OBTMVP 9

7.9K 263 33
                                    

I didn't expect that my first kiss would be this... wild. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Muntikan na talagang may mangyari! Mabuti na lang at naitulak ko siya.

Napatalon ako ng marinig ang pagbukas ni Stephen ng pintuan. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglagay ng baso at juice sa mesa.

Maya maya pa ay nasa gilid ko na siya nakatayo at parang balisa. Pagka upo ko ay naupo rin siya sa tabi ko.

" Galit ka ba? " Tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kong anong nararamdaman ko ngayon.

" Okay, you're mad. " Huminga siya ng malalim at yumuko.

" I promise that I will not do it again. " Tinignan ko siya.

" Talaga? " Tinaasan ko siya ng kilay at sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

" Pwera na lang kong gusto mo. " At kinindatan pa niya ako.

Inirapan ko siya at siniko sa tiyan pero parang wala lng sa kanya.

Paraparaan Juliana para madama ang abs?

" Magsuot ko nga ng t-shirt. " Sita ko. Tumayo ito at kinuha ang isang puting t-shirt sa duffle bag niya.

" Pogi ko na ba sugarpie? " Nakangiti niyang tanong at umupo ulit sa tabi ko.

Pogi ka pag walang t-shirt. Joke lang!

" Pangit mo kahit mag tuxedo kapa diyan. " Inismiran ko siya at nilagyan ng manok ang kanin ang plato niya.

" Hello, fried chicken! It's so nice to see you again. " Agad ko siyang sinabunutan.

" Mapanakit ka talaga. " Sabi nito at inayos ang nagulong buhok.

" Kong ayaw mo ng manok umalis ka na. " Agad niya akong niyakap.

Agad akong kinilig pero syempre hindi ako ngumiti baka malaman pa niya at tuksohin ako. Ipinanganak pa namang makulit ang isang to.

" Syempre joke lang. Pag nag asawa na tayo papatayuan kita ng restaurant na puro fried chicken ang ulam. " Imbes na magalit ay parang kiniliti pa ang puso ko.

" Pakakasalan mo ako? " Hindi ko mapigilan ang pag ngiti.

" Saan pa't sa kasalan rin ang punta natin. " Ngumisi ito at lumapit pa sa akin para akbayan ako.

" Hmmm. Talaga lang ha. Hindi pa nga kita sinasagot. " Pinagkukurot ko ang pisngi niya dala ng sobrang kilig.

" Aray! Tama na, kainin na natin ang fried chicken mo. " Sabi niyang may nakakalokong ngiti.

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan kong nakahiga si Stephen sa sofa habang hawak ang cellphone.

" Tara na. " Kinuha ko sa bag ang susi ng pinto at ng gate.

" Uy, gaya gaya. " Turo niya sa kulay maroon kong halter top. Nag bihis kasi ulit ito ng kulay maroon ring t-shirt.

" Kilig ka naman? " Napasimangot ako ng tumango ito sa tanong ko.

" Tara na, sugarpie at baka ma late kapa. " Lumapit ito sa akin at pinagsiklop ang aming mga kamay.

" Bawal holding hands, hindi pa tayo. " Pilit kong binabawi ang kamay ko kaso malakas siya kaya wala na rin akong nagawa hanggang sa makalabas kami ng apartment.

Hinatid niya ako sa classroom namin at kitang kita ko pa ang tiling walang sound ni Gen sa loob ng classroom. Napa iling na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko.

Owned By The MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon