♥Chapter 2: Meet him and his friends slash Gangmates♥

14 9 3
                                    


♥Chapter 2: Meet him and his friends slash Gangmates♥

JACOB's POV,

"Kuyaaaaaaa!!! Gisiiiinngggg!!!" -Sigaw ni Jenelle saken, habang niyuyogyog ako dito sa sobrang lambot at King size kong Kama. Fuck! Ang ingay ingay ng batang 'to, akala mo kung nakalunok ng sandamakmak na Megaphone. Saan nga ba 'to pinaglihi ? Tch.

Anyways, I'm Jacob Saviour Faulkerson, Wala kaming lahi ng kapatid ko. Sadyang ganyan lang talaga ang epilyedo namin. I'm 19 years old. Wala akong Girlfriend / EX-Girlfriend, because.. I'm loyal with someone. Shhhh.. SHUT UP lang kayo ah ? *smirk*

I Have my sister, name.. Maria Jenelle Faulkerson, she's 14 years old. Unico Hijo ako at Unica Hija din ang kapatid kong, mala-megaphone ang bunganga. Hindi ko pa yan pinapayagang mag boyfriend. Kung ako nga wala pang girlfriend siya pa kaya ? Tch. Baka mapatay ko lang magtangkang manligaw dyan.
Sa White Wood University pala ako nag aaral, tapos siya naman ay sa White Wood Academy. High School palang kasi siya, pero magkasama ang High School, College, pati na din ang Elementary, sa isang malawak na Lote. Hindi lang basta malawak iyon kundi, Sobrang Lawak. Pagmamayari iyon ng pamilya ng kaibigan/Ka-Gang ko na si Vincent Harold Baltazar, sa pagkakaalam ko tatlo silang magkakapatid, may Unica Hija yata sila eh, pero di ko siya kilala, And i want to meet her, sabi nila almost perfect daw yun, at gangster din, pero may nagsasabing may pagka-b*tch daw yun. Ahh, fuck! Hindi ko alam. At may share din naman ang pamilya namin doon sa skwelahang iyon. Kaya libre ang tuition fee para samin, since magkakaibigan naman ang mga parents namin.

"Ah.. Ayaw mo talaga gumising ah ?! Pwes! Humanda ka, kuyaaaa!!!" Sigaw ulit ni Jenelle, sabay labas ng kwarto ko. Kita mo 'to, sasabihing 'Humanda ka, kuyaaaa', tapos biglang magwo-walk-out, baliw talaga 'tong kapatid kong ito. Paano ba naman di ko pa minumulat mata ko, nakakatamad kaya bumangon. 8:30A.M. pa ngalang eh-_-. At, oo! First day of school ngayon, at request niyang sabay daw kami pumasok, eh 9:30, ang pasukan eh.

Naramdaman kong dumating na naman si Jenelle. Na may hawak na...teka ? Kaldero ? At may kasama ang takip nito ? Baka naman magluluto yan, tapos iba ang napuntahan ?

"Oyyy. Teka, Jenelle. Nagkamali ka 'ata ng pinuntah––" Nabitin ang sasabihin ko ng...

"PLANGGGG!! PLANGGGG!! PLANGGGG!!" –pinukpok niya lang naman ng sobrang lakas yung kaldero gamit ang takip nito! Fuck! Ang sakit sa tenga!!

"Oh ?! Edi ayan kuya, gumising ka na din! SA WAK––" -Pinutol kk ang sinasabi niya, ng sumigaw ako ng..

"MARIA JENELLE FAULKERSON!!!" Sigaw ko na may pagbabanta, sabay bangon! Damn it! Ang sakit sa tenga! Naiwan yata 'yong tunog ng kaldero sa tenga ko!

Binilisan kong naglakad pababa sa hagdan at hinabol si Jenelle papunta kina.. opps! Kina mom and dad. Crap! Hindi ko na siya magagantihan, paano ba naman, favorite nila yan eh, pero okay lang. Sanay naman na ako, atleast nakukuha ko ang gusto ko. *wink*

"You're really a Devil! Damn!" Sabi ko, sabay upo sa upuan ko.

"Nagmumura na naman ang Unico Hijo namin, umagang-umaga oh."  Sabi ni mom. Sabay lagay ng mga ulam sa mesa.

"Tch! 'Yang megaphone na yan kasi mom. Nakakainis!" Sabat ko naman kay mom, di ko kasi maiwasan eh.  Tsaka, bawal talaga dito sa baha–este mansion namin ang magmura. Lalo na pag kaharap ko sina mom at dad.

"Oh ? Ano na namang ginawa mo sa kuya mo, Jenelle ?" –tanong naman ni dad, sabay upo na nilang tatlo. Si dad, sa center table, tapos si mom naman nasa right side, tapos sa right side naman ni mom, dun naka upo si Jenelle, bali katapat ko si mommy ngayon.

Love at First SightWhere stories live. Discover now