OBTMVP 2

8.6K 243 7
                                    

"Coffee?"

"Aray!" Gagong Saavedrang to. Idikit ba naman ang mainit na kape sa mukha ko.

Inirapan ko siya at sapilitan niyang nilagay ang kape sa kamay ko. Hinimas ko iyong pisngi ko dahil ramdam ko parin ang init ng kape dun.

Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ito! Iyong kiss na may sound na parang mama na hinahalikan ang baby.

"Shit! Manyak ka talaga." Nilayo ko ang nakangisi niyang mukha at hinampas ng notes ko.

Pagtingin ko sa paligid lahat ng estudyanteng naglalakad kagaya ko dito sa lobby ay nakangitin sa aming dalawa. Ang iba mukhang kinikilig ang iba naman nakataas ang kilay.

"Sus! Gusto mo namang i-kiss kita eh." At nag pa-cute ulit.

Sa inis ko ay mabilis akong naglakad palayo sa kanya. May klase akong 7:30 kaya hindi dapat akong ma late. Strikto pa naman si Miss Jona.

"Wait for me, Sugarpie." Maya-maya ay nasa tabi ko na siya at naka-akbay na sa akin. Akbay na parang sinasakal ako.

"Teka nga, Stephen! Kapag ako nainis ibubuhos ko 'tong mainit na kape sa mukha mo. " Nilayo ko ang kape baka kasi matalsikan ang puting uniform ko.

"Baho ng ulo mo. Anong shampoo ba gamit mo?" Siniko ko siya at napa-aray siya dahil dun.

"Gago ka! Nag shampoo at conditioner ako kaya mabango ang buhok ko." Naha-highblood na talaga ako!

"Joke lang kasi. Ang seryoso mo talaga." Hirap pa akong maglakad sa hagdan dahil kinukulit ako ni Stephen.

Nang nasa kwarto na kami nakita kong nasa labas pa si Lisa kasama si Third at ang iba pa naming kaklase.

"Aww. Hindi pa kayo niyan ha." Sabi ni Gen, ang kaibigan kong bakla.

"Namumula ka, bes." Kindat ni Shaira at nagtawanan sila.

Paanong hindi mamumula eh pinaso ako nitong unggoy na to!

"Bitaw." Binitawan niya naman ako pero sumunod siya sa akin sa loob ng classroom.

"Wala ka bang klase? Ba't andito kapa? Alis na, shoo." Umupo ako at pinatong ang kape sa desk.

"Meron pero 7 pa lang may oras pa tayong mag labing-labing." Hinampas ko siya pero tumawa lang ito at naupo pa talaga siya sa upuan ko kaya half ng butt ko na lang ngayon ang naka upo.

"Ano ba?" Hilig talaga nitong dumikit sa akin.

"Kandong ka?" Agad ko siyang sinuntok sa tyan niya kaya napa-ubo ito.

Binuksan niya ang itim niyang bag at may kinuha sa loob. Naglabas siya ng isang tupperware. Binuksan niya ito at isang chocolate cake ang nakita ko.

"Alam ko namang hindi ka nag breakfast." Sabi niya at binigay sa akin ang isang plastic fork.

"May gayuma ba to?" Tumawa siya at inakbayan lang ako. Inalis ko ang kamay niya na agad na binabalik sa balikat ko.

"Wala. Kahit walang gayuma alam ko namang magugustuhan mo ako. Ang pogi ko kaya. Pinaka pogi sa buong mundo." Inismiran ko lang siya at kinain ang cake.

"Kapal talaga ng mukha mo." Ngumisi lang siya.

"Masarap?"

"Yeah." Masarap naman kasi talaga ang cake. 

"Mabuti naman. Ako kaya ang gumawa niyan." Bigla akong nabulunan kaya uminom ako ng kape.

" 'Di nga? Nag be-bake ka?" Tumaas-baba lang ang kilay nito habang nakangiting hindi labas ang ngipin.

Owned By The MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon