyo. Bulag naman siguro yung mga taong nagsasabing pangit ka!"
"Salamat ha? Ikaw ata yung unang nagsabi sakin niyan bukod sa mga magulang ko."
"Sus! Lahat naman sila nagagandahan sayo. Inggit lang talaga sila!" May biglang tumunog na cellphone, kinuha naman ito ni Joshua at tiningnan. "Ahh... Bea, kailangan ko ng pumunta nagtetext nadin kasi si mommy."
"O sige! Walang problema! Kita nalang tayo bukas." At ngumiti naman ito sa binata.
"Ayan.. mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka! Sige, Bea kita nalang tayo bukas! Bye!!"
Kumaway si Bea kay Joshua at tumalikod ito. Namula naman ang kanyang mga pisngi at sumaya nalang siya na parang kinikilig.
BINABASA MO ANG
Upon A Time It's A Valentine [Valentines Day Special NLex]
Teen FictionNash Aguas & Alexa Ilacad (NLEX) Valentine Story!